Jeng x Javier

2 0 0
                                        

May mga tao talagang tinadhana para isa't isa. Pero may mga tao na pinagtagpo lang talaga.

Ako si Crystal Jane Villafero, babaeng simple at hindi romantic. NBSB at walang balak mag-boyfriend.

Masaya na kasi ako sa pagiging buhay single ko.

Nakakatakot na kasi magmahal ng lalaki ngayon, baka saktan ka lang at iwan sa huli katulad ng daddy ko.

Iniwan niya kami para sa FIRST LOVE niya, kahit na si mommy ko ang GREATEST LOVE niya.

My mom died, after namin malaman na may ibang kinakasama si Daddy. Nag-suicide siya sa mismong araw ng birthday ko, February 14.

At ngayon, ngayon yung ika-4 na taon ng pagkamatay ni mommy at 27th birthday ko.

"Mommy? Kamusta ka na? Miss na kita. Dadaan pa ako ng simbahan kaya saglit lang ako dito. Mommy, sana hindi ka pa nawala para nakita mo yung mga Valedictorian Certificates ko. Bye na mommy, baka gabihin pa ako. Happy Valentine's anyway, Mom. I love you."

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, mayroong nakabunggo sakin.

"Im sorry, Miss"

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"

"Sorry, okay? Hindi naman sinasadya e." then he leave.

Siya na nga yung nakabangga siya pa yung galit. Sumakay na ako ng taxi sa labas ng sementeryo para pumunta na ng simbahan.

Pagbaba ko ng taxi, marami ng bata ang lumapit sakin. Mga bata na nagtitinda ng sampaguita.

"Ateng maganda, set ka na nito oh."

"Ateng maganda, 20 nalang sayo tong 2 sampaguita."

Ang kukulit nilang lahat, pilit nila akong pinapabili ng tinitinda nilang sampaguita.

"Mamaya nalang ako bibili ng sampaguita ha. May misa pa kasi." saka ako umalis dun.

Pumasok ako sa simbahan at nabigla ako sa mga nakita ko. Puro couples ang mga nandito at mga kumpletong pamilya.

Oo na, ako na ang walang kasama ngayon. Ako na ang lonely. Ako na ang walang partner. Tssss.

Pumwesto ako dun sa medyo unahan, katabi ko yung 1 buong pamilya na masayang nagkikinig sa sinasabi ng pari.

Maya-maya pa, ng kakanta na ng "Ama Namin"

May lalaking biglang tumabi sa akin sabay taas ng 2 niyang kamay.

Sabay kuha naman niya ng kamay ko at ipinatong yun sa kamay niya. Aba aba! Walang paawat to ah.

Pagtapos kumanta ay agad ko siyang tinignan sa mata saka ko nakita ang mukhang hindi ko makakalimutan.

"Ikaw nanaman?" sabay na wika namin.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" sabi ko

"Aba, napaka-feeling mo din e no? Hindi ba pwedeng nagsisimba lang ako kaya ako nandito?"

Tinarayan ko nalang siya saka lumipat ng pwesto, sa pwestong kasuluk-sulukan na ng simbahan na to.

"Humayo kayo't magparami. God Bless you all"

Tapos na ang misa kaya lumabas na ako. Ayokong magpaabot sa lalaking yun. Ang epal epal at wala akong balak na makita pa siya ulit.

Naalala ko babalikan ko pa nga pala yung mga bata na naglalako ng sampaguita. Agad ko silang hinanap para bumili na ng sampaguita, at sa wakas nakita ko din sila.

Nakatumpok sila dun malapit sa kotseng kulay itim at masayang nagtatawanan.

Bago pa ako lumapit sa kanila, agad naman silang nag-wave ng kamay para mag-"babye" at pagkarakarakang alis ng kotseng itim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TadhanaStories to obsess over. Discover now