"Thank you po," napangiti na ako. Mas nauna siyang bumalik sa booths. Nagpaiwan muna ako saglit para magpahangin. Kahit sila sinusubukan akong tulungan pero hindi parin kami umuusad ni Lee. Napahawak ako sa pendant ng necklace ko. He said a lot of sweet things that day but it looks like he's not even trying now.

Halos hindi ko na nakita si Lee ng buong araw. Dumaan nalang ako sakanila para bigyan siya ng additional notes para sa term paper na malapit na ang deadline. Si Manang Amor lang ang naabutan ko sakanila kaya iniwan ko lang doon ang notes. Palabas na ako ng gate nang makita ko ang isang babaeng naka-shades na mukhang may inaabangang lumabas mula rito sa bahay nina Lee.

"Excuse me, sino po ang hinahanap nila?" tanong ko sa babae.

"Ah hi manang, is Ryan Lee there?" sagot niya. Manang?

"Wala si Lee dito. Sasabihan ko nalang siya na dumating si?" I asked.

"It's JM. Kasama niya akong survivor sa crash. Manang, puwede ho bang pumasok? Nakakabagot ng maghintay dito sa labas eh."

"Hindi ako nakatira dito," iritadong sagot ko. Nakaka-ilan na siya sa manang eh.

"Oh sorry. Close ba kayo ni Ryan? Do you happen to know if sila parin ng girlfriend niya? I think her name was Lay or Aine. Or something like that. Ah! May Lee sa name!"

"Lhaine Lee. Bakit mo natanong?" lumabas ako at doon kami nag-usap.

"Well, if he still can't remember that girl then I may still have a chance," direstong sagot niya. She really speak out her mind huh.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I owe him my life and I'd want to pay him back by giving him mine. Corny right?"

"You're so honest to strangers," komento ko pero binalewala niya iyon at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Marami akong nalaman tungkol sakanya. Sa takot naming mamamatay na kami, we started to share each other's secret and pain kaya naman I promised myself that I would find him and that corny stuff I said earlier. I think I fell for him," napaka-dreamy ng mga mata niya habang nagkwekwento samantalang kanina eh para siyang senyorita. Tinawag ko siyang pumasok muna sa loob dahil mukhang kulang nalang ay maglatag ito ng tutulugan niya sa labas hanggang sa dumating si Lee. Pinakinggan ko ang kuwento niya. They really suffered huh.

Moments later, bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan ni Lee. Naging alerto bigla si JM at halatang excited na siyang makita si Lee.

"Sino 'yan?" itinuro ni Lee si JM.

"How damaged are you? I'm JM, 'yung kasama mong survivor? I was wondering if we could grab that reunion now?" napaka-flirty ng boses ni JM.

"Sure. Gusto rin sana kitang makausap pero hindi ko nakuha ang number mo. Saan tayo?" kay JM ang tuon ng pansin ni Lee. Siya ba ang dahilan kung bakit hindi kami umuusad? Wow.

"There's this coffee shop near—saan na nga 'yun? Sorry, hindi pa ako familiar sa lugar. How about you suggest a place instead?" sagot ni JM. Pasimple nalang ang gumilid para umalis na.

"Hey! 'Yung term paper," tawag ni Lee sa akin. Sinundan niya ako hanggang sa may gate.

"Iniwan ko na sa loob kanina. Itext mo nalang ako kung may kailangan ka pa. Huwag ka nanamang tatamad-tamad at tapusin mo na 'yun," iritadong sagot ko.

"Ok salamat," tipid na sagot niya. Binalikan niya si JM. Tawa nang tawa si Lee habang nag-uusap sila. Saan na nga ba ako dapat lumugar ngayon? Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko ah.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon