PROLOGUE

1.5K 33 1
                                    

"IF things turned out differently, the two of us could've end up together and eventually married," mahina ang tinig na sabi ni Julian kay Marisol. Mahigpit nilang hawak ang kamay ng isa't isa. Nahihirapan na itong bumangon sa kama. Madalas ay nakahiga na lang ito. A little movement would cause him so much pain.

Nakikita ni Marisol ang paghihirap sa mga mata nito. Julian was sick. He was diagnosed with lung cancer three years ago. Stage four. Julian was a heavy smoker aside from his other vices. Ang sabi ng doctor ni Julian ay six months na lang ang itatagal nito sa mundo mula nang ma-diagnose ang sakit nito. Pero buhay na buhay pa rin ito hanggang ngayon. Marisol believed it was a miracle. Siyempre, alam din niyang dahil na rin sa tulong ng siyensya kaya napatagal ang buhay ni Julian. If Julian wasn't filthy rich, he probably would have died a long time ago. And that would definitely devastate Marisol. Dahil sa pera ni Julian ay napapahaba pa ang buhay nito. Pero isang araw ay nagdesisyon itong ihinto na ang pagpapaka-chemotheraphy at pag-inom ng mga gamot para sa sakit nito. He would only request for pain reliever.

Julian Mercado, the legendary actor-singer, businessman and philanthropist was Marisol Austria-Carreon's best friend in the world and her greatest love. Nagkakilala sila ni Julian sa isang music festival. Eighteen siya noon at twenty-three naman si Julian. Hindi pa ito sikat noon. He used to sing in pubs as a folk singer. Isa ito sa mga naimbitahang kumanta sa event na iyon. Ayon kay Julian ay natipuhan na siya nito noong una siyang makita. And the feeling was mutual. They hit it off fast. Pagkaraan ng isang buwan ay naging nobyo na ni Marisol si Julian. Naroon si Marisol sa tabi ni Julian mula pa noong hindi pa ito kilala at walang-wala sa buhay hanggang sa sumikat ito ng husto bilang artista at singer. She was right beside Julian until today.

Tama ito, if things turned out differently, sila siguro ang mag-asawa ngayon. Ngunit iba ang ginusto ng tadhana at ni Julian. Marisol knew Julian loved her. The only problem was that she's a woman.

Pitong taon na ang relasyon nila noon, nag-propose na rin ito ng kasal sa kanya, ngunit sa isang iglap ay nagbago ang isip ni Julian at inamin sa kanyang bading ito. At hindi na nito kayang lokohin pa ang sarili at takasan ang tunay nitong pagkatao. Natatakot lang itong aminin sa kanya ang totoo ngunit nahihirapan na raw talaga ito. And he even confessed to her about cheating on her with different men for many times.

When Julian told her his sexual preference, she was hurt and shocked. Sino ba ang hindi masasaktan sa ipinagtapat nito? Kahit sa panaginip ay hindi niya inisip na bakla ito. All along Marisol thought they would get married eventually after Julian gave her a ring, but her hopes died down when he confessed to her. Pero nanatili silang magkaibigan ni Julian sa kabila ng kinahantungan ng romantikong relasyon nila. Ang sabi ni Julian ay hindi nito gustong mawala siya sa buhay nito. Julian bought Marisol a house when they ended their relationship. Hindi pumayag si Julian na mapalayo siya rito. Ang binili nitong bahay para sa kanya ay iyong bahay na malapit sa bahay nito. Binigyan din siya nito ng trabaho sa kompanya nito. Aside from the film and recording company he built, he also had other businesses.

Naging parte sila ng buhay ng isa't isa kahit wala na iyong romantikong relasyon sa pagitan nila. They truly loved and deeply cared for each other through the years. Kahit nga ang mga naging lover ni Julian ay pinagseselosan na siya. They said they can never compete with her. Julian would always tell his lovers that Marisol was the only person he could trust in this world. And that he could never love any man as much as he loved Marisol.

May mga panahon noon na umasa si Marisol na magbabago si Julian at magbabalik ito sa kanya at pakakasalan siya ngunit hindi nangyari ang pag-asam niya. Julian is as gay as can be. Hindi man nito inaamin iyon sa buong mundo pero hindi na magbabago pa ang katotohanang iyon. He would never be the same Julian Mercado she met two decades ago. Naniniwala na siya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakatuluyan mo ang greatest love mo. Nang ma-realize niya ang mga bagay na iyon ay sinagot niya ang isa sa mga manliligaw niya— si Vicente Carreon, isang accountant sa kompanya ni Julian. Marisol married Vicente five years ago. Masaya si Julian para sa kanya. Nang isilang niya ang panganay na anak na si Juliana ay kinuha niyang ninong ang matalik na kaibigan.

"Marisol, darling," tawag nito. Hinaplos ng isang palad nito ang isang pisngi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Nakuha niyon ang atensyon niya mula sa mahabang pag-iisip. "Maraming salamat sa'yo. Sa mga sakripisyo mo para sa akin," sinserong pahayag ni Julian.

Umiling-iling si Marisol. "Wala 'yon. Ikaw pa ba, Julian? Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa'yo."

Iginala nito ang paningin sa sulok ng kuwarto, saka ibinalik ang tingin sa kanya. "Lahat ng ito ay para sa'yo. This villa, all my businesses would be yours."

"Natatakot ako, Julian. Why don't we put this all up to charity instead?" pag-amin ni Marisol. Hindi niya lubos maisip na lahat ng kayamanan ni Julian ay ibibigay nito sa kanya. That was outrageous! Marisol lived simple all her life. Hindi siya sanay sa marangyang pamumuhay. At isa pa, wala siyang alam sa pamamalakad ng negosyo. Personal secretary lang siya ni Julian. Paano niya kakayanin ang lahat ng iyon kung sakali?

"Wala akong ibang pagmamanahan ng mga iyon kundi ikaw lang, darling. You're my only family. And you would have been my wife, anyway. You'll be fine, darling." Dinala nito sa mga labi ang kamay niya at hinalikan iyon. "And I want you to be secured for life. Ayokong mag-alala para sa'yo sa kabilang buhay. Lalo na ngayong magkakaroon na ng kapatid si Jules," bahagya pa itong tumawa kahit nahihirapan na itong magsalita.

Napahaplos si Marisol sa kanyang tiyan. She's seven months pregnant and she's having twins. Marisol was juggling her time looking after Julian, her husband Vicente and her toddler daughter Juliana.

"I don't have much time, darling. Pagod na pagod na ako," anito. Halata sa mukha ang paghihirap. Ang doctor at nurse nito ay nasa labas lang ng kuwarto, nakaantabay.

"Julian." Sa puntong iyon ay napaiyak na si Marisol. She hated to see him in pain.

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo, okay? And I hate that I wouldn't get to see Jules growing up." Nakita ni Marisol ang fondness na dumaan sa mga mata ni Julian nang banggitin ang inaanak.

"I would have brought Juliana along with me here, pero may klase siya ngayon." Five years old na si Juliana at kasalukuyang pumapasok sa nursery school na malapit lang sa bahay nila.

Napangiti si Julian. "I'm going to miss that little munchkin." Bumuntong-hininga ito. "I feel a little tired now, Marisol. I'm going to take a rest for a while," he said as he squeezed her hand.

Tumango siya. Sinuklay niya ng kanyang kamay ang nagtitirikang buhok nito saka hinalikan ang noo ni Julian. "I love you, Julian," aniya.

"I love you, Marisol, darling. I've always have." Ngumiti si Julian bago ipinikit ang mga mata.

Ngunit pagsapit ng gabi ay hindi na gumising si Julian. He was declared dead by his doctor at exactly eight o'clock in the evening...

Marisol was devastated. Hanggang sa mailibing si Julian ay hindi naubos-ubos ang mga luha ni Marisol. She just lost her best friend and the greatest love of her life.

At gaya nang sinabi ni Julian sa kanya, iniwan nito ang lahat ng kayamanan sa kanya. Dumating ang abogado ni Julian na si Atty. Mendiola sa bahay nila isang araw at sinabi nito sa kanya ang nakasulat sa last will and testament ni Julian. Marisol was too overwhelmed with all of the things that had happened to her in a snap.

Nahiling ni Marisol na sana ay hindi nagkamali si Julian sa desisyon nito...

THE CARREON SISTERS: SUDDEN BRIDES TRILOGY - The Marriage BargainWhere stories live. Discover now