'What was that??' Para ata akong hihimatayin sa sari-saring emosyon. 2 years? 2 years akong sekretong humanga sa kanya.. but this is the first time that he looked at me.
'You seen it too?' Parang kinikiliting tanong ko.

'Hindi lang ako' siniko niya ako at inginuso ang kapatid niyang kunot noong nakatitig samin.

Natapos ang laro at nanalo ang engineering. Muntikan pang magkagulo ang mga fans kaya agad kaming pumuslit ni Shane sa gilid ng gym para makalabas. Wala kasing masyadong tao na lumalabas dun dagil diretso na to sa labas ng school at may iba pang activities kaya ang halos lahat ng estudyante ay didiretso doon.

'Ay hala.. naiwan ko pala sa locker ni kuya ang phone ko. Balikan ko lang..' nagmamadalimg tumakbo si Shane di man lang ako pinasagot. Sa kabilang building pa yun ah. Umupo nalang muna ako sa nag iisang bench dun at nilalaro ang bracelet ko habang hinihintay si Shane.

'You're boyfriend went the other exit.' Napalingon ako kung saan galing ang nagsasalita at para yata akong hihimatayin ng mapagtantong si Zach ang nasa harap ko. Wearing a plain v-neck gray shirt at ang short na sout niya sa laro with same white rubbershoes na may tatak na adidas.

'A-are you tal-'

'Yes you..' parang tinatambol ang puso ko. Ang lakas ng tibok lalo na ng unti unti siyang lumapit sakin. Nakakabingi ang tibok ng puso ko. He smiled at me at parang umikot an mundo ko ng huminto siya sa harapan ko at biglang lumuhod. My whole body is trembling and my heart is shaking while he's there kneeling at me to fix the untangled shoelace. I can smell his manly scent na humalo sa pawis niya, yung magulo niyang buhok na ang sarap hawakan at ayusin.. God is Good.. parang gusto kong humiyaw.
'Your boyfriend looked so pissed at me..' i can sense humor in his words.

'H-he's not my boyfriend..' nauutal kong sagot.

'Really?' Napasinghap ako ng bigla siyang tumingala habang nakaluhod to meet my gaze. My face is an inch away from his because his that tall kahit nakaluhod at nakapwesto ang kamay sa tuhod. I feel like I need to stop breathing. Namumungay ang mga mata niya at parang hihimatayin talaga ako ng natatawang kinagat niya ang mga labi niya. Damn Zach. 'So who's he then?' He asked.

'A f-friend..' God, talk properly idiot.

'Suitor maybe?' I gasped and slowly shook my head to disapprove. He smiled bago siya tumayo at napatayo na rin ako at inayos ang tumagilid na backpack. 'I see.. well I have to go.' Tumango lang ako na para bang nahihipnotismo sa mga galaw niya palayo.

'Ahh.. Zach!' Napasinghap ako ng lumingon siya sakin.

'Yes babe?' Shit!! Papatayin niya ba ako sa kilig??

'T-thank you.. for my shoelace' tumango lang siya at agad na naglakad palabas. Inihatid ko siya ng tanaw at ng masigurong wala na siya ay nagtatalon ako sa tuwa.

'Hoy? Anong nangyari sayo?' Nagtatakang tanong ni Shane nag abutan niya ako sa ganong sitwasyon. Ikwenento ko sa kanya ang nangyari at pareho kaming nagtatalon sa tuwa, alam na alam niya ang secret admiration ko kay Zach.

Kinaumagahan ay maaga akong pumasaok dahil tutulong ako sa padedesign ng stage para sa announcement of champions. President ako ng club namin kaya heto ako at tumutulong pero muntik pa akong mahulog sa upuan dahil hinila ako bigla ni Shane.

'Ano? I almost fall.. ano ba kasi yun Shane?' Itinuro niya ang entrance ng gym at pumasok ang knights pero nawala ang ngiti ko ng pumasok si Zach pero may nakakapit na babae sa braso niya. Wearing a black mini dress ay litaw ang maputing kutis nito at ang magandang hubog ng katawan.. she's all smile habang pasimpleng hinahampas ang braso ni Zach, tinutukso pa nga sila ng mga kasama nito.

LOVE ME AGAINजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें