Prologue

18 3 0
                                        


Putspa! Anong sasabihin ko? Di naman ako magaling sa ganito. Wala akong idea kung saan ang destinasyon ng langyang 'to.

Eto na. Hingang malalim. Three, two, one, go!!

Bakit daig ng mga gwapo kaming mga pangit?

May looks naman ako sabi ng mga kaibigan ko pero bakit walang pakialam yung crush ko?

Bakit naman niya ako pakikialaman kung hindi niya alam na crush ko siya?

Torpe ko kasi. No, wait! Let me rephrase the first sentence. Takot akong ma-reject 'e.

'E parte talaga yan ng pag-ibig 'tol.

Parte nga pero hindi ibig sabihin na basta-basta nalang siya mangrereject kahit di pa ako umaamin.

Ha? Ang labo mo. Pano ka niya irereject ha? Hindi ka nga umaamin na may gusto ka sa kanya.

Hindi nga pero may kasabihang "action speaks louder than words." Base sa nakikita ko, ayaw  niya sa akin.

Edi tapos ang kwento. The End na 'to.

Tang na juice! Tumigil ka nga. Putspa! Kinakausap ko na sarili ko.

Nababaliw na yata ako. Nababaliw na sa kanya. Aiishh!!

'E paano kasi, ayaw niyang lubayan ang isip ko. Panay pa ang pagngiti niya rito sa loob. Dagdagan mo pa ang pesteng imahinasyon na 'to. Putspa!!

Isa lang naman ang gusto kong mangyari. Yung pansinin niya na ako, yung kausapin na niya ako, yung sasamahan na niya ako tuwing nagugutom ako at gusto kong kumain sa canteen at higit sa lahat ay yung magrereply na siya sa mga texts ko. Hindi yung tipong "ahhhh", "k", "wala", or whatsoever na nagpapainis sa puso't isipan ko.

Ano ba yung pinagsasabi ko. Di na ako yan. LOL!

I want justice for my feelings. I want her more. Putspa! I want her to be mine! Akin lang siya. Walang ibang lalaking aagaw sa kanya mula sa akin kahit mas matangkad pa sa akin, mas talentado at higit sa lahat yung mas gwapo pa sa akin.

Wala akong maipagmamaliki sa kanya. Wala rin akong sandata laban sa mga nagkakagusto sa kanya. Meron pala, yung sense of humor ko pala. Hahaha!!

Basta, lalaban ako. Kung mahal mo talaga, ipaglaban mo. That's love!

Ang tanong, kakayanin ko ba?

Gusto Kita. May Pag-asa Ba?Stories to obsess over. Discover now