Chapter 16

5.5K 198 12
                                    

ETO NA PO ANG KASUNOD NA UPDATE,, HEHE DITO NA PO MAG OOPEN UP SI ANDREW KAY GEO, SA PALAGAY NYO BAGAY KAYA SILA

 

Inakyat ni Andrew si Geo sa second floor ng bahay hawak hawak pa din ang pasmadong mga kamay nito. agad naman ding ginising ni geo si nitoy upang magbihis at sumabay sa kanyang mga kuya pag pasok.

- ok ka lang ba? nasaktan ka ba sa ginawa ni Enzo? - pag aalala ni Andrew

-hindi ok lang ako, sanayan lang naman toh, hehe - tugon naman ni geo

-ano ka ba may ma pasa ka kaya, wait ill get some ice dito kalang muna sa room ko - wika ni andrew

tatayo na sana at aalis si andrew ng biglang nagsalita si geo.

-bakit mo ginagawa toh? -tanong ni geo na seryoso ang tinig

-ang alin?- tugon ni andrew

-tulad ng sinabi ko andrew hindi ko alam kung anong plano nyong mag kakapatid pero hindi kita pinag kakatiwalaan. mahirap bang intindihin yun? - wika ni geo

- I know, like i have said maraming beses kong inakala na tama ang lahat ng ginagawa namin, na basta magkakasama kami magkakapatid ay ayos ang lahat. hindi namin kaylangan ng kahit sino. pero bigla kang dumating, at some point na realize kong may kulang sa akin, sa amin at nakita kong ikaw ang mag bibigay ng mga kulang na yun - malumanay na tugon ni andrew.

katahimikan ang namayani sa buong kwarto kung saan nandoon sina geo at andrew pero makalipas ang dalawang minuto at nagsimulang magsalita si geo.

-may idea ka ba kung bakit kayo ganitong mag kakapatid? - tanong ni geo

-wala!, basta alam ko at the age of seven si kuya austin na ang nakagisnan naming magulang, lagi kasing wala sila mama. natatandaan ko noon hindi naman ganito ang pakikitungo ni kuya sa mga tao. pero one day after nya sa school bigla nalang syang nagbago at sinabi nya na from now on we need to live on our own and treat other people like a pest.- tugon ni andrew

-so meaning si austin ang na decide na magbago kayo? at sumunod naman kayo without any question? - tanong ni geo

-yup and without any hesitation-tugon ni andrew habang nakatitig ito kay geo

-why?- wika ni geo

-because he is like our father. sino bang hindi sususnod sa kinagisnan mong magulang di ba? kahit pa alam mong may ibang tinuturo sya na taliwas sa iba you will still follow him because he is your guidance right?-  wika ni andrew

-agree, pero may kulang sa sinabi mo. - wika naman ni geo

-ano pa?- tanong ni andrew

-you follwed him because he is not just a father to all of you. you guys love him- ngiting wika ni geo habang nakatingin kay andrew

sa sinabing yun ni geo ay napatingala si andrew ang wariy nag isip sa mga tinuring nito.

-yah i think you are right. honestly i didnt know that it is called love. for us that word or feelings dont exist- malumanay na wika ni andrew

- but you felt it right? - tanong ni geo

- before no. I do not know that there is love, its more of like respect,but today I realized that,,, yes I love my brother reason why I followed him. - malumanay wika ni andrew

-see thats what I mean, o sya punta muna ako ng kwarto ko at makapag pahinga bago dumating ang dalawang kapatid mong kamag anak ni hitler- patawang sabi ni geo sabay tapik ng balikat ng binata

pabukas na sana si geo palabas ng kwarto ni andrew ng bigla sya nitong hawakan sa kamay.

-geo, Like I have said I did not know that it is love. Until you came....-malumanay at malambing na wika ni andrew habang nakatitig ang mga seryosong at maamong mga mata nito kay geo

halos hindi makagalaw si geo  sa kinatatayuan. gustong umalis ng isip nya  sa posisyon na kinalalagyan nya pero sa kabilalang banda ayaw ng puso nya.

katahimikan muli ang namayani sa kanilang dalawa. halos hindi makapagsalita si geo sa mga sinabing yun ni andrew kaya si andrew nalang ulit ang nagsalita.

-oopppss sorry medyo napahaba ang kwentuhan natin ikukuha nga pala kita ng ice right? - wika ni andrew

-no. ok lang magsasabi nalang ako kay nelly na ihatid nya yung ice sa kwarto ko, mag pahinga ka na din at baka mabinat ka, bukas kaylangan mo ng pumasok, no excuses - tugon ni geo

-bakit ayaw mo bang alagaan kita- palambing na tanong ni andrew

kinikilig man ay nasambit pa din ni geo ang gusto nya sabihin dito.

-naku hindi na andrew at baka lumala pa ang mga pasa ko- sambit ni geo

kalaaunan ay lumakad ng papalayo si geo sa kwarto ni andrew pero bago pa sya maka pitong hakbang palayo dito ay tinawag muli sya nito.

-geo- sigaw ni andrew

-yes- tugon nio geo

-you will help us right. kahit sila kuya- tanong ni andrew na may pag aalala sa mukha

-100% andrew.i will do my best. besides tinaya ko na ang buhay ko dito - tugon ni geo

-as promise I will protect you as well for as long as I can- tugon ni andrew

-I appreciate it but you dont need to. ayokong mag karoon ka nag conflict sa mga kapatid mo. if you want to help me siguro be quiet na lang. hayaan mo sila kung anong gusto nilang gawin sakin. be switzerland. you and nitoy. can you promise that? - pangiting wika ni geo

hindi sumagot si andrew pero tumango ito at ngumiti, tanda na umaayon ito sa mga sinabi ni geo.

di kalaaunan ay nagpahinga na si geo sa kanyang kwarto. di man nya maintindihan ang mga ipinapakitang asal ni andrew ay alam nya sa puso nya na may pagbabago na nangyayari dito at ito ay mabuti. ngunit di rin nya ikakaila na kinikilig sya sa pagkamalambing nito, . ganun man ang nararamdaman nya ay kaylangan nyang isantabi ang mga ito dahil ayaw nyang samantalahin ang kabutihan na ipinapakita na ng binata.

-mukhang yung dalawa nalang ang kaylanagan kong intindihin. anu kaya ang na kaylangan kong harapin sa mga ito. bahala na. sa wakas malapit ng matapos. yun nga lang di ko alam kung ang goal ko ang matatapos o ang buhay ko. - tugon ni geo sa sarili habang nagsisimulang antukin at kalaunay nakatulog na din..........

NAKU MATAPOS KAYA NI GEO ANG OBJECTIVE NYA OG SYA ANG TATAPUSIN NG DALAWANG KUMAG,, HAHA ABANGAN.....NGA PALA GUYS SINO SA TINGIN NYO ANG DAPAT MAKATULUYAN NI GEO? COMMENTS NA,, HAHA

ACROPOLIS (boyxboy) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon