Part 2: Badtrip!

260 4 2
                                    

10:30 am "PHOTOGRAPHY 301" ang class ko nang iannounce ng prof ko na required magkaroon ng digicam or dlsr dahil mapapadalas ang outing for nature trip and picture taking.....HANEP! MAPAPAMURA KA SA MURA!,...bibili pa ako ng cam! Hayup sa hanep!....

12:30 lunch time tapos na rin ang class at mamyang 2:00ang next class ko uli, nagtungo muna ako sa restroom para juminggel nagsalamin muna
Sabay punta sa dulo ng urinal after a second may sumunod sa urinal, pangatlo sa dulo sa urinal, dahil ako ang nasa dulo napalingon ako kung sino ang taong yun......."ANAK NANG!! SI Mr.LUCKY NA NAMAN!! nagkatinginan kami sabay pacute smile uli ni lucky, napaismid na lang ako tutal tapos na ako
di ko na lng siya pinansin dumirecho na ako nang faucet para maghugas nang kamay nang bigla siyang sumabay....

"Ang Sungit mo naman Classmate"....

"Hindi naman" ang sagot ko, hindi ko siya nilingon sabay hilamos,pagpunas ko nang mukha wala na siya, aba ninja nawalang bigla.....

Isusukbit ko na sana ang bag ko nang biglang maputol ang napsack! HELLYEAH! AAAAAMALAS....
ayun bitbit ko ang bag ko hanggang pauwi, nampucha pagnakakasalubong ko ang taong yun "LUCKING-LUCKY AKO!" makaiwas nga may lahing pusa ata iyon may kaakibat na kung ano.....

Saturday nuon, SOCIOLOGY class, medyo late na ako buti na lang nakatalikod ang prof ko habang nagsusulat ng lecture, sakto may bakante malapit sa pinto, para akong magnanakaw na dahan-dahang tumungo sa silya para hindi makagawa ng ingay nang pagkaupo ko sa huling hanay nang silya, nagsalita ang katabi ko..."LATE KA NA CLASSMATE AH!" medyo napalakas ang pagkasabi niya, Nampucha! si Mr.Lucky pala ang katabi ko! Napalingon ang prof namin napalabas tuloy ako, lintek naman tong si Mr. Lucky! Tsk tsk.....

Nang matapos ang klase nasa hallway lang ako malapit sa sociology classroom nakita ko bigla si Mr.Lucky mapangasar ang mga titig at ngiti, sabay kindat...Aba! Sumusobra na ito ah! Puros ganito ang nangyayari pagnagtatagpo kami laging nangaasar ang mukha niya o kung hindi naman may mga laman ang mga sinasabi nya, di ko na lng ito pinapansin....

Isang araw sa aking "PAINTING CLASS" nagaantay ako at ang mga classmate ko nang iannounce na walang klase BADTRIP! Ang haba ng class break nito at resume pa ng klase mga 6:30 ng gabi halos 4 hours ang vacant! KAASAR! Pero wala akong magagawa kaya hinalungkat ko ang bag ko at inilabas ang sketchbook ko kaso nalaglag pala! Hay buhay! Kaya yung sketchpad na lang ginamit ko at nagdrawing pamatay oras, tinatamad naman akong gumala, mainit eh.....

Habang nagmumuni-muni ako sa table ko nang aksidenteng napalingon ako sa 4th floor habang ako'y nasa 2nd floor "HOLY SHEET! si Lucky na naman! Ngumiti at kumaway pa ang damuho!....nagDIRTY FINGER ako sa kanya at binigkas ng bibig ko na "FUCK YOU!" Hindi niya kasi ako maririnig kasi nasa room ako at puro salamin ang kuwarto kaya lahat ng tao makikita mo, nung pakasabi ko sa kanya ng FUCK YOU....

Nagsalita siya parang ang pagkabasa ko sa bibig niya ay " I LOVE YOU " sabay blow ng kiss gago talaga napahiya ako't hindi lumingon dahil may mga kasama sya 4th floor, baka anong isipin pa nang mga iyon....

Nakakapikon na siya, inaasar niya ba ako? O talagang nagkakataon lang......

Sketchbook & LuckyWhere stories live. Discover now