CHAPTER TWO (Part 1)

784 20 0
                                    



SA MURANG gulang, lutang na ang  pagiging artistiko ni Vietrez de Ocampo. Bilsang kaisa-isang anak ng may simpleng pamumuhay na mag-asawa, pinasaya niya ang magulang sa pamamagitan ng kanyang mga imaginative drawings from the moment she could hold a crayon.

Ang kanyang ama, kawani ng GSIS, at ina na isang public school teacher, ay lubos ang pagsuporta sa inclinations niya. Sa halip na bigyan siya ng mga manyika at iba pang mga laruan, her parents gave her sets of pastels, oil paints, sable paintbrushes, sophisticated pens, easels and light tables.

She admired the Impressionists at nakakapagpinta siya ng kamangha-manghang landscapes, pero nang sumapit siya sa edad na trese, natuklasan niyang nakakiling sa pagdi-disenyo ng damit ang kanyang hilig.

At fifteen, she drew her first few lines of dresses and gowns. Gusto niyang sopresahin ang kayang ina kaya minsan, gumawa siya ng isang Filipiniana gown; naglamay siya sa paggawa ng pattern, at sa isang gabi ay pinagpuyatan niyang tahini iyon hanggang sa mabuo.

Very proud sa kanya ang ina at isinuot nito ang gown sa pagdalo nito – na noon ay nagkataong emcee – sa Independence Day celebration sa eskuwelahan.

Pero minsan, sometime in her last year in high school, nawala sa kanya ang hilig na iyon. Natuklasan din niya kasi sa sarili ang talent bilang isang poet. May crush kasi siya, kaya lang ay hindi siya nito pinapansin. Iyong damdamin niya, isang gabi, ay naibuhos niya sa pagsusulat. Kinabukasan, nakakagulat ang kabuuan ng isang tula na nagawa niya.

Dalawang taon niyang pinaniwala ang sarili na isinilang siya bilang isang kompositor ng panitikan. Ngunit pagkalipas ng madudugong verses na isinumite niya sa Liwayway, pagaraan ng paulit-ulit na rejections, she returned to her love – designing.

Sa kolehiyo sa UP, pumasok siya bilang isang Liberal Arts student, major in Art History. For a while, ginusto niya ring magturo kaya ng kanyang ina. Malayo sa isipan niya ang ideya na gumawa ng maraming kwarta our of her designs. Actually, hindi niya alam na humahakol pala ng salapi ang pagiging designer.

Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo nang magbago ang nyang buhay. Ang kanyang mga magulang ay sabay na nasawi sa isang vehicular accident sa EDSA.

She was devastated. All her life parents had been there for her to lean on; pagkatapos, sa isang kisapmata ay ganoon na lang nawala ang mga ito. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, mag-isa siya. Tuliro. At sa unang pagkakataon din, naisip niyang para mabuhay ay kailangan niyang gumawa ng paraan, kumita, kaysa abalahin niya ang sarili sa pagdo-drawing na noon ay iniisip niyang para lamang sa kanyang self- satisfaction.

Pero hindi niya alam ang kanyang gagawin upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Naglaho na ang interes niya sa pagpapayabong ng kanyang talento sa sining. Iniisip niyang tama ang kanyang mga nababasa at naririnig. Artists seldom made a living – and making a living ang bigla ay naging pinakaimportante sa kanya.

Ang kaibigan niyang si Judy ang naging gabay niya. Si Judy, a Visayan girl, a campus darling dahil sa taglay nitong kalokohan, was indeed her friend. Ni hindi siya nagdalawang-salita rito; iniwan nito ang dormitoryong tinutuluyan at sinamahan siya sa kanyang pag-iisa sa bahay.

Dahil Art History ang major niya, buo sa akala ng kanyang kaibigan na ang layunin niya ay maging isang dakilang mananaliksik ng sining, at maging isang propesora pagdating ng araw. Hindi nito alam na may talent siya sa pagdi-disenyo – na hindi naman niya ipinaalam talaga rito.

Isang hapon, inabutan siya nito sa salas. Nakakalat ang kanyang mga disenyo sa sahig. Ang ilan ay niri-revise niya at isinusunod sa uso.

Walang salitang dumampot ito ng isang drawing habang nauupo sa sofa. Nakangiting napatingin siya rito.

"My hobby, designing clothes," aniya. "Kapag walang klase at walang ginagawa, ang mga 'yan ang pinagkakaabalahan ko."

Mula sa pagkakaupo, napaluhod sa carpeted na sahig ang kanyang kaibigan. Isa-isa nitong dinampot, tiningnan ang mga sketches na nakakalat.

"Beautiful!" bulalas nito mayamaya. "Darling, original, fabulous."

"They're just my little fantasies, Judy –"

"My God, Vietrez! You've been thinking about money, about means of survival, and here you are, sitting on a goldmine!"

"what are you talking about?"

Pahagilap nitong dinampot ang ilang sketches. "These. Malaking pera sa bangko ang ibig sabihin ng mga ito."

Lalong nalukot ang kanyang noo. "These drawings?"

"Gagah! They aren't just drawings. Mga original designs ang mga ito, Vie. Do you have any idea how much money there is in high fashion, amiga? Limpak-limpak! Milyones de pesos. We're talking about Porches and Ferraris and Forbes Park here."

Tumawa siya. "You"re dreaming," malakas na bulalas niya. "sino ang magbabayad ng malaking halaga para sa mga drawings na iyan?"

Nakita niyang parang gusto siyang sampalin ni Judy.

"Stupid, stupid," napapalatak na sabi nito. "Marami ang magkakandarapa para sa mga disenyong ito."

"Naku, Judy, gumising ka! Huwag kang padala sa maliliit na pantasya kong ito."

Pero hindi sumuko si Judy.

INSEPARABLE 1: Thunder From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon