Franrime's point of view.
7 years old.
"Mommy,mommy tara na po sa park. Excited na po ako maglaro." Sabi ko kay Mommy habang tumatalon. "Sige anak maghintay ka lang at maya-maya ay aalis na tayo." Sabi sakin ni Mommy at kiniss ako sa pisngi.
Park.
Nakaupo kami ni Mommy dito sa may upuan na mahaba katabi ng isang malaking puno.
Ang ganda ganda dito! Hihi. "Anak maglaro ka lang muna jan ha. Makikipagusap lang ako sa kaibigan ko." Sabi sakin ni Mommy. "Sige po Mommy! Makakapaglaro na ako yehey!" Ansaya ko!Makakapaglaro na ko!
Naglakad lang ako ng naglakad at umikot ikot lang dito sa park.Ang ganda kasi eh! Hihi. Habang naglalakad ako,napansin ko na kokonti na lang ang tao.
Nagmasid ako sa paligid at hindi ko na makita si Mommy.
Hinahanap ko si Mommy pero di ko talaga makita.
"Mommy!" Sigaw ko habang umiiyak. Di ko alam kung nasan ako. Umupo na lang ako sa damuhan at umiyak.
Naramdaman ko na may biglang humawak sa braso ko.
"Bata bakit ka umiiyak?" Tanong sakin ng isang batang lalaki.Maputi sya,gwapo at medyo kulot ang buhok.
"Nawawala kasi ako.Di ko makita si Mommy." Sabi ko sa kanya habang umiiyak parin. "Wag ka nang umiyak.Tara." Sabi nya sakin sabay ngiti.
"S-san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Basta." Sabi nya sakin at hinawakan ang kamay ko.
Naglakad nalang kami at may nakitang nagtitinda ng ice cream. "Tara,ice cream tayo!" Sabi nya sakin at hinila ako. "Manong,manong pabili nga pong ice cream." Sabi nya kay Manong naga-ice cream.
"Ilan ba 'nak?" Tanong ni Manong. "Dalwa lang po Manong." Sabi naman nitong batang gwapo.
Kumain lang kami ng ice cream ni batang gwapo at nagkwentuhan.Mabait siya. Sobra. "Tara,bata laro tayo." Sabi sakin ng batang gwapo.
"Sige,tara." At ayun na nga.Naglaro kami. Naalala ko si Mommy. Siguro nagaalala na yun.Hala nasan na si Mommy? Huhuhu.
Teka,ano nga bang pangalan nito? "Bata,anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya.
"Ako si--" Napatigil siya sa pagsasalita dahil sa tawag ng Mommy ko. "Anak! Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Mommy sakin at niyakap ako.
"Sige bata aalis na ako.Nice to meet you!" Sabi sakin ng batang gwapo at tumakbo na.Napansin kong mayroong nahulog sa kanya. Isang larawan. Siya yung nandito sa picture.
Tinawag ko siya ngunit di na siya lumingon. "Ano yan anak?" Tanong sakin ni Mommy. "Picture po Mommy. Naiwan po nung bata. Ang gwapo nga po niya dito eh."
"Nako anak.Haha.Tara na nga uwi na tayo."
Hays.Gwapong bata. Sana magkita ulit tayo.
BINABASA MO ANG
It All Started with a Project
General FictionThe G-A-S and the three girls. So what's the plan?
