Part 1

9.7K 158 22
                                        

[June 5, 2017]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[June 5, 2017]

Unang araw ng pasukan. Late na nga, nasira pa yung tricycle. Kaya heto, humahangos akong dumating sa bagong building; pawisan at ubos na ang bango.

Sumulyap ang guard sa orasan bago bumati ng 'Good morning, sir.' Parang may panghuhusga yung tingin ni kuya. Kinawayan ko, pero deretso pa rin sa paglakad-takbo hanggang fouth floor, papunta sa dulong classroom.

Nagulat ang mga estudyante nang makita ang kanilang adviser. Biglang natahimik ang kanina'y maingay na kwarto.

'O, bakit parang ngayon lang kayo nakakita ng pogi?' tanong ko na nakangiti. (Yung ngiting mamamatay na sa pagod. Ikaw ba naman ang maglakad ng dalawampung minuto dahil wala nang masakyan ngayong Lunes ng umaga.)

'SIR!!!' sigaw nila.

'Hep! Quiet, class. Huwag kayong gagalaw, babalikan ko kayo.'

Dumeretso ako sa toilet na katabi ng classroom at doon nagpalit ng damit. Matagal ko nang napatunayan na walang sinasanto ang aking katawan pagdating sa pagpapawis, kaya't palagi akong handa. Nagpalit ako ng t-shirt at saka nagsuot ng polo; pinunasan ng face towel ang mukha; ininom ang tubig na pabaon ni mama.

Wala pang sampung minuto, nakabalik na 'ko sa kwarto.

Ang sarap palang magturo kapag bago ang facilities. Maaliwalas sa pakiramdam.

Yung main building, nasa likod ng palengke sa bayan; masikip at maingay. Pero dahil sa K-12, kinailangang magtayo ng mga annex buildings para sa mga senior high school students. Dito kami ngayon napadpad sa highway sa labas ng bayan. Sa likod ng aming gusali ay kakahuyan; at sa tapat naman, makatawid ng daan, mga palayan. Presko ang hangin at napakatahimik; malalaki ang mga classrooms at maliwanag ang paligid.

Tatlong klase ng Malikhaing Pagsulat ang hinawakan ko ngayong umaga. Malaking porsyento sa mga estudyante ay naging eskwela ko na noong isang taon. Nakakatuwa sila. Matatalino at enthusiastic. Hindi tuloy ako makapaniwala sa kwento ng mga matatandang guro na sakit sa ulo ang mga batang ito dati. Ikalawang taon ko pa lang naman ng pagtuturo kaya't 'di ko talaga alam ano bang nangyari noon.

Ito ang una kong trabaho. Pagka-graduate ng college sa Maynila, dito na 'ko nag-apply sa bayan namin para maalagaan ko si mama kahit pansamantala. Patay na si papa at nag-iisang anak lang ako. Ang plano, mag-iipon ako ng work experience at pagkatapos ay mag-a-apply na teacher sa Thailand. Malaki raw kasi ang sweldo ng mga teachers doon.

Mag-a-ala-una na nang makaupo ako sa teachers' pantry. Wala nang ibang guro dahil malamang ay may klase na sila, o kaya nama'y nandoon sa faculty room. Medyo nanginginig pa 'ko sa gutom habang kumakain ng sandwich. Napapapikit pa 'ko habang nilalasap ang cheese, ham, at mayonnaise. Sandwich lang ang pinabaon ni mama, para daw pumayat na ako.

Sabi ko sa kanya kagabi, 'Hindi naman ako mataba, beefy lang.' Tapos pinisil-pisil ba naman ang bilbil ko?! Ayan tuloy, napilitan akong magbaon ng sandwich. Pero binalaan ko si mama na 'pag nagkasakit ako, siya ang may kasalanan. Hindi ko nalang ikukwento na hiningal ako kanina kasi baka celery nalang ang ipakain sa akin mamayang gabi.

How to Make Us Right [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now