“Nakuha mo pa talagang magbiro ha Paz”, seryosong sabi niya sa akin at pinigilan nya ang mga kamay ko na nagpupunas sa noo nya nang bigla niya akong kiniliti.

“HAHHAHAHA-Sh-sTaaapppp”, nabubulol na ako sa kakaiwas sa kanya at sa kakakiliti niya sa akin.

“Hahahahahahhahah”, alam ko para na akong timang sa kakatawa pero hindi ko naman siguro kasalanan kung ang lakas lang talaga ng mga kiliti ko sa katawan.

“Okay ka lang?”, maya-maya ay tanong ni Mico ng bigla akong napahawak sa ulo ko.

Not now please, dalangin ko habang nakapikit ako. Nakahinga ako ng maluwag ng dininig ang panalangin ko then I opened my eyes saka ko nakita ang worried na mukha ni Mico.

“I got you there. It’s a bluff!!!”, nakangiting sabi ko sa kanya saka ko siya binelatan. He responded me with his famous smirk.

“Childish”, sabi niya sa akin.

“Pikon ka naman”, kantiyaw ko sa kanya.

Napangiti lang siya sa sinabi ko. Napatitig naman ako sa kanya. It’s almost a year ng makilala ko siya pero up to now ay name-mesmerize pa rin ako sa kanya whenever I saw him smile.

Napaigtad ako ng nahuli nya akong nakatitig sa kanya.

“Bakit ka nakatingin sa akin Paz? May mali ba sa akin? O may tama ka sa akin?”, literal akong napanganga sa binitawang mga salita ni Mico.

Where the hell he got that line?

“Huwag mo ng sagutin yan, obvious naman ang sagot. Kaya dahil dyan may premyo ka sa akin”, nakangiting sabi niya sa akin. Ayaw ko na gusto kong patigilin siya sa pagngiti ng ganyan.

“Premyo?”, nasabi ko na lang sa kanya. Nakakawalang-huwisyo talaga si Mico kapag ngumingiti.

“Yes, a prize and my prize for you is i-de-date kita bukas so be ready at 5 o’clock in the morning okay?”, sabi nya sa akin saka hinalikan ako sa noo at umalis.

Ako naman ay naiwang napatulala kay Mico at napaisip si premyong sinabi niya saka unti-unting  namuo ang luha sa aking mga mata na hindi ko na sinupil.

Masakit mang isipin pero I know that this will be the last prize he will be giving to me.

~~~~~~~~~~~~~~~

“Hey Paz!”, mahinang sabi ni Mico sa akin habang may mahihinang tapik siya sa pisngi ko.

“We're here”, sabi ni Mico ng binuksan ko na ang mga mata ko. then I saw that we are here in his favorite spot in Tagaytay.

Si Introvert at ExtrovertOnde histórias criam vida. Descubra agora