KANLUNGAN

36 2 2
                                        

Short story.

Author: Tenten/mazterkulitz

[Sa cellphone]
Boy* papa Una na lang po kayo susunod na lang ako.

Papa* o sige anak, dalhin mo mga apo namin ng mama nyo ah! Sigurado akong gusto silang makita ng Lola nila.

Boy* (napangiti) of course Pa.

Papa* sige. Ay teka! Paano si ate mo? Makakapunta raw ba?

Boy* hindi ko sigurado Pa. Pero ita-try nya daw taposin ng maaga mga paper works nila sa opisina para makapunta.

Papa* ah! Ganon ba? (Napabuntong hininga)

Boy* Pa, wag kayo mag alala sigurado akong gagawa si ate ng paraan para makapunta.

Papa* (napangiti) sige ingat kayo ah! Aalis na ako siguradong naiinip na yung mama nyo.

Boy* O sige ho! Susunod nalang kami doon Pa.

Papa* Sige... bye na. Ingat sa pagmamaneho ah!

Boy* (natawa) Oo naman pa. Sige po bye.

[Tot.. Tot!!]

Pagkababa ng telepono nag ayos na si Ron. Napangiti nalang sya habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Nagpunta na sya sa sala at kinuha ang susi ng kotse saka lumabas ng bahay.

Habang papuntang garahe nakita nya ang mga malalagong bulaklak sa hardin ng kanilang bahay. Nakangiting pumitas sya ng bulaklak nang gumamela.

Pagkatapos ay dumiretso na sya sa sasakyan. Inilagay nya sa maayos na pwesto ang mga bulaklak at saka lang sinimulan magmaneho.

Tumingin sya sa relo at nakita nyang meron pang sobrang oras. Kaya may naisip syang puntahan.

Nang makarating sa lugar na yon ay huminga muna sya ng malalim bago lumabas ng kotse.

Nag lakad sya saglit at tumingin sa isang matandang puno saka lumapit.

Nakangiting pinagmasdan nya ang puno. Ng makontinto ay mayroon syang hinanap sa katawan ng puno.

Ng makita ang nakaulit na litrang 'R. love M.' sa loob ng hugis puso, nakangiting hinaplos nya ito.

Nagtagal lang sya saglit at ng mapagpasyahan na nyang umalis ay nagpunta na sya sa sasakyan saka binuhay ang makita.
.......

Pagkalipas ng ilang minutong pagmamaneho ay narating na nya ang patutunguhan.

Bago lumabas ng sasakyan ay kinuha nya muna ang bungkos ng mga bulaklak.

Pagkababa ay dinukot nya sa bulsa ang kanyang cellphone saka nagdial ng numero.

[Ring.... Ring....]

Hindi naman sya naghintay ng matagal at may sumagot agad sa kabilang linya.

Boy* O, hello pa. Napatawag ka?

Papa* Oo, ano kasi.... Nakarating na ako. Kayo nasan na ba kayo?

Boy* On the way na kami pa. Medyo traffic lang. Pero darating narin kami.

Papa* kasama mo ba mga apo ko?

Boy* Opo, ang ingay nga nila dito sa loob ng kotse eh! (Natatawang sabi)

Papa* (ngumiti) ganon ba? Mag ingat kayo ha!

Boy* Of course pa, we will. Pa gusto ka kausapin ng mga apo mong makulit. (Nakangiting sabi)

Papa* (natuwa) sige, sige.. Pakausap nga dyan sa mga makulit na yan.

Boy* (ibinigay sa anak yung phone)

KANLUNGANStories to obsess over. Discover now