Pagkatapos ng klase ay napagdesisyunan kong i-meet si JM. I might at least get some unbiased things from her. Sa isang café kami nagkita. Pormang-porma ito at puno ng kolorete sa mukha. That made me uncomfortable somehow.

"Start about Lhaine," sagot ko nang tanungin niya kung saan ba siya magsisimula sa pagkuwento.

"Ang huling narinig ko mula sa'yo bago tayo narescue ay 'sana hindi nalang kita nakilala Lhaine Lee'. Lhaine's independent but you kept on clinging to her like as if you're holding her back most of the time according to you. I didn't exactly know what you meant that time pero sa tingin ko ay mahal niyo ang isa't-isa pero lagi kayong nagkakasakitan and you can't meet halfway."

"Ah, and I thought we were like the couple of the year."

"Nabanggit ba nila kung bakit hindi kayo magkasabay umalis ng Macau?"

"Because I left my passport."

"Fact pero ayon sa'yo, nabadtrip ka dahil sa ayos niya at nag-away kayo dahil sa 'malandi-ish' na porma niya. Kung ako ang tatanungin, you've been a real jerk to her," dagdag niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako kay JM pero wala naman akong nakikitang rason para magsinungaling siya.

"To be in love is wonderful but it's really spiteful to love and be in pain at the same time, don't you think? Ah, you mentioned someone named Brix. You said it might've been better if they were together instead of you. I'm no rocket scientist, but the way I see it, you forgot her for a reason. Why don't you just end her pain and let her go?" litanya niya ulit.

"Ah... Kailangan ko nang umalis," tumayo ako.

"See you around?"

"Maybe, finals na eh. Maraming salamat uli," paalam ko sakanya. She just waved at me. I just drove and drove at sa huli ay sa tapat ng apartment ni Lhaine ako tumigil. Anong deal ba 'yung binabanggit ni Brix dati?

"Late na ah? Pasok ka," binuksan ni Lee ng husto ang pintuan. Napansin ko ang isang maletang sa tingin ko ay nilalagyan niya ng mga gamit.

"Aalis ka?" tanong ko habang nakatingin sa may maleta niya.

"May sasalihan akong competition ng isang linggo."

"Kailan ka aalis?"

"Five this morning. Magdiwang ka na, wala kang seatmate at evil tutor ng isang linggo," tumawa siya.

"Sinong kasama mo?"

"Ano 'to interview? Bakit nga pala napadaan? Na-miss mo ako?" pabirong sabi niya.

"Paano kung sabihin kong oo? What is Brix to you? Did I really...hurt you that much?"

"Saan naman nanggaling ang mga 'yan?" nabura ang ngiti niya sa mukha.

"Paano kung hindi na bumalik ang mga ala-ala ko? What if I ask you stop talking to Brix? Will you do it? Or were we on this same situation before?" nilapitan ko siya. She started to tear up and it breaks my heart. Suddenly, she staggered. Buti nalang at nasuportahan ko siya agad.

"What's wrong?!" inalalayan ko siya at pinahiga sa sofa.

"Puwede mo ba akong samahan nang walang kahit na anong tanong? You said new start, then why are we rahashing everything..." her voice faded, mukhang nakatulog na siya. Is she alright? Habang natutulog siya ay kinakalkal ko ang laman ng phone ko dati. Were we really happy or did we just capture those minute moments of happiness and the rest was painful? Kailangan ko nang magdesisyon. I can't just live my life asking and waiting for answers. It's my life after all.

Ginising ko si Lhaine pagpatak ng alas tres ng umaga. Parang nagulat at nagtaka pa nga siya nang makita niya ako eh. Natataranta siyang tumayo.

"Late! I'm late—Baka maiwan ako! Mag-aayos lang ako. Matulog ka nalang muna dito, masamang magmaneho ng puyat. Wait!" tumakbo siya sa isang kuwarto. Nakalatag ang ilan sa unpacked na gamit niya kaya ako nang nag-ayos nito.

"Inilagay mo ba dito lahat nang nasa table?" tanong niya nang makita niyang nakasara na ang maleta niya.

"Yeah. Dala ko naman ang sasakyan ko kaya ihahatid na kita total kailangan ko rin namang umuwi at may pasok pa mamaya. Don't worry, nakatulog naman ako," rason ko. Nag-alangan pa siya pero mukhang mas natatakot siyang mahuli kaya nagpahatid na ito sa terminal.

Pagpasok ko ay si Brix agad ang hinanap ko. Naabutan ko siyang naglalaro sa gym. "Nice shot!" sigaw ko nang pumasok ang three point shoot niya.

"May kailangan ka?" pinasa niya sa akin ang bola.

"That deal, what was that all about?"

"Deal? Ah, na ako lang ang pinagkakatiwalaan mo pagdating sakanya o na kapag nakita kong nasasaktan na siya ay dapat ilayo ko siya sa'yo."

"That's it? Sinisimulan mo na ba ang paglalayo sakanya?" pinasa ko sakanya pabalik ang bola.

"That's not all. Sumang-ayon ka na kapag nakikita mo na siyang nasasaktan, kahit na gaano mo pa siya kamahal, ay ikaw mismo ang magpaparaya. Ayaw kong dagdagan ang iniisip ni Lhaine ngayon. That's why keep up your end of the bargain," sagot niya bago bumalik sa paglalaro.

Sa mga dumaang araw na bakante ang upuan ni Lhaine ay nakabuo ako ng desisyon. Everyone needs to move on with their life. Also, I'm not really sure if I like her or something close to 'liking' romantically.

---

SHE'S THE GIRLWhere stories live. Discover now