Si Dra. Jona (one-shot story)

37 0 0
                                        

Sobrang swerte ko sa buhay.

Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang propesyon at isang masayang pamilya. Ako ay nagtapos ng Bachelor of Science in Dentistry sa UP Diliman. Ngayon ay may sarili na akong dental clinic sa Makati, isa ring part-time professor sa UST, at full-time mom sa tatlo kong anak—dalawang lalaki at isang babae.

Masasabi kong natupad ko ang mga pangarap ng aking mga magulang. Pumanaw na sila ilang taon na ang nakalipas, ngunit alam kong bago sila mawala ay nakita nila ang mga tagumpay ko.

Ako nga pala si Dra. Jona T. Hubilya. Tawagin ninyo na lamang akong Dra. J. Tatlumpu't apat na taong gulang, may tatlong anak, at may asawa akong gwapo at masipag—si Julian, apatnapu't isang taong gulang. Siya ang nagma-manage ng aming talyer na malapit lang din sa aking clinic.

Sa totoo lang, aaminin ko—mahilig ang asawa ko.

Masaya ako dahil kahit nasa edad na kami ay napaka-aktibo pa rin niya. Kapag gabi, parang hindi siya napapagod. Minsan nga, bago siya pumasok sa talyer, gusto niya muna kaming magkaroon ng sandali sa kama.

At sa loob ng mahabang panahon, wala naman akong naging reklamo roon.

"Mahál, ginabi ka yata?" bati ko nang makauwi siya isang gabi.

"Oo nga, mahal. Pasensya ka na. Maraming nasirang sasakyan ngayon. May pina-overhaul pa," sagot niya habang hinuhubad ang kanyang jacket.

"Okay lang. Halika, kumain na tayo. Pinatulog ko na ang mga bata. Maaga silang gigising bukas—may recognition sila."

Ngumiti siya.

"Talaga? Ang gagaling talaga ng mga anak ko. Sige, kumain na tayo. Mahál, damihan mo ha... para mamaya may lakas ka."

Napangiti na lamang ako.

"Ah... sige, mahal."

Ganito halos palagi ang gabi namin.

Magaling si Julian—sa maraming bagay. Minsan nga, pabiro niyang sinasabing kung paano siya magtrabaho sa talyer ay ganoon din siya sa kama: masipag, matiyaga, at walang inuurungan.

At sa maraming taon, naniwala akong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit matibay ang aming pagsasama.

Sa Clinic

"Good morning, Ma'am," bati ni Carla, ang head secretary ko.

"Good morning din. Andiyan na ba si Mrs. Gina?"

"Opo. Magpapa-adjust daw po ng braces."

"Sige, ihanda mo na ang tools. Siguraduhing sanitized lahat. Sa Room 5 siya."

"Okay po, Ma'am."

Nang makita ko si Mrs. Gina, napailing ako sa loob-loob ko.

Hay naku...

Kung hindi lang ako dentista, baka nasigaw ko na kung gaano kadumi ang kanyang mga ngipin. Isa pa naman siyang konsehal sa lungsod.

Pero may sinumpaan akong propesyon. Kaya ngumiti ako at ginawa ang trabaho ko.

Mahaba ang araw ko sa clinic.

Pagkatapos ng trabaho, uuwi ako para magluto, magpatulog ng mga bata, at magpahinga.

At sa gabi... babalik na naman sa parehong rutina.

Isang araw, nagpunta kaming mag-anak sa isang fast food chain sa Alabang.

Ipinagdiriwang namin ang pagiging honor student ng aming mga anak.

Selfie dito. Selfie doon.

Tumatawa ang mga bata habang kumakain ng fries at chicken.

Si Dra. Jona (one-shot story)Stories to obsess over. Discover now