I love you na kasi ..... ( O N E - S H O T )

253 8 2
                                    

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

Letse, siya! Nakakabuwisit talaga siya! Nakakainis talaga siya!
Ang manhid niya talaga! Naku! Mamatay na nga siya!

Lord! Bakit ba ganito ang nangyayari sa sa love-life ko?! Teka. Wala nga pala akong love-live dahil kabilang ako sa mga tinatawag na zero-love-life. Kasi naman! Buwisit talaga lalaki na iyon! Napaka-manhid! Alam ko matalino siya pero tanga din pala siya. Bahala nga siya sa buhay niya!

Isang taon na akong nagpapapansin sa kanya pero wala pa din siyang ginagawa, ayoko na! Suko na ako! Kung ayaw niya sa akin mas lalong ayaw ko na sa kanya! Marami naman lalaki sa school namin mas gwapo pa sa kanya. HA?! Akala niya! 

" Oh' Marie. Nakasimangot ka na naman. " 

Wow! Ang kanina lang pinapatay ko na sa imahinasyon ko nandito na. Devil's SPEAKING! Mister Matalinong manhid na tanga Adrian Lopez here. Buwisit na lalaki na ito. Ayaw pa kasi aminin na may gusto sakin para magka-love-live na ako. 

" Pssh. Lumayo layo ka nga sa harapan ko at baka mabalibag ko sayo ang lahat ng libro ko. Nagpakita ka lang nasira na ang araw ko. " 

" Okay. " 

Aba?! Ang buwisit! Lumayas nga talaga siya! Buwisit! Buwisit! Nakakainis! Bakit ba ang tanga-tanga niya? Hindi ba halata na nagpapapansin ako sa kanya. ARGH! Tanga talaga siya! Nag-aral akong mabuti last year para lang malipat sa section niya this year pero wala pa din nangyayari. Akala ko pa naman pagnalipat ako sa section niya may pag-asa na akong maging super close sa kanya at dadating din yung time na magugustuhan niya ako pero mukhang hindi pa ata mangyayari iyon. 

Ang tanga-tanga niya talaga! Manhid ka Adrian! Manhid! Manhid! Naku! Titigilan ko na talaga ang pagkakagusto ko sayo! Buwisit kang lalaki ka! Ang engot mo! Matalinong engot ka!

Natapos ang buong araw ko sa eskwelahan na wala man lang magandang nangyari, ganito naman kasi palagi dapat ata masanay na ako at matuto na din mag-move-on. Anodaw? Move-on? Hindi nga naging kami ni Adrian bakit ako magmo-move on. Argh! Buwisit! Sinisira niya ang pag-aaral ko. 

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon as in mabilis talaga, ganito talaga ata pag-walang love-life nagiging mabilis ang paglipas ng panahon. Hindi na ako kinakausap ni Adrian, binabati lang niya ako pag-umaga pero pagkatapos ng " goodmorning " niya ayun, balik sa dati. Wala na ulit. Parang ordinary classmate lang niya ako tulad ng iba. Hindi ako sanay, letse! Bakit ba iniisip ko na naman ang lalaki na iyon, naka-move-on na ako sa crush life ko wala na akong paki-alam sa kanya. 

Wala na nga ba? Pero bakit noong isang araw na makita ko siyang may kausap na ibang babae halos sirain ko na yung locker ko sa inis sa kanya. WAH! Naguguluhan ako, bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Kailangan ko na siyang kalimutan dahil dalawang buwan na lang g-graduate na kami. Oo, graduating student na ako, hindi nga lang halata kasi maganda ako. Alam ko na maganda ako pero bakit?! Bakit?! Bakit hindi man lang ako nililigawan ng lalaking gusto ko?! 

Araw gabi si Adrian lang nasa isip ko, tuwing nakikita ko siya sa eskwelahan bumibilis ang tibok ng puso ko yung tipong akala ko lalabas na ito tuwing magkakatinginan kaming dalawa. Nakakainis na talaga! Ayoko na nga siya isipin eh! Hindi naman kami magkakasama sa college kaya mas maganda na hindi ko na siya isipin! 

I love you na kasi ..... ( O N E - S H O T )Where stories live. Discover now