CHAPTER 7: Worried?

Start from the beginning
                                    

Dumiretso nalang kami sa classroom. Maaga yata kami ngayon kasi wala pa yung dalawang BOSS namin. First time kong matalo sa isang pustahan. At first time kong maging SLAVE sa dalawang babae. Nasanay akong laging ako yung Nag-uutos, pero mukhang ako ang uutusan ngayon.

Nandiyan na yung teacher namin pero wala pa yung dalawang boss namin.

“Ang tagal naman nila.”-bulong ko sa sarili ko.

10 minutes later….

Dumating na si Venisse, pero hindi niya yata kasama si Craise. Magsasalita na sana si Ma’am ng unahan siya ni Venisse. Akala ko nga babarahin niya eh, pero hindi.

“I’m sorry ma’am I’m late, nahuli lang po ng gising.”-Venisse. Atsaka na siya dumiretso sa upuan niya.

Ang tamlay ata nito ngayon. Parang hindi ako sanay. Umupo na siya atsaka yumuko sa upuan niya. Ni hindi man lang ako tiningnan. Nakita ko naman si Kats at Lester, sinesenyasan ako. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Maya-maya konti dumating din si Craise.

“Ms. Montes, bakit late ka rin?”-Ms. Dela Cruz.

“Ah… eh kasi ma’am…”- Craise

 

Biglang nag-angat ng paningin si Venisse. At dinipensahan si Craise.

 

 

“She’s with me Ms. NagCR lang po siya kaya nahuli siya.”-Vens

“Oh… Sige na, you may seat.” -Ms. Dela Cruz.

Pagkaupo ni Craise, binulungan niya si Venisse. Tapos yumuko na naman si Venisse. Anong nangyayari sa babaeng ito? May nakain ba to na nakapagpasama… I mean nagpabuti sa kanya? Haha… Hindi ko nalang siya pinansin at naglaro nalang ako sa phone ko. Napansin ko namang may itinanong si Dixon kay Craise. Si Dix talaga, pasimple pa… Ipinagpatuloy ko lang ang paglalaro ng biglang magsalita si Venisse. Napahinto tuloy ako sa paglalaro.

“Craise, pwede bang ipagpaalam mo ako kay Ms? Pupunta lang akong clinic.”-Venisse

“Ha? Bakit? Gusto mo samahan kita?”-Craise

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now