Prologue: The Ability

6 0 0
                                        

"Ang tao pag ito'y namatay ang kaluluwa nito'y magpapagala-gala lamang sa paligid, naghahanap ng bagong buhay na pwede niyang dugtungan at baguhin. Ngunit paano kung isang accidente ang mangyari sa buhay mo at sa mismong araw rin na iyon ay na-reincarnate ka sa mismong katawang lupa mo."

(Natutulog ang isang lalaki sa isang bed hospital. Habang binabantayan siya ng isang babae na naka-uniporme. Sa 164 Days na pagkakahimbing ay nagising siyang waring bulag na ang nakikita lamang ay ang mga ilaw na nakatutok sa kaniya.)

'Sa aking pagmulat, unti-unti bumabalik ang mga sences ng aking buong katawan. Nauna ang Pandinig. Unti unti kong naririnig ang boses ng isang babae na waring natataranta sa pag tawag ng Doctor.'

"Doc! Doc!"

'Unti unti ko ring nararamdaman ang buo kong katawan, at nararamdaman kong may nakatusok sa aking mga braso. Pati ang napasok sa aking ilong."

'Hindi ko lamang magalaw ang aking buong katawan. Ngunit nakita ko ang mga doctor sa tabi ng hinihigaan na nakatingin at kung ano-ano ang ginagawa."

"Grabe, di ko akalaing magigising pa siya." Wika ng isang dortor.

'Unti-unti ko naring nagagalaw ang mga kamay ko at ang aking ulo. Itinapat ko ang kamay ko sa mukha ko at tinignan ko ito.'

'Nang ibaling ko ang tingin ko sa mga doctor, nakikita ko sa mga mukha nila ang tunay na expression ng loob nila. Isang doctor ay nakasimangot. Waring hindi siya masayang nagising ako, ang isa naman ay tuwang tuwa. At yun lalaking nurse nkangiti siya na parang may balak siya sakin.'

"AAAAAHHHHH" napasigaw ako sa takot. Kahit ipikit ko ang mga mata ko nakikita ko padin ang mga hitsura nilang waring hindi galing sa mga mukha nila."

2 months after kong makalabas ng ospital at hanggang ngayun wala parin akong malala simula ng maaccidente ako.

Nagtatago ako sa isang malaking drum na halos kasya ang tatlong tao at walang tubig. Hindi ko alam kung anong tinataguan nung araw nayun. Pero alam ko mamatay ako kapag nakita ako ng taong tinataguan ko. Kaunting saglit pa naramdaman kong may naglock ng takip ng drum. At binutasan ang takip nito. At isinuot ang hose sa butas ng takip at nagsimulang mabuhos ang tubig na nang gagaling sa hose. Kinabahan ako ng todo. Ito na ba ang katapusan ko? sinubukan kong itulak palabas ang hose kaso may pwersang pumiigil rito.

"Jeremi!" tawag sakin ng bestfriend ko. nakita ko sa mukha niya ang maaliwalas na mukha nawaring masayang masaya siya sa mga nangyari sa araw niya ngayun.

"Ano uuwi ka na ba?" Tanong sakin ni Kim sabay akbay sakin.

"Oo, sabay na tayo?" napahinto siya at binatukan ako.

"Ikaw alam mo kahit kailan ka ang slow mo talaga? Natural sasabay ako sayo, magaabala pa ba kong tawagin ka kung hindi ako sasabay?"

"Mas slow ka, alam mo na ngang uwiian na tatanong ka pa kung uuwi na ako." Sabay amba sakin ng waring manunutok pero alam kong hindi siya asar dahil nakita ko sa mga mukha niya na masaya padin siyang kasama ako.

"Sasagot ka pa eh."

Sa ngayun tanggap ko na lahat ng mga bagay na nangyari sakin matapos ang aksidente ko. tanggap ko nang nagising ako na walang naaalala kahit na sino at kahit na ano, at kailangan kong masanay sa lahat ng bagay na nagaganap sakin ngayun. Bagong alala at ang bagong kakayahan.

I Know Who Will DieLa tua prossima ossessione. Scoprilo ora