Simula

61 6 1
                                        

Simula

"Klare! Pupunta ka ba sa reunion?" Tanong sa'kin ni Erin.

Napaisip ako. Should I go?

"Kailan ba?" Pabalik kong tanong sakanya nang 'di siya tinitignan.

"Sa makalawa ata. Pupunta ako, sama kana ha?" Sabi niya na parang kinukumbinsi pa ako.

"Eh paano si..."

"Sina tita Helena na bahala diyan! Isang gabi lang naman, Klare!" Tunog pangungumbinsi padin siya kaya napangisi ako.

"Oo na, oo na. Baka umiyak ka pa, lagot ako kay Hendrix." Sabi ko kaya nag tawanan kami.

Kaya naman sa sumunod na araw, pinapunta ako ni Erin sakanila. Nagyaya siya na mamili na kami ng damit pero humindi ako. Reunion lang naman, so why bother diba? Natatawa nalang ako sa pag angal niya. Parang bata, walang pinag bago.

"Dali na! Let's go shopping. It's been what? 8 or 9 years na! Kaya dapat mag paganda tayo pag nakita tayo ng highschool friends natin!" Pagpipilit ni Erin na parang bata.

"Look, Erin. I don't get you. You already have Hendrix, kaya bakit ka pa magpapaganda?"

"Okay! Fine, you win!" She sighed in defeat. "We won't go shopping, but help me choose what to wear!"

"Still can't choose your own clothes to wear? Old habits die hard, huh?" Tinawanan ko siya pero inisnob lamang niya ako.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin, hinihintay si Erin. Sabay na daw kami pumunta sa reunion. I'm wearing a royal blue grecian dress, paired with white stilletos and white sling bag. Wag na daw kami magpahatid sa boys. Ang tagal ko ng nag aantay, wala pa din siya. Nagtagal nanaman siguro yon sa pag memake up.

"Wala pa siya? Hmm?"

Napalingon ako sa nag salita. Nginitian ko siya at umiling.

"Ayaw mo sumabay sa'kin?" Tanong niya.

"As much as i want to pero kilala mo si Erin." Tumawa naman siya sa sagot ko.

"Okay, mauuna na ako." At hinalikan niya ako sa noo.

Mga ilang minuto na nakalipas nang naka alis siya. Tinignan ko ang aking relos. Erin should be here at exactly 4pm dahil 5 ang simula nung reunion pero almost 4 na. Napabuntong hininga nalang ako.

Bigla akong napangiti nang may naalala ko. Yung classmates ko nung highschool, yung block mates ko nung college. Gahd, I miss them. Pero ang pinaka naalala ko is the person who made my highschool life great.

"Narinig niyo na ba yung usap usapan? May transferee daw! Sana gwapo!" Sabi ko sa mga kaibigan ko pero mukhang napalakas ata boses ko kaya parang bang nag aanunsiyo ako sa buong klase.

"Ano ngayon, Klare?" Sabat ni Matt.

"Duh! I'm not talking to you!" Sabi ko sabay dila sakanya kaya nag tawanan ang buong klase. Napailing na lamang si Matt sa inasal ko.

Nagpatuloy naman akong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ko nang may basta basta nalang pumasok at umupo dun sa dulong bakanteng upuan, kaya nanahimik ang buong klase.

Kasabay nang pag pasok ng aming guro kaya nagsi-ayusan na kami at nagsibalikan na sa kanya kanyang pwesto habang ako ay pumunta sa tabi ng transferee. Dahil don ang pwesto ko.

"Okay, class. I came here to introduce to you guys, your new classmate. Come here, Mister and introduce yourself." Anang aming guro kaya tumayo naman yung transferee at pumunta sa harapan.

Nung nasa harapan na siya ako nagkaroon ng oras para tignan siya. Ang kanyang buhok ay magulo but it still suits him. His eyes were more defined because of his eyebrows that are on fleek. Matangos din ang kanyang ilong. Napatingin naman ako sa kanyang labi na mapula at mukhang malambot. Ano ba naman yan, Klare! Tsaka bat parang kamukha niya sina Kuya Knoxx? Well, maybe I'm just overthinking.

CicatrixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon