Killing Game 2 to be posted soon! Like my page on Facebook to stay updated! Thank you~ ^^,
https://m.facebook.com/profile.php?id=237875539728770
-asdfghjklawliet~
—----------------------------------------
"Okay class, kindly open your books to page 21," sabi ni Prof. Jefferson, sabay ayos ng kanyang malakwadradong salamin sa lugar nito.
"Tch. quiz na naman?" nakakunot noong sabi ni Chesna, at pagkatapos ay inayos ang buhok ng kaunti at humarap sa tao sa likod niya.
"Ryan, help me naman o!" At biglang nagbago ang masungit niyang aura na tila nagpapacute sa taong kausap na si Ryan...
"Sorry, Chesna pero di mo na ko makukuha sa ganyan," at inayos ni Ryan ang kanyang libro sa pagkakalapag nito.
"Ryan naman! I thought you already forgive and forget that na? Why are you still making galit-galit sakin?"
"What you did, Chesna, was simply unforgivable. Sorry."
At biglang tumaas ang kilay ni Chesna sa inis at tinalikuran si Ryan. Asar na asar siya rito dahil sa nangyaring pagtanggi sa kanya.
"You'll really regret not helping me, Ryan."
Si Chesna Dane Ramirez ay ang nag-iisang anak ng business tycoon sa Pilipinas. Tanging tagapagmana na siya namang rason kung bakit sunod na sunod ang layaw niya. Kaya nama't inis na inis siya kay Ryan sa ginawang pagtanggi ng tulong sa kanya. Nabahiran kasi ng kahihiyan ang ego niya.
Si Ryan Llamanzares naman ay ang pumapangalawang pinakamatalino sa klase. Sa kabila ng pagiging matalino niya, di naman siya yung tipong typical na nerd na nakasalamin at lahat-lahat. Siya ay maputi, matangkad at singkit. Matikas rin ang pangangatawan nito pero hindi naman sosobra para sa edad niyang 18.
"Learn to manage on your own, Chesna. Ryan might not always be there to help you. Learn that. By heart."
"Tch. Learn to manage on your own, Chesna. Blah blah blah! Mind your own business nga! You're so annoying talaga Kristoff!"
Si Kristoff naman, kung may pangalawa sa pinakamatalino, ay ang pangatlo naman sa pinakamatalino sa klase. Isa siya sa mga hinahangaan din sa kolehiyo. Kristoff Lee ang buo niyang pangalan. Hindi siya intsik o anuman. Half-korean at half-filipino siya. Matangkad, hindi gaanong kaputi, pero may itsura. Higit pa nga sa may itsura na siya namang nagluklok sa kanya bilang college heartthrob.
Varsity player din siya sa Collins Tigers. Team captain. Pinakapinagkakatiwalaan ni Coach Anderson.
Fifteen minutes passed by. The lecture went on and on. At unti-unting bumukas ang pintuan ng silid aralan ng 1-C.
"Sir, sorry, I'm late," sabi ng dalaga na pumasok sa classroom. Isa siyang maputing dalaga, di katangkaran at di rin naman kaliitan.
"Again? Miss Hatsumi, do we need your parents to know about this before you definitely come on time in my class?"
"No sir."
"Then good. I hope you will then come on time next meeting. Now, take your seat."
Naabutan niyang nagbubulung-bulungan ang mga kaklase niya sa kanyang pagtungo sa kanyang upuan.
"Haha! Weirdo."
"Serves her right! Pa-special masyado. Anak ng presidente much?"
"Tch. Sarap nyong sapakin sa ngala-ngala 'lam n'yo yun?!" At biglang tumayo mula sa upuan niya si Kristoff at padabog na lumabas ng classroom.
YOU ARE READING
The Killing Game
Mystery / ThrillerSomeone started an endless game. They came to end it. But how are they supposed to end a game that includes DEATH? Warning: Taglish story ahead. :D
