Meet

0 0 0
                                        

Nagising ako sa isang malakas na kidlat sadhi ng malakas na ulan.

Mula sa pagkakadapa tumihaya ako at humarap sa kisame, liningon ko ang aking bunsong kapatid na nasa tabi ko lang. Ang himbing ng tulog.

Dalawa lang kami magkapatid. Hiwalay na sila  Papa at Mama dahil naghanap daw umano ng ibang lalaki si Mama na hindi naman namin pinapaniwalaan ng kapatid ko.

Naiwan kami kay Lola, na nanay ni Papa. Kasama namin ang mga tiya't tiyo ko sa iisang bubong at wala kami maiaangal dahil sabit lang naman talaga kami dito.

Ang tatay kasi namin ay wala namang magandang trabaho at patambay-tambay na lang sa kanto kaya kinuha na lang kami ni Lola.

Kaya hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi dahil kilala ko ang aking ina. Hindi ito basta- basta sumusuko sa kahit anong problema. At alam ko'ng hindi nya magagawa samin yun dahil sa pagmamahal nya samin ng kapatid ko at kay Papa.


Nag disisyon ako na bumangon na lang muna dahil parang hindi naman din ako dadalawin agad ng antok.

Bumaba ako sa unang palapag. Sa sala. Hindi ko inaasahan na gising pa ang isa sa tito ko. Si tito Miguel na hindi nalalayo ang edad sa edad ko. Pero kahit na magkalapit lang ang edad namin ay ginagalang ko pa din ito gamit sa pagtawag na 'tito'.

"Tito Miguel hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko.

"Ay ikaw pala Gelay. Bakit gising ka pa?" Sabi niya at hindi man lang pinag abalahan na sagutin ang tanong ko.

"Na alingpungatan lang po ako. Sige po punta lang po ako sa kusina."

Hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil abala naman siya sa ginagawa niya. At pagkabalik ko naman sa sala naabutan ko na siyang nakatayo.

"Matulog ka na, Gelay, may pupuntahan lang ako." at dali-dali na syang lumabas ng pinto.

"Saan na naman kaya pupunta yun?" bulong ko.

Napapadalas kasi ang alis nun kahit na hating gabi na. Sana naman hindi sya mapahak sa ginagawa nya.

Sinilip ko ang bintana at wala na nga sya. Pag nalaman to ni Lola siguradong mapapagalutan na naman ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An ExpectedWhere stories live. Discover now