42. Pamilyang Pelaez

Start from the beginning
                                    

"Really?" di-makapaniwalang sambit nito at tinignan ulit ang naunang larawan ng pangalawa nila. "Oo nga," pagsang-ayon din naman nito matapos ang ilang beses na pagkukumpara ng larawan ng dalawa. "Oh, wait... ten months lang? The difference between him and Mark?" tanong nito at tumango naman siya. "Wow, your parents never get tired, do they?"

Sa puntong iyon, natawa na lamang si Mason. "Gusto raw kasi nilang magka-anak ng babae."

Tila naguluhan naman ang dalaga sa tinuran niyang iyon. "You mean, Charlie is older than you?"

"Hindi."

"You're twins?"

Ngumiti si Mason. "Titigil lang daw sila kapag nagkaanak sila ng babae."

"Oh, then I'm glad you're not a girl," puna nitong nakangisi at nagpatuloy sa pagtingin sa bawat pahina. "Pogi kayong lahat," dagdag pa nito subalit bumawi rin. "I meant, the boys. Charlie is... well..."

"Ayos lang," natatawang sambit ni Mason. Hindi naman kasi niya ito masisi kung mukha nga ring lalaki ang bunso. "Sanay na kami."

"Okay, so let me get this right..." bulong ng bisita at binuklat ang panibagong photo album na naglalaman ng mga larawan ng magkakapatid at magkakasunod na tinuro ang mga ito ayon sa pagkakapanganak. "Marcus, Chino, Mark, Chad, Mase, Charlie-Oh hey! There's a pattern! M-C-M-C-M-C! Any particular reason why? I'm guessing it's from your parents?"

"Matilda at Charles," tugon niya. Habang nakatingin din sa mga larawan, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkalumbay lalo na't halos magkakahiwalay na sila at minsan o dalawang beses lamang kada buwan makumpleto. Nakaka-miss din pala ang kaingayan ng pamilya nila.

"Charlie looks so much like you when you were younger," pukaw ulit ni Elay habang sinusuri naman ang pang-limang photo album noong high school na sila ng bunso. "Almost like twins," dagdag pa nito. "Close? Kayong... dalawa?" pag-aalinlangan nito na tila hindi sigurado kung paano ipahiwatig ang nais sabihin.

"Sakto lang," tugon naman ni Mason. Dahil siguro sa magkalapit na edad nila ng bunso kaya siguro pakiramdam niya rin ay siya lamang ang nakikinig nang mabuti sa mga kwento nito. At halos siya rin ang sumubaybay sa paglaki ni Charlie. Isa pa, tila nagkaroon na rin ng buddy system ang magkakapatid upang tiyakin ang kaligtasan ng isa't-isa: si Marcus at Chino, si Mark at Chad, si Mase at Charlotte. Kaya rin sa kabila ng pagiging magkaiba ng ugali ng dalawang bunso, lumaki silang halos laging magkasama.

Dahil maraming itinanong si Elay tungkol sa pamilyang Pelaez, hindi na nila namalayan ang pagtakbo ng oras. Kapwa na lamang sila nagulat nang may narinig silang bumusina sa labas ng bahay.

"Yehey!" masiglang sambit ni Charlie na galing sa kwarto. "May dala raw-" natigilan ito nang makitang naroon pa rin si Elay. "P-Picha...ano...ahhh.. b-big brother Mark...h-have...Picha...?"

"Has," pagtatama ni Mason. "Mag-Tagalog ka na lang. Naiintindihan niya," pigil na tawang abiso niya rito.

Bumusangot naman ang bunso. "Pa'no ako matututo kung 'di ko sasanayin ang sarili ko." Saka umubo nang kaunti bago bumungisngis kay Elay. "Ehem, big brother Mark...h-hav-HAS picha, you like?"

Bago pa makasagot ang dalaga ay bumukas na ang pinto at pumasok si Chad na may bitbit na malaking kahon ng pizza pie galing sa S&R kaya sinalubong ito ng magkapatid. "O, nandito ka na pala Mase-" sandaling natigilan din ito nang makita ang bisita.

From A DistanceWhere stories live. Discover now