Panaginip,
Panaginip na nagpapagulo ng aking tahimik na isipan. Bakit ka ba naririto? Bakit mo ako ginugulo? May nagawa ba ako sa iyo?
Marami kang iniwan na mga tanong na nagpapakabog ng aking puso, nagpapagulo ng aking isipan.
Bakit ka ba kasi pumasok sa aking isipan?
Sino ka? Sino siya? Bakit mo 'ko nilalayuan?
Bakit ka nagpakilala bilang isang malabong mamamayan? Malabo, malabo kong maintindihan ang panaginip kong naiwan, gusto kong malaman kung ano ang susunod kong kapalaran.
Kapalaran na hindi ko din maintindihan. Bakit ang gulo? Sa oras na ika'y nagsasalita lahat humihina kahit boses mong nagiisang nagsasalita'y hindi ko marinig. Iisa lang naman ang gusto kong alamin...
Kung sino ka? Sino siya? Bakit mo ako nilalayuan? Bakit ka pumasok sa aking magulong isipan?
