Chapter 4

27 1 1
                                    

Satchiko
---------------
Pagpasok namin sa battle room, hindi na ako nagtaka sa ganda ng pagkakagawa nito. Para siyang isang arena.

Ang isang malaking pabilog na espasyo sa loob ay napapalibutan ng mga upuan. Ang upuan sa likod ng isa ay mas mataas. Sa magkabilang gilid ng pabilog na espasyo ay mayroong parang square na kwarto.

Glass ito at kita kung ano ang nasa loob. May nakasabit sa taas nito na parang sa mga makabagong video game ngayon. Yung sinusuot sa mata tapos kapag suot mo ay 3D or 4D na ang effect nito.

Nagsisimula nang mapuno ng tao ang battle room. Nandito kami sa gilid na parte ni Kaoru.

"Baka manalo na naman ang Senshi ngayon", pabulong na sabi ni Kaoru habang kumakain ng popcorn.

"Magagaling ba sila?", I asked out of the blue.

"Magagaling? They are insanely brutal!", halos pasigaw na sagot niya habang iwinawagayway pa ang lalagyan ng popcorn na hawak niya.

Nagsimula na siyang magkwento pero parang nag-e echo lang sa pandinig ko. Natigilan ako nang may mapansing kakaiba sa bars sa gilid na parte ng bubong. Hindi ko makita ng mabuti dahil madilim sa parteng yun pero parang may tao na nagmamanman doon. Nakatayo ito. Hindi lang siya gaanong napapansin dahil katabi niya yung isang ilaw. May hawak itong kung anong maliit na bagay.

"Huy Sat! Nakikinig ka ba?", pasigaw na sabi ni Kaoru sakin sabay palo sa kaliwang braso ko.

"Huh?"

"Sabi ko magsisimula na."

Tumango nalang ako. Tinignan ko ulit ang parteng iyon pero wala na yung tao doon.

"Weird"

--------------------
"Good Evening Senshins! Welcome to the Finals of our tournament! Before we start, let us first welcome back our tribe leader. Fresh from we don't know where, Senpai Yu!"

Pumalakpak at tumayo ang lahat ng tao sa loob ng battle room na siyang sinabayan ko. Tumayo lamang ng ilang segundo si Senpai Yu at umupo agad. Luminga-linga na parang may hinahanap.

"Are you ready?!"

Isang dunadagundong na "YES!" ang narinig sa loob.

"Ok. Let us have the representatives of the finalists"

Lumabas pataas sa loob ng magkabilang square na kwarto na glass ang dalawang tao na naka cape at nakatalukbong.

"Senshi Representative, Show yourself!"

Tinanggal ng representative sa kaliwa ang kanyang talukbong. Naka maskara siya ng puti at tanging ang kaliwang mata lang niya ang kita.

"That's Noya", bulong ni Kaoru sakin. "He is an insane battler. Very smart and very brave."

"Sekensha representative! Show yourself!"

Tinanggal naman ng representative sa kanan ang kanyang talukbong. Kilala ko siya. Siya yung nag-assist sa akin noong pumasok ako sa receiving building ng Camp Senshin.

"Ate Fujiko"

"Fujiko"

Halos sabay naming sabi ni Kaoru.

"Oh. Kilala mo siya?"

Tumango ako.

"Wear your gears. Pick your weapons. Set your mind."

Pagkasabi iyon ng voice over ay isinuot ng dalawa sa mata nila ang nakita ko kaninang nakabitin sa loob ng glass na kwarto. Pagkatapos nito ay may mga bumabang parang tubes mula sa taas nito at tumusok sa ilang parte ng katawan nila. Parang wala na lang ito sa kanila, dahil na din siguro sa dami ng battles na sinalihan nila.

Pagkatapos nito ay agad na nagpakita ang hologram ni ate Fujiko at ni Noya sa gitna.

"Whoa"

Magkaharap na sila at may weapon na hawak. Si Noya ay nakahawak ng twin guns at si ate Fujiko naman ay whip.

Napasinghap ako sa sumunod na nangyari. Ang kaninang bakanteng pabilog na espasyo sa gitna ay nagpalit. Tumubo ang mga puno at nagmukha itong gubat. Naging lupa na ang kanina'y sementong apakan.

"That's all hologram", sabi ni Kaoru, "Nagpapalit ang terrain every battle. VP usually chooses it."

Napatango nalang ako habang nakaawang ang bibig.

"Let the battle...... BEGIN!"

Nagsimula nang maglaban ang dalawa. Ipinutok ni Noya ang kanyang kanang baril sa direksyon ni ate Fujiko na dumaplis sa kaliwang pisngi niya. Habang mabilis na tumakbo sa likod ng mga puno so ate Fujiko para maiwasan ang mga bala ni Noya.

Mabilisan siyang umalis sa pinagtataguan niya at nilatigo ang kanyang whip sa kaliwang kamay ni Noya na siyang dahilan para tumilapon ang isa niyang baril.

Tumakbo sa direksyon ni ate Fujiko si Noya habang pinapaputukan niya ang kamay ni ate Fujiko na nakahawak ng whip.

Dumaplis ito sa wrist ni ate Fujiko at nabitawan ang kanyang whip. Nag lowsweep si Noya na siyang dahilan ng pagkatumba nito. Iwinasiwas ni ate Fujiko ang kanyang paa, habang nakahiga, sa paa ni Noya upang ito ay matumba din.

Kukunin na sana ni ate Fujiko ang kanyang whip nang may malakas na pagsabog na dumagundong mula sa labas.

Tumahimik ang lahat ng tao sa battle room. Habang natanggal ang hologram ng terrain at ng dalawang battlers.

Mabilis na lumabas ang dalawa sa glass na kwarto na kinalalagyan nila kanina.

"What happened?!"

"Anong nangyari?"

"Ano yun?"

Unti-unting umingay ang buong arena hanggang sa hindi na magkarinigan.

"Senshins. Calmly and quickly get back to your houses now. The battle will be continued as soon as possible.", kalmadong sabi ni VP.

"What? Anong nangyari?", nalilitong tanong ko.

"Di ko din alam", sagot ni Kaoru. "Pero kailangan na nating bumalik sa building natin."

Sumunod nalang ako at agad pumunta pabalik sa building.

"Dito ka na muna sa kwarto ko Sat.", nag-aalalang sabi ni Kaoru.

"Ano kayang nangyari?", nagtataka paring tanong ko habang umuupo sa sofa.

Hindi umimik si Kaoru at parang nag-isip din ng malalim.

----------------------
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kwarto ni Kaoru. Tumingin ako sa labas at madilim na. Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong tulog din si Kaoru.

"May kinalaman kaya yung taong yun kanina sa pagsabog?", tanong ko sa sarili ko habang tumitihaya.

"Anong oras na?", sabi ni Kaoru habang humihikab.

Tinignan ko ang relo ko. 7:30 na pala.

Napabangon kaming dalawa nang may kumatok sa pintuan.

"Ako na", sabi ni Kaoru.

Binuksan niya ang pintuan at isang babae ang nakatayo roon.

"Kirei? Pasok ka."

"Hindi na ako papasok. Pinapatawag lang ni Leader si Satchiko"

"Ha?", nakakunot noo kong sabi.

"Follow me"

The Teisatsu WayWhere stories live. Discover now