Ch. 23 I HATE YOU!

296 7 0
                                    

Eriza's P.o.v

Aarrggghh... ang saket! ano ba yung ang bigat ng ulo ko.. ano bang nangyari? bat parang may benda yata ang ulo ko?

"Iharap mo sakin yang fiance mo Enrique at ako mismo ang babasag sa muka niyan! kahit kailan hindi ko nakuhang pagbuhatan ng ganyan ang anak ko tapos ganto ang gagawin niya!!" Teka, si mom ba yong galit na galit na nagsalita nayon? at ano daw hindi niya raw ako nagawang pagbuhatan ng kamay? mom? really nasampal mo na kaya ako... ay.. anu ba Eri! "Pwede ba Liza! huminahon ka nga! hinding hindi magagawa ni Jana ang ganyan at isa pa hindi mo naman din alam ang totoong nangyari kaya wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang fiancee ko!" sabi ni dad alam kong si dad yon dahil sa sinabi niyang fiance niya yung witch at isa pa boses palang siya na, eh teka ba't ba... oh yeah, naalala ko na na ginawa nga pala akong punching bag nung witch nayon pss..!

*Lizquen totoo nga bang may anak na at tinatago nila ito ng matagal sa publiko?* huh? wait anu yun? pinilit kong idilat ang mga mata ko pero ang bwisit ayaw dumilat!

"Ayan na nga bang sinasabi ko Liza! bakit ba kasi dinala mo pa siya sa birthday mo! sinabi ko sayo malaking gulo lang pag nalaman nila ang tungkol sa kanya!" sabi ni dad, hindi ko na pinilit pang dumilat dahil ayokong makita pa ang galit na galit na muka ni dad dahil sa balita sapat na sakin ang mga maririnig ko ngayon galing sa kanya..

"Wag mong ibahin ang usapan enrique! ihaharap mo ba sakin yang babae mo o magharap harap nalang tayo sa korte!" sabi ni mom gusto kong matuwa dahil sa sinabi ni mom pero mas nadurog ang puso ko sa narinig kong sinabi ni dad "Pwede ba! Liza naman dahil lang dito kailangan pa nating humantong sa korte! pwede ba wag na kayong dumagdag pa sa problema ko!" Pagalit na sabi ni dad nakarinig nalang ako ng isang malakas na sampal

"Dahil lang dito, dahil lang dito! ano ba Enrique bulag ka ba o ano kita mo kung ano itsura ng anak ko tas sasabihin ko dahil lang dito! g*go ka! umalis ka na! at wag na wag kang makapunta punta dito! magkita nalang tayo sa korte!" si mom, saglit na katahimikan ang namayani ng ilang sandali ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto, ramdam ko parin na nandito si mom sa kwarto at ramdam ko rin ang galit niya pero nakarinig ulit ako ng pagbukas at pagsara ng pinto siguro ay lumabas si mom para magpalamig.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko at buti nalang ay kaya ko na pero biglang may naramdaman akong tubig sa pisngi ko kaya pinahid ko ito, great... i'm crying again siguro dahil sa nararamdaman kong halo halong emosyon, awa dahil hindi ko manlang nagawang lumaban, lungkot dahil sa natinig kong sinabi ni dad at dahil din sakin mukang magkagalit pa si mom at dad at galit dahil sa ginawa ni
Jana sakin at sa taong nagpakalat ng video niya dahil kundi niya siguro ginawa yon ay wala ako sa ospital at hindi ko mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon physically and emotionally

*******

"Baby wait for me here okay, bibili lang ako ng makakain natin" sabi ni mom at kumabas na ng kwarto, nandito parin ako hanggang ngayon sa ospital at si mom ang nagbabantay saakin, sinabi ko na nga sa kanya na okay nako at pwede na siyang pumasok sa trabaho niya dahil ilang araw na rin siyang absent at alam kong marami nadin ang naghahanap sa kanya pero ang sabi niya pag gumaling nalang daw ako ay tska siya babalik sa trabaho niya, hindi ko na sinabi sa kanya na narinig ko ang pinagusapan nila ni dad dahil baka kung ano pa ang gawin ni mom...

Nitong mga nakaraang araw sinabi rin saakin ni mom na balak niyang kasuhan si Jana sa ginawa niya saakin kahit alam ko naman nayon dahil mga narinig ko siya mung sinabi niya yon, panigurado daw ay makukulong ito dahil may testigo daw si Nath yon at meron daw ebidensya dahol nakuhanan ng cctv lahat ng nangyari, pero pinigilan ko siya na wag ng ituloy ang kasi dahil pag ginawa niya yon siguradong magdududa ang mga tao dahil panigurado ay kakalat iyon sa buong pilipinas dahil sa mga reporter na kung saan saan jan sa tabi tabi paniguradong ang tanong ng mga tao hanggang ngayon na totoo nga bang may anak ang Lizquen ay masasagot pag nagkataon, pero ang sabi lang ni mom ay pagiisipan niya daw dahil hanggang ngayon daw ay kumukulo parin amg dugo niya kay Jana maging sila tita Kath, tita Nadine uncle James at uncle D ay nakakapanginig daw ng buto pag nakikita nila si Jana parang gusto daw nilang gawin ang ginawa nito sakin..

Sa buong linggo hindi ko pa nakikita sila Nath, Rebs at Mikha medyo busy daw sila ehh ewan ko kung ano ang ginagawa sa text nalang kami nagkakausap usap namimiss ko ma nga sila eh pero wala tayong magagawa dahil ganun talaga ang buhay nag text din sakin yung ng bablackmail sakin ang sabi niya lang hindi daw siya ang nagpakalat ng balita tungkol sakin hindi ko nalang nireplyan dahil wala naman nakonh magagawa at lumabas na..

Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito akala ko si mom na ang dumating pero nagkamali ako "Hey" bati ni dad, oo si dad ang pumasok tinignan ko lang siya hanggang makaupo siya sa upuan sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko "How's my baby?" wow dad baby? pagkatapos mong sabihing dagdag ako sa problema tatawagin mokong baby, ayos ka ahh "Im fine, anong ginagawa mo dito?" bastos na kung bastos wala eh masama ang loob ko kay dad ngayon yung ngiti sa mga mukha ni dad ay biglang nawala.

"Ah.. dinadalaw ka at tska yung tungkol pala sa balita tungkol sayo~" hindi ko na pinatapos si dad at nagsalita nako "Dad kung yun lang naman ang pinunta mo dito pwede mo naman ideny diba, yun naman ang lagi mong ginagawa ang ideny ako" sabi ko na mahahalata mo ang pait sa mga sinabi ko sino bang hindi diba? natahimik naman si dad sa sinabi ko kaya nagsalita na ako "at yung tungkol sa kaso i'm sorry pero wala akong alam sa mga ganyan si mom nalang kausapin mo" diretso kong sabi sa kanya alam ko naman kasi na isa din yun sa dahilan kung bakit pumunta si dad dito may pa dalaw dalaw pa siyang nalalaman,

"Ginawa ko na pero ayaw parin niyang makinig, ikaw nalang ang pwede kong kausapin please iurong niyo na ang kaso malapit na ang kasal naming dalawa oh pwede ba!" sabi ni dad at mukang naiinis na siya "Dad i told you wala akong alam jan at pwede ba dad wag ikaw ang makiusap dahil hindi naman ikaw ang gumawa sakin nito yang fiance kuno ko na manloloko ang gumawa sakin nito!" inis na sabi ko kay dad ramdam ko naman ang pagkuyom ng kamay niya at alam kong nagtitimpi lang siya like me!

"Watch your mouth Eriza! fiance ko siya at kahit ano pa ang ginawa niya kailangan mo parin siyang galangin!" galit na sabi ni dad " Bakit dad? sa tingin mo ba sa ginawa niya saakin magagawa ko pa siyang galangin hah! at isa pa wala akong pakielam kung fiance mo siya dahil para saakin isa siya crazy evil psycho!" *pak* sh*t ang sakit! napahawak nalang ako sa pisngi ko ng sampalin ako ni dad ng malakas sa pisngi..

"Enrique!! anong ginawa mo pare!" Pagalit na sabi ni uncle D at tinulak si dad palayo saakin pag pasok kasi niya ay saktong sinampal ako ni dad, lumapit saakin si uncle D at niyakap ako nito hindi ko na mapigilang ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang tumulo, "I told you to watch your mouth! she's still my fiance kaya galangin mo siya!" galit na sabi sakin ni dad na tila ba parang wala lang si uncle D dito dahil ramdam ko anv mga titig niya saakin tumingin naman ako sa kanya "Yun na nga eh fiance mo siya! fiance mo palang siya dad! eh kami ba ni mom ano mo kami! past hah dad! past mo nalang ba kami ni mom na pwede mo nalang balewalain pag kinasal ka na! i hate you dad! I HATE YOU!" sabi ko at sunubsob ang ulo ko sa dibdib ni uncle D at doon umiyak nakakainis kasi si dad i hate him! i really really hate him!!


끝!

LizQuen's Daughter {Complete}Where stories live. Discover now