(PLAY THE SONG)
"Sabi nila ang swerte ko daw kase ako ang napili mo". Bulong ko sakanya habang pareho kaming sumasayaw sa gitna ng Hall kung saan ginaganap ngayon ang aming Graduation Ball.
"MAS maswerte ako kase ikaw ang napili ko" sabi niya sakin ng nakangiti habang titig na titig sakin ang magaganda niyang mga mata.
Hindi ko maiwasang kiligin sa mga katagang iyon, maaaring simple at natural iyon para sa iba, but for me? It's like a music that never last.
Sa panahong iyon isa lang ang binubulong ng puso't isipan namen.
Ang salitang MAHAL KITA! Salitang bumuo saaming dalawa.
Ngunit akala ko hindi na matatapos yun, pero mali ako. Mali ako! kase sa mundong to wala pala talagang permanente. Na sa mundong to, lahat natatapos. Lahat may hangganan.
MALAYA KA NA! Salitang tuluyang pumutol sa pangarap na binuo ko sa aking isipan. Pangarap na para saaming dalawa.
"Mangangarap hanggang sa pagbalik, mangangarap pa rin kahit masakit.
Baka sakaling makita kitang muli, magsikat ng araw paglipas ng gabi, Hindi pipilitin ang hindi pa para sakin, baka sakaling maibalik.
Malaya ka na.
Malaya."
Sabay ng pagsambit ko sa huling liriko ang pag agus ng mga luhang walang sawang nagdadalamhati sa pagkawala mo.
Maraming salamat! Maraming salamat at nakilala kita! Maraming salamat at naging bahagi ka ng buhay ko.
"MALAYA KA NA, MAHAL KO."
© 2017 by Areyramosventura . All rights reserved.
YOU ARE READING
MALAYA
Teen Fiction"MAHAL KITA" Napakasarap pakingggan hindi ba? Isang kataga na kayang magdala sayo sa isang umaapaw na saya. Isang salita na magbibigay kulay sa mga ngiting gustong lumaya mula sa iyong mga labing kay tagal nagtago. Isang salita na bubuhay sa pusong...
