Chapter 1: Campus Prince

180K 2K 93
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng mapansin kong andaming estudyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board… hmm.. ano kayang meron dun?

Lalapit na sana ako sa may bulletin nang makita kong nagsisitinginan ung mga students sa ken… Hala?! Ano kayang meron sa akin? May dumi kaya ako sa mukha o may mali ba sa pagkaka ayos ng buhok ko o mukha akong bagong gising o improper uniform ako o naka post yung picture ko na mukha akong tanga? Wahhh! Wag naman sana…

“Excuse me… bakit niyo ako tinitignan?” O_O Sabi ko.

“Tignan mo nalang yung Bulletin board Campus Prince…. :>” Reply ng isang girl, na mukhang kinikilig pa..

Tinignan ko naman yung bulletin… Laking gulat ko nung makita ko yung picture ko na naka formal pose tapos sa ilalim may nakalagay na ‘For this quarter Mr. Nate Reyes have been Top 1 on the Dean’s List’…

Wew… Akala ko kung ano… Nasa Dean’s List ulit ako!

Ay! Oo nga pala, di ko pa napapakilala sa inyo yung sarili ko… Ako nga pala si Nate Reyes, 2nd year college, taking tourism at binansagan ng school na ‘to na… “Campus Prince” bakit? Ako daw kase yung tipo ng lalaki na matalino, mabait, tahimik minsan, pogi at varsity ng basketball…  Pero aaminin ko totoo naman eh.. xD

Pero bakit ganun?

Hindi yun mapansin ng babaeng gusto ko?

My Campus GirlWhere stories live. Discover now