Chapter 56: One Step Closer

 

Third Person’s POV

 

Nagsisimula ng maghanda sina Van, Jick at Jack para sa paghahanap kay Gregory Archer. Hindi na dapat sila mag-aksaya ng oras dahil alam nilang nalalapit na ang pagsugod ng mga Vampire Hunter. Pakiramdam ni Van ay may hindi magandang mangyayari kung hindi sila magmamadali. Nararamdaman na niya ang nalalapit na katapusan...

 

“Saan tayo magsisimula?” tanong ni Jick. Nandito ngayon silang lahat sa may sala at nagtipon-tipon para pag-usapan ang mga susunod nilang hakbang. Magiging mahirap para sa kanila ang paghahanap kay Gregory Archer dahil nga paiba-iba ito ng lugar na tinitirahan. Kailangan nila ng mga bampira sa iba’t-ibang lugar upang mai-update sila kung sakaling nandoon si Gregory Archer o wala. Mabuti na lamang at nandito pa rin ang mga bampira mula sa iba’t-ibang lugar at bansa kaya makakatulong ito upang mapadali ang paghahanap kay Gregory...

“Mas mabuting ipagbigay-alam ninyo sa inyong mga clan members o sinomang kilala niyong bampira sa inyong lugar upang magbantay kung sakaling makikita nila si Gregory at kung sakaling makita nila ito sa isang partikular na lugar ay gumawa sila ng paraan para hindi ito makaalis” paliwanag ni Van. Napaisip naman sila sa planong sinabi ni Van at sa huli ay pumayag na din dahil ito na ang pinakamagandang plano para sa gagawin nila...

“Pero meron pa bang makakapigil sa kanya? Sa pagkakaalam ko kasi ay walang sinoman ang nakakapigil sa kanya. Kung gusto niya talagang umalis ay aalis siya at oras na pigilan mo siya siguradong kamatayan ang haharapin mo” sabi ng isang miyembro ng Frost Clan. Lahat kasi ng miyembro ng buong clan ay nandito para handa sila sa mga susunod na labanan na mangyayari, kahit malayo pa ang bansang pinanggalingan nila ay mas minabuti na lang nilang manatili muna dito...

“Para saan pa ang pagiging bampira mo at pagiging miyembro ng clan mo kung matatakot ka sa kamatayan? Nakasalalay dito ang buhay ni Kisha at gagawin ko ang lahat para lang mailigtas siya dahil hindi naman ito mangyayari sa kanya kundi dahil sakin” Kundi dahil sakin tahimik na sana ang buhay niya ngayon at masaya siyang namumuhay. Mabilis na inalis ni Van ang kanyang naisip. Hindi ito ang oras upang mag-isip ng mga ganoong bagay. Hindi niya kayang mahiwalay si Kisha sa kanya kaya kahit mamatay man siya, kahit pa makatanggap siya ng malalalim na sugat o kung ano pa man, haharapin niya ang lahat ng ‘yun para sa babaeng pinakamamahal niya...

“Ayun na nga ang iniisip ng iba sa amin  Van. Ginagawa mo ang lahat ng ito para sa babaeng iyon? Na siyang dating tao? Mas pinaiiral mo ang pag-ibig kesa sa tungkulin mo?” marahas na inilingon ni Van ang kanyang ulo at tinuon ang atensyon sa isang bampira na naglakas loob upang sabihin ang mga salitang ito...

“This may sound cheesy but if there’s no love, there will be nothing in this world” Van smiled that shock all of them. Inaasahan kasi nilang magagalit ito sa pagiging pangahas ng bampirang iyon... “Like you, why are still living in this world? Naisip mo ba kung bakit gusto mong gumising tuwing umaga? May magulang ka ba? Kapatid? Kaibigan? Kasintahan? Kung meron ka man ng ni isa sa sinabi ko o nakakapiling mo man lahat ng tao na nabanggit ko, hindi ba mahal mo sila? Ganun din ako kay Kisha. Kapag nawala siya, para na rin akong nawalan ng buhay. Kapag nawala siya, hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang lahat ng meron sa akin ngayon”

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!