Kaya naman bumaba na ko at nagabang ng taxi sa labas.

Habang naghihintay ng masasakyan, tumingin ako sa bintana ni Jho at nakita na nakasilip sya. Pero nung nakita ko sya ay nagtago naman sya bigla kaya napangiti ako. Cute!

Maya maya ay may naramdaman ako na sakit mula sa likod ko kaya napalingon ako.

Nakita ko sa lapag yung susi. Susi ng kotse ni Jho???? Yun ata yung tumama sa likod ko. Tumingin ako uli sa bintana ni Jho pero wala sya.

Kinuha ko yung susi at ibabalik sana sa kanya ng magvibrate yung phone ko.

From: Jho♡

Gamitin mo muna yan. Balik mo na lang kung kelan ka babalik!!!

ps. di kita bati. i hate u

Napangiti ako kahit na alam kong hindi nya ako bati. Hehe

To: Jho♡

Thank you beh. Love you!

Pagsend nun ay sumakay na agad ako sa kotse at ini-start yun.

Pagdating ko sa bahay nila Mich ay nadatnan ko dun lahat ng kaibigan ni Jho.

She's truly a fragile one. Ang lakas ng impact nya sa mga tao. Hindi naman nila dapat gawin to but sa sobrang pagmamahal nila kay Jho gagawin nila.

Binati naman nila akong lahat pagdating ko. Naging close na din ako sakanila since tumutulong nga ako magplan para sa event.

Kinuha ko yung gitara kay Deanna at nilaro yun.

So she tries to cover up her pain and cut her woes away

Cause covergirls dont cry after their face is made

Pumalakpak naman sila pagkarinig ng kanta ko kaya napahawak ako sa batok ko dahil sa hiya.

"So ready ka na bukas ate Bea?" Napatingin naman ako kay Deanna sa tabi ko.

Im not sure cause first time na kakanta ako sa madaming tao.

And yup. Naassign ako na magspecial number para kay Jho. Nung una ayoko pa but then kinonsensya ako kaya wala na din ako nagawa.

Ngumiti ako at nagkibit balikat. "Maybe. I think I need some more practice. Baka mapahiya ako kay Jho eh."

Tumawa naman kami pareho at tumango sya.

"Mabait naman si ate Jho. Kahit ano naman sakanya okay lang. Kahit maliit na bagay lang oks na sakanya."

Mataman lang akong nakatingin sakanya at nakikinig.

"Yun nga lang din ang mahirap. Kasi kahit maliit na bagay lang din nasasaktan na sya."

Naalala ko naman yung kaninang muka ni Jho ng malaman nya na hindi nya ko makakasama sa bday nya.

I know nakakakonsensya but para rin naman sakanya. Mas magiging masaya naman sya kung hindi masa-sabotage yung surprise namin for her.

"Guys pinapatawag tayo lahat ni ate Ella sa kitchen."

Tumayo naman kaming lahat and pumunta kung nasan si ate Ells.

Isa isa kami umupo at nang makaupo na kaming lahat ay nagumpisa na si ate Ells.

"Okay guise so bukas na yung party for Jho. Alam nyo na mga dapat gawin."

Isa isa naman silang nag-tanguan.

"So bali yung plan kasi pupunta kami ni Jho sa mama at papa nya. And then magsignal ako sainyo kapag nakaalis na kami sa bahay."

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now