Ausmolo

109 3 1
                                    



Hi guys hope na maposts to mehehehehehehe. Share ko lang tong experience ko nung bata ako.

Bata pa lang ako non madami na kaming nararamdaman dito sa lugar namin,kahit sa syudad to. Di mo talagang maiiwasan na makaexperience neto. So ayun nga, 2 yrs old daw ako nung may nakikipaglaro sakin na mga lamang lupa, syempre bata ka pa non kaya ka napaglalaruan. Hanggang sa paglaki ko around 5 or 6. Naglalaro kami kaming mga magkakaibigan sa bahay na bakante umalis na kasi mag asawa don at may anak na lalake mga 3 lang yung bata non or 2 sa pagkakatanda ko nung umalis sila. Dahil daw ayun sa multo, babae ang nagpapakita sa kanila.

Ginaya nung multo yung asawang lalake ng pulis na babae, akala nung misis nya nasa sala ang asawa nya pero ang totoo ay humihilik na ito sa kwarto nila kasama ng anak nila. Kinausap pa raw nya ito kung bakit nasa sala pa at laking gulat nya noong pagtingin niya sa kwarto ay humihilik na ito. Kaya umalis sila sa bahay na iyon.

Habang ginagawa naman ang bahay na iyon para sa mga rerenta, Naglalaro kami doon, kumakanta pa ng ""MAY UWI SI NANAY SA BAHAY"" Nakailang ulit namin iyon kinanta ng may biglang sumabay saamin na boses bigla kaming nagtakbuhan non. Inulit namin yon ng ilang araw saka nagpakita yung babae sa bintana, kitang kita namin yung anino nya. Kaya di na kami bumalik sa bahay na yon.

Si ninang naman ay nagpadespidida dahil aalis na sya patungong abroad non, around 12-2 na daw nung matapos sila ng makita ng ninang ko ang pugot na ulo na nakatayo sa harap ng bahay namin sa may poste. Nawala raw agad ang kanyang lasing ng makita iyon. Sumunod din si kuya bingo bumili lang ng yelo ng makita nya rin ito kumaripas daw sya ng takbo ng makita nya ito.

Ang sumunod naman ay ang tiktik, di namin alam kung saan galing e, Buntis kasi kapitbahay namin, nung mag ccr daw sya ngulat sya nung may dilang mahaba na para bang nakaabang na kay ate. kinuhanan nya ito ng picture kaso di ko nakita dahil sa sobrang takot ko. Sabi pa nga nila may manananggal daw doon dahil anrinig ng sarili kong ate ang pagaspas ng pakpak non.

May lola naman kami dito na mang gagamot at may akay sa likod na si St. Anthony daw. Maraming syang alaga na hayop, may baboy, may manok, may aso at noon ay may pusa sila. Nanganak yung baboy, ilang araw palang na lumilipas, nagkasakit ang mga biik. Nagtaka raw sya at nakausap yung lalaing nakatira sa puno nyang malake, Pinaparusahan daw nya si lola dahil 4 am palang daw ng umaga ay nag wawalis na daw si nanay eh wala namang nagwawalis ng ganon kaaga dahil ganun din ang gising namin. namatay lahat ng biik.

Sa kabilang iskinita naman, merong anino na nagpapakita. Sobrang lakas daw nito at laging tumatambay daw sa 4th flr na mga bahay or 3rd flr.

About dito sa ausmolo kasi dati daw itong balon na tinatapunan ng katawan na gnahasa ng mga hapon, kaya daw marami ring nagpapakita rito.

Di naman gaano nakakatakot to diba? Pero swear pag kayo ang nakaexperience neto at dito kayo tumira matatakot din kyo hahahaha

P.S nag cr ako kanina may naramdaman ako sa cr namin hahahaha"

QueenBie



A\N : Ayan nag share na naman ako HAHAH i hope natakot kayo Joke


Vote Follow and Comment

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon