Wala nang mas makapangyarihan pa sa pagsisisi. 'Yong parang mababaliw ka na sa kaiisip ng mga nangyari, mga planong hindi umayon sa mismong kagustuhan mo, mga bagay na sana ay ginawa mo, sana ay naagapan mo.
Mga bagay na sobrang tagal bago mo naisakatuparan ngunit bigla nalang naglaho na parang bula. Maraming tanong sa isip mo na naghahangad ng kasagutan. Ngunit walang pumapasok sa isip mo kung hindi ang salitang 'sana'.
Walang katapusang sana ang bumabagabag sa buong sistema mo. Para bang masisiraan ka na ng bait dahil sa walang katapusang 'sana' sa isip mo. Ngunit lahat naman ng bagay sa mundo ay may rason diba?
"Sana maging masaya ka pa rin pagkatapos ng lahat." Sabi niya sa 'kin.
"Sana may ngiti pa rin akong maipapakita sa mundo pagkatapos nito." Tugon ko.
Sana nga. Mananatili nalang bang hanggang sana ang lahat?
YOU ARE READING
Hanggang Sana Nalang Ba?
Teen FictionLahat ng mga tao ay may kanya-kanyang 'sana' sa buhay nila. Mga 'sana' na minsan ay hanggang sana nalang talaga. Hyelary Sophia Ledezma do not want complications in her life. Why complicate things when you can do it on your own simple and hassle fre...
