Chapter 12: The Puzzle Game

Start from the beginning
                                    

"Ariela?" Lily's confused face is now staring at me. "Ano bang nangyari sayo? Are you okay?"

I blink. "Y-yes." I answer. "Ok lang ako."

But honestly I'm far from being okay. Unti unting nagpatong patong ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Noong una ang pakikitungo ni Jett ngayon naman itong narinig ko. Now it feels like I'm trap inside a big puzzle game. First Snow, now Jett and Collin. Ano ba talaga ang mga tinatago nila sa akin?

















Weekend passed and I continue to make sense out of what I heard on the training room. Pero walang patutunguhan ang pag iisip ko. I don't even remember the exact words from Jett and Collin. Nawawalan na ako ng patience.

"Good morning!" bati ni Lily at Layla pagpasok namin sa classroom Monday morning. Bago umupo napansin ko ang dalawang bakanteng upuan sa likod. Ang upuan ni Jett at Collin.

Kagabi bago ako natulog napagdesisyunan kong tanungin na mismo sa isa sa kanila ang nangyayari. I'm left with no other choice. Hindi ko masabi kay Snow ang narinig ko hangang wala pa akong basis. The only way to stop this nonsense is to talk to them. They would at least tell something, right?

Pero dumating ang hapon nang hindi ko nakikita ang dalawa. Hindi sila pumasok ngayong araw. What a fortunate time to exercise their noticeable lack of enthusiasm to go to school. Sa dami ng araw bakit ngayon pa nila napiling hindi pumasok? I'm left waiting for the next morning. Kung saan umaasa akong isa sa kanila ang magpapakita. Kahit si Collin man lang. Pero dumating ang Martes at wala parin sila. I began to question my luck. The universe certainly has problems with me.

It was Friday when I notice that something is really wrong. Halos buong lingo ng wala si Jett at Collin! Pinaglalaruan ba nila ako o talagang nagkataon lang ang lahat? The answer to my question appears not to be in the choices. Tinanong ko ang mga kasama ko kung alam ba nila kung nasaan ang dalawa o kung bakit sila absent, they only shrug. Madalas daw talaga silang mawala kahit noon pa. Minsan ilang lingo bago sila muling pumasok.

Doon na ako nagtaka. Bakit mukhang wala man lang nagtatanong kung nasaan sila. Para bang walang pakialam ang Academy sa pagabsent nila. Pati ang mga teachers parang wala lang na nilalampasan sila sa attendance. There is definitely something wrong here!

















"Hoy! Nakatunganga ka nanaman dyan." Snow waved her hands in front of me as if trying to get my attention. It's been exactly one week since huli kong nakita si Jett at Collin.

Lumingon ako sa kanya with a neutral look. "Hindi ako nakatunganga. Inaantok lang." pagsisinungaling ko.

She smiled at my fail attempt to make an impassive face. "Talaga lang hah?" she inquired. "Ilang araw ka ng inaantok kung ganun." Sarcasm is dripping in her voice. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Ano ba talagang meron? Napapansin ko parang wala ka sa sarili nitong mga nakaraang araw."

So, napapansin niya pala. Dapat ba sabihin ko na?

"Snow, could we talk?" tanong ko. My tone became serious and she immediately noticed it.

"We are talking." Sagot niya with a matter-of-fact tone.

Ewan ko ba, minsan napaka sensitive ni Snow na kahit maliit na bagay ay agad niyang napapansin. Ngayon parang ayaw niyang pansinin kung ano man ang obvious.

"Not here. Sa labas."

Napansin ko kung paano siya natigilan. Agad din naman niyang nabawi ito nang ngumiti siya at tumayo.

"Sure."

Lumabas kami ni Snow. I have to clear things up for my sake. This whole puzzle game is getting really ridiculous. Pakiramdam ko ang buong school na ang may tinatago sa akin and it seems connected with Jett and Collin's secret.

"So?" tanong ni Snow nang makarating kami sa Cafeteria kung saan wala ng ibang tao maliban sa mga nagt-trabaho doon. Hapon na din kasi at ano mang oras ay mag uuwian na.

"Snow, hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Jett at Collin." Derechong tanong ko. "And why does the Academy act as if there's no Jett and Collin at all? At ano itong tinatawag nilang mission?"

Natigilan si Snow sa sunod sunod na tanong ko. For a second tiningnan niya lang ako. Then she smile.

"Alam kong magtatanong ka din." She said more to herself than to me. "Mapapansin mo din ito at magtatanong ka. Medyo natagalan nga lang kesa sa inaasahan ko."

Snow is like that. Alam niya ang lahat ng nangyayari. Inside her head she's making a bet out of everything. And guess what, tama siya. Hindi din ako nakatiis.

"Gusto ko ako mismo ang makaalam." I answered honestly. "Pero mukhang magaling kayong magtago."

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi ko. She seems very amused of the situation.

"Ariela, what do you expect. Isa itong magic school. Secrets are creeping everywhere."

Ipinatong niya ang magkabilang siko niya sa mesa at tumingin ng derecho sa akin.

"Ngayong may Charm ka na malalaman mo na hindi isang malaking fairytale ang pinasok mo."

Hindi ko inaasahan na maririnig yun mula kay Snow. Sa pagkakalam ko kasi siya ang pinaka optimistic sa amin magkakaklase. Hindi siya mahilig magbanta o manakot. She is more like the encourager.

"Pero syempre masasanay ka din gaya namin." dugtong niya. "Kaya lang dapat narealize mo una palang that danger is part of the curriculum of this school."

Snow sighs before continuing. "Nagaalala kasi ako na habang tumatagal at nalalaman mo ang mga sekreto ng Academy ay magbago ang tingin mo dito. This is still a wonderful school, Ariela. It's where people like us belong."

Honestly, hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ganyan siya magsalita? It's as if she's trying to warn me in advance.

"Ariela, the Academy is sending students to missions."

***

Charm Academy School of MagicWhere stories live. Discover now