Prologue

7 2 2
                                        

"Ano ito? Bakit ninyo nagawang magtaksil sa bayan natin?"

"Tayo ay mga bayaning hinirang ng hari upang lupigin si Demos bakit kayo pumanig sa kaniya?"

Ang maluha luhang sambit ng dalaga sa kaniyang mga kasamahan habang sila ay may kausap sa bolang kristal.

Dahan-dahang lumapit ang isang matipunong lalaki na balot ng armor ang katawan.

"Alam mo nagiging praktikal lamang kami. Sa huli ang buong mundo ay mababalot din sa kadiliman at si panginoong Demos ang magkokontrol sa lahat"

"Tama siya! Ikaw ang pinakamatalino sa atin at sa taglay mong kapangyarihan, napakalaki ng maitutulong mo sa panginoon. Sumapi ka na sa amin at tayo ay mabubuhay nang lalong mas makapangyarihan!"

Pagsangayon naman ng babae na may hawak na setro. Inialok nya ang kanyang mga kamay at inaya ang dalaga na sumapi na sa kanila.

Isang malalim na boses ang nagsalita. Tanging tinig nya lang ang maririnig sa buong kagubatan na wari'y ang lahat ng naroroon ay nakatuon sa kaniya.

"Kung nagbabalak kang tumakas ay huwag mo nang ituloy. Kung hindi karin sasama sa amin ay mabuti pang patahimikin ka na rin namin."

Unti-unti niyang itinaas ang kanyang pana at palaso at itinutok sa dalaga.

Dumaloy ang luha sa kaniyang mga mata at bumalik sa kaniyang mga alaala ang masaya at mahirap nilang paglalakbay patungo sa kastilyo ni Demos. Nangangatog, inipon niya ang kanyang tapang at sumigaw.

"Hindi! Kailanman ay hindi ko ipagkakanuno ang aking bayan, ang aking hari para sa kapangyarihan na pangako ni Demos. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa hari ang kataksilan na inyong ginawa at kayong lahat ay mapaparusahan!

Gamit ang kanyang kapangyarihan siya ay nag-usal ng mahika upang patigilin ang oras. Sa pagtigil ng mga sandali dali-dali siyang tumakbo palayo sa tatlo niyang kasama. Siya ay lumayo, sapat na layo para hindi na siya abutin ng palaso o ng mahika ng babaeng kasama nila. Siya ay naghanda para sa pag usal ng mahika ng teleportasyon.

Gamit ang puting mahika ang madilim na gubat ng Harès ay nagliwanag. Sa isang dako nakita ng tatlong tumutugis kung nasaan ang liwanag at sila ay kumaripas ng takbo patungo sa nasabing lugar.

" Seco great god of time. I summon thee, transfer thy servant to...  Ack!"

Naputol ang pag-usal ng dalaga, isang punyal ang mapapansin na nakatarak sa kaniyang likuran. Dahan dahan siyang lumingon para tignan kung sino ang sumaksak sa kaniya, pagkadismaya ang mapapansin sa kaniyang mga mga mata habang sinasambit.

"Pati rin pala ikaw ay nabulag sa ambisyon. Akala ko ay iba ka sa lahat. Minahal pa naman kita."

Pahina na ng pahina ang boses ng dalaga habang sinasambit iyon hanggang sa siyang ay mawalan na ng hininga. Ang kaniyang katawan ay napayakap sa taong sumaksak sa kanya patalikod.

Tinanggal ng lalaki na nagmula sa mga kanino ang punyal na kanyang tinarak sa dalaga at siya ay bumulong.

"Sana'y mapatawad mo ako prinsesa Faye. mahal na mahal rin kita."

Kaniyang inilatag ang bangkay ng prinsesa sa lupa na siya namang dating nang tatlong tumutugis sa dalaga.

"Patay na ba siya?" Tanong ng lalaking naka baluti.

"Oo, siniguro kong sapul sa kaniyang puso ang punyal na aking itinarak at ngayon ay wala na siyang hininga." Ang malungkot na wika ng tumapos sa buhay ng prinsesa.

"Alam ko mahirap itong tanggapin, bilang kaniyang matalik na kaibigan ako man ay nahihirapan din sa pangyayaring ito." Sambit ng babae, (sa kaniyang tono ay hindi mababatid ang sinseridad. Parang siya ay natutuwa pa sa pagyao ng prinsesa.)

"Tayo na at bumalik sa palasyo. Ating ibalita ang trahedyang naganap sa prinsesa. Atin ding ibalita ang kanyang kabayanihan para tayo ay mailigtas sa kawan ni Demos at ang ating tagumpay na puksain ang kadiliman."

"Hahahahaha! Hahahahaha!"

Ang malakas na tawanan ng tatlo ay maririnig sa buong kakahuyan.

Samantalang ang taong tumapos sa buhay ng prinsesa ay nawala na sa mga anino.

Bilang patunay nang pagpanaw ng prinsesa, kinuha ng babae ang mahiwagang tungkod. Ito ay mayroong isang malaking hiyas na simbulo ng kaharian. Pagkalayo na pagkalayo ng tungkod sa katawan ng prinsesa unti-unting nagbago ang anyo ng tungkod at naging parang patpat at ang hiyas naman ay nawala nang parang bula.

YueStories to obsess over. Discover now