1

24 0 0
                                        

Mary Kaye's POV

"Ryka, mag-iingat ka doon. Wag mo silang bibigyan ng sakit ng ulo at wag karing makulit doon. Mag-aral ka ng mabuti at higit sa lahat wag mong kalimutan lahat ng tinuro namin sayo, ha?" niyikap ako ni Sister Clara, siya na yung tumayong nanay ko simula nung dinala ako ng nanay ko dito sa ampunan. Mahirap para sa akin na iwan sila kasi parte na sila ng buhay ko, yung mga bata, sina Mikay at Alex, at sina Sisters.

"Opo Sister, mag iingat po ako. Mamimiss ko po kayong lahat." Puro hikbi at singhot ang maririnig mula sa mga bata at pati narin samin. Unang beses ko palang nakitang umiyak si Sister at ngayon yun.

"O'sya sige. Tara na't ihahatid na kita."

"Sandali lang po, Sister." Nilapitan ko sina alex at Mikay na umiiyak na. "Mikay, Alex. Mamimiss ko kayo. Baballik-balik naman ako dito para bisitahin kayo. Tandaan nyo kayo lang ang pinaka-mamahal kong mga kaibigan. Walang papalit sainyong dalawa, mag ka hiwalay man tayo ngayon alam ko na magkaibigan parin tayo, ha? Mag-iingat kayo, ha! Alagaan nyo sina sister at yung mga bata." Nag-yakapan kaming tatlo. Simula nag-kaisip ako sila na yung mga kaibigan ko.

"Daya mo naman, Ryka. Sabi mo walang iwanan. Bakit ngayon iiwan mo na kami? ...... Okay lang naman sa akin basta bibisita ka, ha! Pag ikaw talaga umarte-arte sasapakin kita. Seryoso ako! Walang limutan, ha! Promise?"

"Promise?" nag-pinky swear kami ni Mikay at niyakap ko ulit siya. Tiningnan ko si Alex. "Ryka, alagaan mo sarili mo doon. Pag ka may problema ka tawagan mo kami dito, ha? Kung may nang-aaway sayo doon. Isang sabi lang sa akin reresbakan ko yun lalo na kung may mang-babastos sayo doon. Babangasan ko talaga yun. Seryoso ako!" napangiti ako ng kaunti. Talaga tong si Alex puro away ang nasa isip. "...Ryka, mamimiss kita." Niyakap nya ako at umiyak narin sya. First time-First time na umiyak si Alex.

"Tara na, Ryka. Nag-iintay sila doon." Sumama na ako kay Sister. Naglakad na kami papunta sa Office ni Sister. Nandoon kasi yung aampon sa akin. Nakita na sila kaso isang beses lang. Single Mother lang siya. Naka-sunod sa amin yung mga bata at sina Alex at Mikay. "Dito na lang, kayo." Pumasok na kami ni Sister sa loob ng Office.

" Alissa," tumayo yun magiging 'mama' ko. Sinong 'Alissa'? Ryka ang pangalan ko pero laking gulat ko na lang ng bigla nya ako niyakap. " Anak ko." Tiningnan ko si Sister pero nginitian nya lang ako.

"Ah, teka lang po. Hindi po ako si Alissa." Himawalay siya sa yakap at tiningnan ako. Teary eyed siya ngayon. "Ay, Oo nga pala, pasensya na. ha? Ryka. Nadala lang ako. Siguro naman na explain na ni Sister sayo, diba?"

"Opo"

"Mabuti naman kung ganon. Pwede na ho ba kami umuwi?"

"Pwede na po, Mrs. Romualdez."

Binibit na ni 'Mama?' yung bag ko. "Wow, ang gara naman po ng sasakyan nyo." Ang ganda ng sasakyan nya. Kulay itim at ang kintab kintab pa. halatang mamahalin. "Hindi yan sa akin, hiniram ko lang yan. O'pano? Tara na Ali– Ay! Ryka, pala."

"Teka lang po."

"Babye na talaga. Group Hug!"

Nag yakapan kaming lahat, mamimiss ko talaga sila. Sana maging maayos ang buhay ko sa piling ng nanay ko. Ano kayang itsura ng mga kapatid ko? Matatanggap kaya nila ako? Hala! Baka hindi. Ahh, kinakabahan natuloy ako. Sumakay na kami sa kotse ni Mama - nakakatuwang isipin na may matatawag na akong mama ngayon. 

"nako! Excited ka nang makita ni Maura, alam mo ba? Gusto nya sanang sumama sa pag sundo sayo, kaso mo may pasok sya ngayon. Kamusta ka na anak? Masaya ka talaga doon, no? Wag kang mag-aalala magiging masaya ka din sa bahay. Payakap nga."

WHO AM I?Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang