Pasukan na naman. Urgh New life new friends na. Mag aadjust na naman ako neto. Uhm hindi pa ako nagpakilala. I'm Yanzyl Corpuz. And grade 10 na ako!! At dito ako inilipat ni mama sa Sanchez University School.
"Mama wag ka munang uuwi! Wala akong kakilala dito!" Sabi ko kay mama. Huhuhu. Ayaw kong ma iwan dito.
"Yanny kailangan ko ng umuwi. Walang bantay dun sa bahay. Wala yung mga kuya mo dun. Tsaka big gurl ka na diba?" Naka ngiting sabi ni mama sa akin. Ehh basta. Nga pala mag mga kapatid ako tska ako yung bunso sa kanila.
"Sige na nga mama. Pero mama nahihiya talaga akong mang approach. Alam mo naman ako diba. Di ako approachable tska mahiyain?" Huhuhu gusto ko ng umuwi. Sana dun nalang ako sa public. Private kasi dito tska... basta ewan
"Basta kaya mo yan nak! Makakilala ka rin. Trust me okey?sige na babye *mwah*" wala na talaga. Basta kaya ko to! Aja!
Saan ba yung room ko? Ang laki laki kasi dito. Nga pala nakalimutan ko. Hindi kami mayaman. May kaya lang sa buhay.
Patingin tingin ako sa paligid. Ang ganda. Sana masaya ako dito. Sana lang magtatagal ako dito.
"Hi?" May nagsalita saking gilid. Sumabay siya sa paglalakad ko
"Uh h-hello" Nahihiya kong sabi. Ganito kasi ako. Mahiyain pag di ko kakilala.
"Anong grade mo?" Sabi niya. Na nakangiti. Wow ang ganda niya.
"Uh gr-grade 10" nahihiya talaga ako. Ewan ko ba. Huhuhu. Basta hindi ko kakilala. Mahiyain talaga ako
"Pareho pala tayo. Tara sabay na tayo punta tayo sa Highschool Department" nakangiti niyang sabi. Nginitian ko rin siya. Ang gaan ng loob ko sa kaniya.
"Tara! Sige" nakangiti ko ring sabi sa kanya.
***
"So heto na tayo. Anong section mo? " tanong niya sakin.
"Daisy. Sayo?" Sabi ko sa kanya. Sana naman pareho kami para naman maykasama ako. Ewan ko pero parang gusto ko siyang makasama. Siguro nga dahil ang gaan nag loob ko sa kanya
"Pareho pala tayo! Tara na. Tabi tayo ah!" Sabi niya. Nginitian ko siya.
Hanggang sa nagpakilala na ang mga guro sa min tska yung pagpakilala sa isa't isa.
"Hi! Im Quezell Laroga 16 years old." Sabi niya. So Quezell yiee ang gundu!
Okey it's my turn! Tumayo nako at uhm. Pano ba to. Nahihiya ako. Halos kasi sila nakatingin sa kin. Uhm.
"Go girl!kaya mo yan!" Sigaw ni- Quezell. Nginitian niya ako at ngumiti rin ako sa kanya.
Kaya ko to.
"H-hello I'm Yanzyl Corpuz 15 years old" nakadungo kong sabi sa kanila. Nahihiya talaga ako. Ayoko kasing tinititigan ako.
Pagkatapos ng lahat. Syempre half day lang dahil First day of school of course.
"Patay! Yung pera ko naiwan ko sa bahay. Huhuhu uhm yanny pwedi pahiram ng 10. Promise babayadan kita bukas." Hahaha si Quezell hindi ma pinta mukha niya. Kumuha ako ng pera sa bag ko tsaka binigay ko sa kanya
"Kahit wag mo ng bayadan zelly" nakangiti kong sabi sa kanya. Nginitian niya rin ako.
"Salamat ah! Sige una na ako" kumuway siya sakin
Hayysss what a day.....
****
"Kamusta araw nak?" Pagdating ko sa bahay yan agad bungad ni mama
"Okey lang naman ma. May na meet na akong kaibagan" sabi ko kay mama.
"O baby yanz! Andito ka na pala. Sino yang bago mong kaibigan? Lalaki o babae? Kung lakaki siguraduhin mong mas gwapo ako diyan! Bwahahaha" tsk. Nga pala ang mahangin kung kuya walang iba kundi si Yuaneil Corpuz. Dakilang mahangin. Siya yung ikalawa
"Ayan ka na naman sa kahanginan mo kuya. Baka lipadin na kami niyan. Buti nalang ako. Hindi ko pinagyayabang na Gwapo ako. Tsk." Nakangiting sabi ng ikatlo kong kuya ko walang iba kundi si Yacquel Corpuz. Tsk. Nagtataka ba kayo kung bakit puro Y yung first letter ng name namin? Well sabi ni mama eh. Para unique daw. Hihihi basta.!
"tsk. Tumahimik nga kayo dyan. Nakarindi na kayo ah. Isa nalang talaga! Kanina pa kayo." Well hindi pa rin kumukupas ang masungit kong kuya na si Yuzziel Corpuz pero mapagmahal yan. Siya yung panganay namin. Seryoso yan tska laging mainit ulo. And masungit. Hihihi ewan sa pinaglihi ni mama yan eh ang sungit sungit.
Iba siya kay kuya niel (yuaniel) tska kay kuya kelly (yacquel) hahaha pero okey lang sa kanila na tawagin ko sila niyan.
And lastly ako yung bunso sa kanila.
"Bleehh! Hmp! Ang hahangin niyo. Taas muna ako mama" maka akyat na nga..
"Aray baby yanny ha. Inisnob mo ang gwapo mong kuya" sabi ni kuya niel.
"Baby yanny dami bang magaganda dun sa room niyo?" Ayan na naman sila. Urghh.
"Tsk. Tumahimik nga kayong dalawa. Sige na princess zyl pumunta ka na sa kwarto mo." Buti pa si kuya Yuzz.
Klase na naman bukas. Makatulog na nga....
======
Yuzzel - 17 years old
Yuaniel - 16years old
Yacquel - 16 years old
Yanzyl - 15 years old
Annyeong! 😉
KAMU SEDANG MEMBACA
Hitsang
HumorAng sarap palang magkaroon ng Bestfriend. Tulad ko may bestfriend ako. para ko na siyang kapatid. Lagi siyang andun pagkailangan ko siya. Lagi siyang andyan paghindi ko na kaya at litong lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi niya ako...
