Ako si Anna, boyfriend ko na si Darren, sinagot ko siya matapos niya akong ligawan. Matagal ko na siyang gusto kaso nahihiya akong malaman niya, buti gusto niya ako't linigawan niya.
Ako si Darren, kakasagot palang sa akin ni Anna matapos ko siyang ligawan. Matagal ko nang mahal si Anna pero tila'y ngayon lang ako tinamaan ng katapangan at lakas ng loob.
Madalas matagpuan ang dalawang magkasama, sweet na sweet sa isa't-isa na tila'y walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila pero ngayong linggo'y panandalian muna nila itong ititigil at isasantabi ang nadarama sa isa't-isa para sa ikakatagumpay ng darating na School Program sa Friday.
Huwebes,ilang araw nang hindi nagkikita ang dalawa dahil sa pagiging busy nila sa sari-sariling presentation nila kaso hindi na mapigilan ni Anna ang pusong umiibig kaya nagpasya siyang pumunta kanila Darren pero laking gulat nito ng makitang may kasama itong iba at ang cheezy pa.
Pupuntahan ko na talaga siya ngayon pero nakita ko siyang may kasamang iba at tila'y nag-eenjoy sila sa each other's company. Ang sakit-sakit pala non kaso ang tanga-tanga ko kasi mas pinili kong hayaan sila.
Nakita ni Darren si Anna na palabas ng room, tinawag niya ito pero ng lumingon siya ay laking gulat nito ng makita niya ang mukha ni Anna, malungkot.
Hey, anong nangyari?
Ayoko ko na, hindi ko na kaya to.
Agad umalis si Anna patakbong lumayo sa kanya, umiiyak habang si Darren nama'y naiwan at hindi makapaniwala sa narinig.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ano kaya ang ibig sabihin ng katagang, "Ayoko ko na, hindi ko na kaya to" na nag-eecho pa rin puso't isipan ko. Parang ang bilis ng mga pangyayari, parang nung isang araw lang ang saya-saya namin, ang hirap naman yatang tanggapin na nangyayari na ito agad.
Ilang beses ring tinangkang kausapin ni Darren si Anna para mag-explain pero tila'y wala itong naririnig.
Kinabukasan (Biyernes), School Program, pawang nandoon ang dalawa para manuod at magpalabas ng presentation nila na siyang pinagkakaabalahan ng lahat nitong mga nakalipas na araw.
Matapos magpresent ng grupo ni Anna ay mas pinili na niyang umuwi dahil sa kaguran kesa ipagpatuloy ang program kung saan si Darren na ang susunod.
Uuwi na ako maya-maya, pagod na pagod na kasi ako eh, it's been a long and tough week for all of us, we need a rest. . .pero pagod nga lang ba talaga ako o talagang ayaw ko lang makita't mapanuod si Darren? Ayaw ko lang bang masaktan?
Kakatapos palang ng presentation nila Anna, ang galing niya't ang ganda, sana mapanuod niya ako, ang aking solo performance dahil may importanteng mensahe akong gustong iparating sa kanya, ang pinakamamahal kong Anna.
Palabas na sana si Anna ng auditorium ng may biglang nagsalita sa microphone na familiar ang boses.
Anna, sorry sa nagawa kong kasalanan, nagkakamali ka sa akala mo, kaibigan lang ang turing ko don sa kasama ko, sana wag ka nang magselos at magalit sa akin, itong kantang to ay para sayo.
"I cannot hide this feelings anyomore,
Inside the words I need to say
Ever since you came and
Walk into my life,
There has been a reason
For me to go on
Cause the greatest story love
Has ever told is
About to be known"
Habang kumakanta si Darren ay hindi na mapigilan ni Anna ang kanyang emosyon kaya pinili niya nang bumalik so loob para makita't mapanuod si Darren.
Tuwang-tuwa si Darren ng makita niya si Anna na umiiyak pero alam niyang batid nito ang kasiyahang nadarama kaya naman iniabot ni Darren ang kanyang kamay kay Anna.
Hindi na ako magpapakamartir, aabutin ko ang kamay niya and i'll admit may mistake, hindi ko na pipigilan ang feelings ko para sa kanya.
Agad inabot ni Anna ang kamay ni Darren, sabay yakap ng mahigpit. Matapos ang kanta'y saglit silang nag-usap.
Sorry ha!!! >.<
Ok lang yon, lahat naman ng relationships may ganitong pagsubok na dumadating right? Pero sana, sa bawat pagsubok na darating ay lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ko't wala nang iba.
Laking gulat ng dalawa ng biglang makarinig na masigabong palakpakan at hiyawan mula sa mga audience na hindi maiipagkakailang kinilig din sa mga pangyayari, hindi kasi napansin ng dalawa na nasa stage pa rin sila't hindi pa rin nasasara ang curtains. Walang na ring nagawa ang dalawa tungkol don kaya tinawanan nalang nila ito kahit nahihiya.
Darren, ang ganda pala boses mo.
Gusto kumanta na ako lagi?
Pwede ba?
Oo naman basta para sayo kakanta ako kahit mapaos na ako.
Sige ba.
Parehong masaya ang dalawa noong araw na iyon, ang SCHOOL PROGRAM na nagparealize sa kanila na: "Nothing can stop two people from LOVING each other"
