Aray ko poooo! Kainis naman ang sakit sa ulo. Bakit ko naman kasi nasali sa list ko ang mag-bar? Ang sakit naman nang hang-over eh! Daing ko habang bumabangon sa higaan deretso ng banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkalabas ko ng kwarto deretso naman ako sa mga lagayan ng gamot.
Alin kaya dito ang para sa hangover? Pink ba? O Blue? O di naman kya orange?Haist! Ayoko na nga. Bahala na ang sakit basta natapos ko na ang pang-18 sa list ko. Tapos! At pabalang na itinago ang mga gamot.
GABE!!!May dala akong gamot sa hangover. Buksan mo tong pinto! Sigaw ni Kathy Reeze Garcia. Reeze tawag ko jan, bestfriend ko, ang totoong kaibigan na pang-limang list ko. Dali dali ko naming binuksan ang pinto.
Hoy bruhang may weird na pananaw sa buhay inumin mo na to. Sabay abot ng supot na may gamot.
Salamat Reeze Labyu!hehe
Pagkakuha ko ng gamot ay pumunta na ako sa kusina para inumin. Pasalamat talaga ako at nandyan sya para sa akin.
Oh ano naman ang susunod sa list mo ngayon? At talagang naglayas ka pa para jan? Bakit ba kasi meron kapang ganyan? Mga kagagahan mo talaga sa buhay! Pang aalaska nya sa akin.
Wag ka nga!yan nalang ang tingin kong magandang gawin sa buhay pipigilan mo pa. Tsaka na muna ang next.hehe Sabi ko pagkaharap ko sa kanya, sabay lapit at yakap dahil alam kong konting lambing lang pagbibigyan nya na ako.haha. Masama ba? Yae na, ganyan talaga di ako matiis nyan eh.
Yaan mo na ako Reeze, dalawa nalang naman na ang natira, pang-18 ang kagabi pagkatapos nito wala na talaga, promise ko yan sayo. Pagpapacute ko sa kanya.
OO na! May magagawa pa ba ako para pigilan ka? Eh parati naman kitang kinukonsinti, kasalanan ko din to eh. Hayyy... oh sige na papasok kaba sa trabaho ngayon?kaya mo ba?
Ready na ako tara na.Sabay hila ko sa kanya papunta sa pinagtatrabahuhan namin.
Ako nga pala si Samara Gaberiel Montecillo "gabe" for short. Pareho kaming cashier sa isang convenient store ni Reeze na malapit sa amin. Nakilala ko sya pagkalipat ko sa apartment na tinutulayan ko ngayon, sya din ang nagpapasok sa akin sa trabaho dahil narin siguro sa tagal nya doon kaya lubos syang pinagkakatiwalaan ng may-ari.
Mabalik naman tayo sa pinag-uusapan naming list, opo meron akong bucket list, kung bakit ko to ginagawa? dahil bored ako sa buhay. At tama po number 1 sa list ko ang maglayas. Meron naman akong pamilya, di naman ako putok sa buho? Tama bay un? Ah basta yun nay yun. Malalaman nyo rin ang rason sa susunod dahil magtatrabaho na ako.haha
VOUS LISEZ
The Bucket List
Fiction généraleFulfilling my Bucket List is what motivates me in my daily living. I am doing this alone for the past 2 years of my life, but how can I finish it when the last Two on my list involved someone? Could someone help me to get through with it? O...
