Chapter 5 : Prank? Failed

123 9 13
                                    




Scarlet's PoV

Natapos na din namin ang paglilinis sa Sala at Kusina ng Dorm ng walang nagpapansinan at kung meron man kaming pag-uusapan tungkol yun sa pag lilinis.

"Diyan ka sa kabilang kwarto at ako naman dito" sabe niya habang pinupunasan ang bintana

"Okay sige" pumayag nalang ako pareho lang naman yung kwarto ehh

Pumunta ako sa Couch at nanood ng TV tapos naman na akong naglinis ehh yung kwarto nalang, sadyang mabagal lang talaga tong kasama ko.

Omoo yung BTS nasa channel 8, yiiee nakakakilig naman yung boses nila lalo na yung bias kong si Taehyung/ V kenekeleg talaga ako kahit sa T.V ko lang sila nakikita. Balak ko na sanang pumunta sa Next Concert nila kaso makukulong pala kami dito T_T Kaya hindi ko alam kung paano ako makakapunta dun, sayang hindi ko makikita abs ni Jimin huhuhu*pout*

"Akin na nga yan!" Tinignan ko siya at tapos na pala siya sa paglilinis

"Anong sayo?! Nauna ako dito!" Sabe ko tsaka kinuha ulit yung remote

"Puro nalang Ganyan pinapanood, Wala ng Bago mga Bakla naman tch" Pinapa init talaga niya yung ulo ko!

"Sino Ang Bakla?!!" Sigaw ko atsaka kinuha Ang braso niya

"Yang mga pinapanood mo, Ang babaduy hahaha Mas Gwapo pa ako Sa mga yan ehh! " wag niyo akong pipigilan susuntukin ko toh!

*BLLAAGGG*

"Para Saan yun hah?! Babaeng Pang--" pinutol ko na ang sasabihin niya

"Minsan kase kailangan ilugar ang pagkaPilengero at yang kayabangan, idagdag mo na rin yang Panglalait mo Sa mga Idols ko" bumalik nalang ako ulit Sa kinauupuan ko tsaka pinagpatuloy ang panonood.

Natigilan ako sa pinapanood ko ng biglang may nahulog na maingay na bagay Sa kusina "May Pusa ba dito?" Bulong ko sa sarili ko, tatayo na sana ako sa kinauupuan ko para pulutin yung nahulog na bagay sa kusina nang bigla namang nagblurd yung pinapanood ko Waahhh!, Hindi na ako natutuwa sa nangyayare, tumayo ako para hanapin yung hampas lupa *tingin tingin Sa paligid* "San naman Pumunta yun?" Tumayo ako at pumunta sa kusina, kukunin ko na sana ang nahulog na bagay nang biglang namatay ang ilaw.

Sinindi ko yung ilaw pero hindi sumisindi, Omoo! Bakit nawalan ng kuryente?! Andilim dilim na tuloy huhu T_T

Dragon's PoV

T*ng*na ang lakas niyang sumuntok! Dinilaan tsaka ko nilunok yung dugong galing sa labi ko tsaka tumayo.. You want War huh? Bigla akong napangisi ng may biglang pumasok sa isip ko.

Pumunta ako Sa Kwarto tsaka nagAnyong multo wahaha, madalas ko tong gawin kapag may gusto akong pagtripan. Lumabas na ako ng Kwarto at syempre hindi niya ako napapansin.

Pumunta ako Sa kusina para ihulog yung kawali, nakita kong tumigil si Scarlet sa panonood at akmang tatayo nang tumakbo ako at inalis ang antenna ng T.V nakita ko naman ang gulat na gulat niyang mukha kaya hindi ko maiwasang matawa.

Pumunta siya sa kusina at pupulutin na sana yung kawali ng pinatay ko yung switch ng kuryente, I can't help but to laugh HAHAHA grabe nakakatawa talaga itsura niya. Sinindi niya yung Switch ng ilaw pero Wala, haha hindi talaga yan sisindi kase nakapatay yung main switch Hahaha.

Tinignan ko ulit yung kinororoonan ni Scarlet pero Wala na siya "San na yun?"

"Ako ba Ang hinahanap mo?" Tanong niya habang nakatingin ng masama saken. Teka? Nakikita niya ako?!!

Sinindi niya muna yung Man switch tsaka ako nilapitan, hindi na ba bago sakanya makakita ng multo? Psh sayang naman effort ko.

"So?" Paguumpisa niya habang ako nakayuko "Sa tingin mo natakot ako? Mas nakakatakot pa yang pagmumukha mo ehh!" Bigla nalang tumulo yung luha niya na kinalaki ng mata ko "Hindi mo kase iniisip kung ano mararamdaman ko sa ginagawa mong yan! Alam mo?! Kakakilala ko pa lang sayo naging hate na agad kita" tumakbo siya papuntang kwarto niya at ako naman naiwang nakatayo at nakatulala dito. Bakit Ganun? Siya nga sinuntok ako tapos dumugo ehh ako? Tinakot ko lang pero bakit feeling ko Naguilty ako? Aish! Bwiset first time ko tong maramdaman kainis!

Scarlet's PoV

Naiyak na talaga ako ng wala na akong makita, Anong gagawin ko? T_T. Bigla naman akong nakarinig ng tumatawa at tumingin sa paligid at nakita ko si Dragon at multo din pala siya? Pinunasan ko yung luha ko at pumunta sa likod niya.
"San na yun?" Tanong niya habang patingin tingin Sa paligid
"Ako ba ang hinahanap mo?" Tanong ko habang nakatingin ng masama sakanya, natigilan siya at yumuko.

"So?" Pag uumpisa ko at pinipigilan kong tumulo ang luha ko "Sa tingin mo natakot ako? Mas nakakatakot pa yang pagmumukha mo ehh" sa puntong yun hindi ko na namalayang tumulo yung luha ko "Hindi mo kase iniisip kung ano mararamdaman ko sa ginagawa mong yan! Alam mo?! Kakakilala ko pa lang sayo naging hate na agad kita" tumakbo na ako papunta Sa kwarto ko tsaka dun umiyak ng umiyak.

Umupo ako Sa tabi tsaka yumuko at yinakap ang aking mga binti, Bakit ba lagi nalang akong naiiyak kapag madilim? Naiinis ako dahil sobrang hina ko pagdating sa dilim tapos yung hampas lupang yun gagawin pang katawa tawa?! How dare him!

Pinunasan ko ulit yung luha ko tsaka nagsimulang maglinis sa kwarto, wala nanaman akong matatapos kung paiiralin ko tong KaDramahang ito.

---A few hours later---
Sa wakas na tapos ko na din linisin yung kwarto, bigla namang tumunog yung tiyan ko. Tinignan ko yung oras 7PM na, pumunta ako Sa kusina para kumain binuksan ko yung ref at kumuha ng pagkain.

Kung minamalas Ka nga naman, kasabay ko pang kumain tong pilengerong toh Aish! Hindi bale bibilisan ko nalang pagkain. Umupo ako tsaka inilapag ang pagkain ko sa table, sinimulan ko ng kumain ng tahimik.

"Yung k-kanina, S-sorry hindi ko s-sinasadya" napatigil ako sa pagsubo at tumingin sakanya

"Sorry? HA-HA-HA niloloko mo ba ako? Hindi mo ba alam kung gaano tumingin sa dilim? Halos nagmukha na akong bulag nang wala na akong makita Dragon!" Padabog kong pinagpatuloy yung pagkain

"S-sorry na talaga, hindi ko naman talaga alam na ayaw mo pala sa Dilim" tumingin ako sakanya, hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa.

"Gusto mong patawarin kita?" Tumango naman siya "Kung ganun, ibili mo ako ng VIP ticket at ikaw gumawa ng paraan kung paano ako makakapunta dun" as if magagawa mo

"Para Saan? Para sa BTS ba?" Tumango ako "Ayaw ko, magmumukha pa akong bading kung gagawin ko yun haha" agad ko naman siyang sinamaan ng tingin

"Alam mo kung ayaw mong gawin sabihin mo lang hindi yung sasatsat satsat Ka diyan!" nilagay ko sa lababo yung pinagkainan ko tsaka naglakad papuntang kwarto ko

"Aish! Gagawin ko ba talaga yun?!" Dinig ko pang sabe niya

"If you want me to accept your apology then, Do it!" Naglakad na ako papunta Sa kwarto ko at humiga. Nakakapagod ang araw na ito, tinitignan ko lang yung kisame sa kwarto hanggang sa unti unti nang pumipikit angand mga mata ko.

________________________________
Yah! NakapagUpdate din ;)
Hope you like this Chapter kahit D ganun kaganda :P
Thank you Sa pagRead, comment and Vote <3
Your Vote and Comment are really appreciated

I'm InLove with the GhostWhere stories live. Discover now