PROLOGUE

1 0 0
                                        

Yline's POV

"So are you ready?"- tanong sakin ng babaeng ito. "Madali lang naman ang ipapagawa ko sayo diba? You just have to pretend and leave
"-wika niya.

Totoo na madali lang naman ang pinapatrabaho niya sakin. Isang gabi lang at may pera na ako. Madali lang dahil magkukunwari lang naman ako. Yun lang? Tapos may pera na ako.

Malaki laki rin kasi ang kikitain ko dito. Tumigil na ako sa ganitong raket pero ngayon ay napasabak ako dahil na rin sa kailangan ko ng pera para sa pagpapagamot ni Mama.

"Oo naman!"-sagot ko.

"Ok I will leave. After 30 minutes pumasok ka na at gawin ang pinapagawa ko"-wika niya at umalis na.

Madali lang naman to pero hindi ko maiwasang kabahan.

Pero kailangan ko tong gawin para kay Mama.

Upang mawala ang kaba ko ay inayos ko ang damit ko at nagretouch na. Nakadress ako ng white pero hapit ito! Kaya litaw na litaw ang kaputian ko at pati na rin ang kurba ng katawan ko!

Inayos ko ang aking buhok at sinuklay ito! Naglagay ako ng lipstick at nagpulbos! Yun lang naman ang kailangan ko dahil ayoko rin ng maraming kolorete sa mukha! Makati kasi!

Sinunod ko ang sinabi ni Divine.

Makalipas ang 30 minutes ay pumasok na ako at natanaw ko agad ang engrandeng party na nasa loob!

Halatang mayaman dahil sa itsura ng pagdiriwang.

Agad akong nagtungo sa guard at ipinakita ang invitation ko. Ibinigay to sakin ni Divine para makapasok ako dito at maisagawa ang plano.

Sa program na 18 roses ay tumayo na ang babaeng celebrant upang maisayaw. Makikita mo sa mukha niya ang saya.

Sorry Ate pero mamaya ay tatanggalin ko ang saya sa mukha. At sana mapatawad mo ako. Kailangan ko kasing gawin to.

Nagtagal ng 15 minutes at ang pinakahuling lalaki na ang isasayaw niya at ang alam ko ay siya ang boyfriend ng babae ayon na din sa kwento ni Divine! At sisimulan ko na ang trabaho ko.

Nang makalapit ang lalaki sa babae ay agad nitong ibinigay ang rose at hinapit ang bewang at isinayaw ito at dun na ako naglakad pa gitna.

"RAVEN"-malakas na sigaw ko.

Lahat ng atensyon ay nasa akin. At mas nadagdagan ang kaba ko.

"Who are you miss?"-tanong ng lalaking nagngangalang Flake.

"NAGMAMAANG MAANGAN KA PA! LETSE KA! BINUNTIS MO AKO TAPOS TATAKBUHAN MO AKO? ABAT PANAGUTAN MO AKO!"- sigaw ko dito at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Look miss! Baka nagkakamali kalang! Hindi nga kita kilala tapos mabubuntis pa kita? Fu*k"-sigaw nito.

"NGAYON IKAKA-ILA MO AKO! FU*CKBOY ka pala! KUNG AYAW MO AKONG PANAGUTAN, EDI WAG! LETSE KA! PAGKATAPOS MO AKONG GALAWIN, IIWAN MO NALANG AKO"- matapos kong sabihin yon ay umalis na ako ate agad nagtago.

Shet! Tapos na! Nagawa ko na!

Makalipas ang 10 minutes ay sumunod sakin si Divine.

"Very good girl! Galing mong umacting! Thanks! Here's the money!"-pumapalakpak siya sabay lahad sakin ng 50 thousand! "Bye" -paalam niya.

Eto lang naman ang gagawin ko. At meron na akong pera pampagamot kay Mama.

Raven's POV

Nang maka-alis ang babae ay agad king hinarap si Celine na umiiyak.

"Look hon! Hindi ko kilala yun! Belie-"- mahinto ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin.

"How dare you! Break na tayo! Wag ka ng magpapakita sakin! I HATE YOU"- sigaw ni Celine at pinaghahampas sakin ang roses na hawak niya!

"Hon believe me! Please"-nagmamakaawa kong wika.

Sinalo ko lahat ng hampas niya!

"Shut up! You ruined my birthday! I hate you"- pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Agad akong hinarap ni Ate Divine.

"Leave Raven! Don't you ever come back here! Leave"-pagpapa-alis niya sakin at dahil dun ay napilitan akong umalis.

Peste kang babae ka! Sinira mo lahat!

Ni hindi ko alam kung saan siya nanggaling!

Wag na wag kang magpapakita sakin kung hindi mapapatay kita! Believe me! Mapapatay kita!

That Thing Called "LOVE" Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt