* * *

Ryan Lee Sanchez - POV

"Ang bata naman niyang katulong ninyo," nginuso ni JM si Lee na palabas na ng gate.

"Classmate, she's a classmate," hindi ko mapigilang matawa. Lhaine really looks plain with her fashion sense but I still find that adorable than the flashy ones.

"Oh. Sorry. Then, tara na?"

"Ah, kailangan ko palang gumawa ng term paper. By the way, her name's Lhaine Lee. Nabanggit ko ba siya sa'yo noong nastranded tayo?"

"What?! This is awkward. Yes, nabanggit mo siya sa akin like a lot."

"Gusto kong marinig ang lahat nang sinabi ko tungkol sakanya next time. I'll give you my number," tugon ko. Inabot ni JM sa akin ang phone niya.

"Save your name as Lee," she said.

"Ryan will do," rason ko. Parang ayaw ko lang kasi na may ibang tumatawag ng Lee sa akin bukod kay Lhaine Lee eh.

"Next time then. I might be settling here for a while so see you around," kinindatan niya ako bago siya umalis. Isang alanganing ngiti nalang ang ibinalik ko sakanya.

Pinagpuyatan ko ang term paper na malapit na ang due. Matatapos ko naman sana ito agad kung hindi ako biglang natitigil at napapamura dahil sa ginawa ni Brix kanina eh. Isa pa, ang hirap sabayan ng mood swings ni Lhaine Lee. Paano nalang kung binigyan ko siya ng bulaklak at ihinagis niya iyon sa mukha ko gaya ng ginagawa niya sa libro kapag nag-aaral kami? Tsk.

Pagdating ko sa classroom ay nadatnan ko si Lee na puno ng ngiti. Her mood's up right now huh. "Done," inilapag ko ang makapal kong term paper sa desk niya.

"Bakit mo binibigay sa akin? Hindi naman ako ang teacher?"

"Pa-check baka may mali."

"Sus, okay na 'yan. May tiwala naman ako sa abilidad mo. Baka C+ ang grade!" nag-thumbs up pa siya at hindi mabura ang ngiti sa mukha niya.

"Compliment ba 'yan o lait?"

"Fine. Akin na nga. Babasahin ko mamaya o bukas dahil busy din po ako at hindi lang ikaw ang buhay ko," tugon niya. The bell rang. Pumasok agad ang teacher namin kaya hindi natuloy ang usapan namin. Was she jealous yesterday? I bet she was. Why am I grinning like a fool right now?

Pagdating ng break ay nagkumpulan ang ilang classmates namin kay Lhaine. Panay sila 'good luck' sa kanya. Lalapitan ko sana siya nang maiwan na siyang mag-isa pero naunahan ako ni Risaralda.

"Good luck charm," hinalikan ni Brix si Lhaine sa noo. Bigla akong napatayo.

"Girlfriend ko 'yan," automatic na lumabas sa bibig ko. Tinignan lang nila akong dalawa.

"Nakipag-break ka na sa akin," sagot ni Lhaine at ngumiti pa siya bago nagwalk-out.

"Single pala si Lhaine ngayon," ngumisi si Brix. He pisses me off.

"Huwag mo siyang paglaruan," seryosong sabi ko kay Brix.

"Not in a lifetime. Ikaw naman, huwag mo siyang paasahin sa wala. Kung ayaw mo siyang umaaligid sa'yo, diretsohin mo na para matapos na 'to," tinapik pa niya ako sa balikat bago siya lumabas ng classroom. Sh*t, it's not that. I want to watch her close by but I get this scary feeling everytime I do. It's like as if I might get burned when I get too close.

SHE'S THE GIRLWhere stories live. Discover now