Chapter 1

47 3 0
                                    

Lei's P.O.V

Haaaayyyzzzsss....

Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko bago ako tuluyan na pumasok sa aking bagong paaralan.

Nasa pasukan na kasi ako ng gate nitong bagong school na papasukan ko.

Dahil ang luma kong school ay pinilit ako na magtransfer sa iba kasi nakakalbo na daw ang mga teacher at ang nag iisang principal namin dahil sa mga gulong ginawa ko sa eskwelahan nila.

Di ko naman kasalanan na mga hindi marunong gumalang at kumilala ang mga estudyante nila doon eh.

Kasalanan ko bang hindi nila alam ang salitang respeto lalong lalo na sa akin?

Dahil kung meron lang sana sila nun at pinapakinggan ang mga lessons nila nung mga elementary pa lang sila tungkol sa values edi sana hindi sila masasaktan sa akin.

Ikaw kaya, kung dadaan ka lang sa hallway ng school mo tapos bigla ka na lang banggain sabay sasabihan ka pang bulag o hindi tumitingin sa daan.

Diba walang respeto?

Kaya ayun sinapak ko, iyak siya eehh..

Kung sya rin kaya marunong tumingin sa dinadaanan edi sana hindi kami nag kabanggaan.

Kaya ayun sa office ang bagsak ko.

Ano pa nga ba ang bago?

Wala naman eehh.

Sanay na akong laging nandito.

Parang sa buong taon ko sa school na to, walang araw na hindi ako mapupunta dito.

Himala na lang kung hindi ako mapunta sa office ng isang araw.

Kaso nga lang walang himala eehh. Kay Nora Aunor lang meron nun eehh

Tsk tsk.

Pero kakalimutan ko muna ang lahat ng mga nangyari sa akin sa walang kwentang school na yun at kailangan kong magsimula ng bago.

Kahit alam ko na impossible na mangyari yun sa akin dahil alam ko na kahit iwasan ko ay lalapit at lalapit pa rin sa akin ang gulo.

Marami ngang nagsasabi na mess magnet ako eehh..

Kahit ako, yun din ang tingin ko sa sarili ko.

Na kahit saan ako magpunta, ang gulo na ang kusang lumalapit sa akin kaya himala nalang kung kung hindi ako mapaaway sa school na to.

Haaaayyyyzzzssssss.......

Nag pakawala ulit ako ng isang mahabang buntong hininga bago ako tuluyan na pumasok sa school na pag aaralan ko.

Bago ako magtuloy tuloy sa pagkwento ng walang kwentang buhay ko mag papakilala muna ako.

Ako nga pala si *yawn* Ellianna Lei Castro Velasco yun lang.

Ngayon kilala nyo na ako, kaya wag na wag kayong magkakamaling subukan ako mamamatay kayo ng maaga.

.....

Naglalakad ako sa hallway ng school nato para hanapin ang office dito para makuha ko na yung sched ko sa lahat at mga requirements sa bawat subject.

Pero habang naglalakad ako ay bigla na lang akong may nakabungguan.

Sabi na eehh hindi pa nga ako nakakailang oras sa school na to, gulo agad eehh.

Tinignan ko yung nakabunggo ko at babae pala to.

Nakakaawa nga eehh. Tumalsik kasi sya at nahulog lahat ng mga dala niya.

Hindi naman ako ganun kasama gaya ng iniisip niyo.

Since I Met My Best FriendWhere stories live. Discover now