"Yun lang gagawin mo ate Ells??? Nakakapagod naman pala yung nakaassign sayo. Jusko!"

Sarcastic na sabi ni Gi kay ate Ells kaya naman binatukan nya to kaya nagtawanan kami.

"Hoy hindi madali yun noh. Alam nyo naman yun si Jhoana ang daming arte sa buhay nun!"

Nag-make face na lang si Gi kaya nagpatuloy na si ate Ells sa sinasabi nya.

"So eto na nga... pag natanggap nyo na yung go signal ko yun na yung time nyo para magdecorate sa bahay."

"And Mich ikaw muna ang in-charge since wala ako. Kaya guise ayos buhay tayo. Kailangan mabilis ang kilos." Dagdag pa ni ate Ells habang nag okay sign naman si Mich.

"We got this. Wag ka naman utos donya ate Ells. We know what we have to do kaya." Nag-apir pa si Mich and Ana sa kakatawa at napairap na lang si ate Ells.

They're so cute. Squad goals. Jho is lucky to have them... plus me. Hihi. But on the other side, were lucky to have her also. Because she's so kulit and clingy.

"Okay okay. Gusto ko lang maging perfect to para kay Jho kasi alam nyo naman yun... lahat na ng problema sa buhay nasalo nun."

Sumeryoso naman sila at isa isang nag-agree kay ate Ells. Me too. Although lately nya lang ako naging kaibigan pero alam ko na lahat ng pinagdaanan nya sa buhay.

Kaya nga nagtataka silang lahat kung bakit ganon na lang daw kadali kong nakuha yung loob ni Jho samantalang hindi na daw sya madaling mag-open up sa mga tao simula nung nangyari sakanya lahat ng problema.

And dahil dun bilib na bilib ako kay Jho. Kahit na sya lang magisa sa buhay nya nakaya nya yung mga ganung problema.

She's so tough. Her parents died, her friend and her boyfriend betrayed her. And just wow. Kung ako yun? I dont know what would I do.

Kay Maddie pa nga lang hindi ko na nakaya eh. But luckily, naka-move on ako. And si Jho? I dont know. But Im pretty sure, may feelings padin sya sa ex nya kahit na ganun yung ginawa sa kanya.

"Iisa lang naman tayo ng goal dito yun ay mapasaya si Jho. Kaya guys hinihingi ko yung kooperasyon nyo." Isa isa kaming tinignan ni ate Ells and I dont know how to react.

Nilahad ni ate Ells yung kamay nya. Nagkatinginan naman kami lahat at nagkangitian.

Isa isa namin pinatong ang mga kamay namin kung san nakapailalim yung kamay ni ate Ells.

"Para kay ka-negra!" Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni ate Ells.

"Ate Ells nakuha pang mangasar. Akala mo talaga matangkad eh." Sabi ni Ria kaya nagtawanan nanaman kami.

"Kumpara sayo oo!" HAHA ganto ba talaga sila? Puro trashtalkan? Ang cool lang HAHA.

"Ano ganto na lang tayo?? Nangangawit na si Bea oh." Nagtinginan naman sila lahat sa akin dahil sa sinabi ni Ana.

Umiling naman ako at ngumiti. "No its okay. Kahit abutin pa tayo hanggang bukas. Para lang kay Jho."

Nagpakawala uli ako ng ngiti at ng mapatingin ako kay ate Ells ay di ko malaman itsura nya. Parang nangangasim na ewan???

"Aww such a sweet of you shawty. Jho is blessed to have you as her bestfriend. Can I have you too??" Natawa naman ako sa sinabi ni Jamie.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni ate Ells.

"No Jamie. Jho will get mad at you if you stole her bestfriend. Bea is her property na." Patawa tawa namang sabi ni ate Ells.

Nagulat naman ako sa sinabi ni ate Ells. Pero mas nagulat ako sa sunod sunod nilang tanong.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now