IWSY 9: Ending/Epilogue

Magsimula sa umpisa
                                    

After nung kanta nakalapit na siya sa akin tapos may kinuha siyang 3 rose sa may Likod niya at saka ibinigay sa akin yung 3 roses na yun matapos niyang punasan yung mga luha ko.

"Tears of Joy ba yan? Haha. Wag ka na umiyak di bagay sayo. Gusto ko palagi kang nakangiti." sabi niya sa akin.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?"

"Kasi gusto ko." sabi niya tapos hinawakan niya ang kamay ko.

"The first time you touch me, I knew i was born to be yours." dugtong pa niya at sa sinabi niyang yun sobra talaga akong nagulat kaya hindi ako makasagot habang yung mga nasa paligid namin nagtitilian na maliban sa mga kaibigan naming ngiting ngiti lang.

"Pwede bang maging akin ka? Gusto kita Ms. Jamila Adler." wika niya sa sinabi niya di ko alam kung anong isasagot ko kaya ngumiti na lang ako saka ko tinignan sina Ilene, nakangiti lang sila pagtingin ko kay Alena nakangiti din ang gaga at saka tumango.

"You hold my hand for a while, but you hold my heart forever." sabi ko sa kanya ng nakangiti at pagkasabi ko nun lalo siyang ngumiti ang ganda talaga ng mga mata niya.

"So tayo na?" tanong niya.

"Asa! Haha! Ligawan mo muna ako. M.U lang tayo. Haha." Sabi ko saka ko siya niyakap ng mahigpit. Niyakap na lang din niya ako tapos mayamaya nagpalakpakan na yung mga tao sa paligid namin. Tapos nilapitan kami nila Ilene, Mavin, Ace at Alena.

"Congrats sa inyo. Hahaha!" Sabay sabay nilang sabi para silang nanalo sa lotto sa tuwa nila e. Tsk.

"Thanks sa inyo." masayang sabi sa kanila ni Rafa habang hawak niya yung kamay ko.

"So sino ng sunod?" dugtong pa niya medyo nagtaka pa ako kasi bakit biglang ganun ang sinabi niya? Pero nakita kong ngumiti nalang sila Alena, Ace at Mavin, si Ilene clueless katulad ko.

"Ilene sama ka muna sakin. May gusto kasi akong bilhin sa mall sa labas e. Babalik din naman tayo agad dito." sabi ni Alena saka hinigit si Ilene palabas ng hall tapos sila Mavin at Ace naman dali daling umalis na din.

"Mukhang may susunod na surprise ah." sabi ko.

"Meron nga. haha. kayo muna bahala kay Ilene. Tutulong lang ako kina Mavin." sabi ni Rafa saka ako kiniss sa cheeks at dali daling umalis ang loko. Ako naman sinundan ko sila Ilene ang bagal kasi nilang maglakad. Haha. Sinasadya siguro ni Alena na mabagal ang lakad nila.

(Ilene's POV)

Hindi ko alam kung ano naisipan nitong si Alena at bigla na lang ako inaya sa mall. May bibilihin daw siya e pero di naman kami nagmamadali sa paglalakad kasi inaasar namin si Jams. Haha. Namumula kasi siya kanina tas hanggang ngayon namumula pa din sa nangyari e. Bago kami lumabas ng hall kung san yung event nakita naming ang daming tao sa labas at kumpulan sila. Anmeron? May artista ba?

"I guess andun na sila." wika ni Jamila.

"Ha? Sino?" tanong ko sa kanya.

"Secret. Haha. Basta lumakad ka lang palabas. Dirediretso ha? Hanggang dun sa gitna ng kumpulan dun na nakacircle. Hanggang dun lang kami sa gilid e. Haha." Masayang sabi ni Alena.

"E? O sige." Clueless kong sabi pagkatapos ayun hinatid nila ako dun sa may gilid at ako naman sumunod na lang sa sinabi nila na magdiretso sa gitna ng kumpulan. Nakakaawkward kasi pinagtitinginan nila ako. Tsk. Tapos maya maya may biglang tumugtog. Hindi siya gitara parang instrumental ng kanta.

I Will Show You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon