“Sure dad. Thank you… I love you, dad!” Hinalikan ko na ito sa pisngi, Tatakbo na sana ako palabas when my mom's call stopped me.

“Wait… nakalimutan mo na yata ako, Baby. Where’s my kiss?” tila nagtatampong sabi ni mama.

I gave her a kiss on her cheeks. Pagkatapos ay muling tumakbo palabas ng mansyon namin. I told you, I love exaggerating things.

“Be good!” pahabol na sigaw ni Daddy.

*AT SCHOOL*

  

“Pano nga po nabuo ang Pilipinas?” tanong ko sa History professor namin.

“Ang layo naman ng tanong mo sa topic natin ngayon,” sagot ng teacher.

“Pero Ms. Hindi ko pa kasi alam e.” kinukulit ko na naman ang teacher namin.

 “Marami kasing mga alamat na ginawa kung paano nabuo ang Pilipinas, isa na rito ang alamat ng mag-asawang higante. Noong unang panahon daw ang Pilipinas ay isa lamang mahabang kapuluan, dahil sa dalawang mag-asawang higante ay nagkahiwawalay ito na naging mga pulo.” pagkukwento ng teacher.

“Eh, paano naman naghiwahiwalay? Anong ginawa ng mga higante?” tanong ko. Sa ngayon, pareho na kaming nakatayo ni Ms.

“Nag-away daw ang mga ito dahil meron silang hindi napagkasunduan.” 

“Ano naman kaya iyon?” tanong ko ulit.

“Hindi kasi nila alam kung paano nila hahatiin ang kayamanan nila.”

“Saan naman po nila nakuha ang kayamanan na iyon?”

“Nanguha sila ng mga kabibe at nakakita sila ng perlas. Kaya kumuha pa sila ng maraming kabibe at hindi nagtagal dumami ang mga perlas na hawak nila.” sagot ni Miss.

“Ahh. Tapos po?”

“Iyon ang kanilang pinag-awayan, dahil nga malalaki sila, bawat padyak nila sa kanilang mga paa nang dahil sa galit ay yumayanig ang mga lupa, at doon na nahati-hati ang mga kapuluan ng Pilipinas.” kwento pa ni Ms.

“Ahhh…Ganon pala. Kaya dapat 'wag natin galitin ang mga higante. Diba Miss?”

“Oo.” tipid  na sagot nito.

“Kaya class, h'wag niyong gagalitin si Ralph baka tuluyan ng gumuho ang mundo.” biro ko sa kaklasi naming mataba.

“HAHAHAHAHA!” tawanan naman ng mga kaklasi ko.

  

“Quiet na class.” saway ng natatawa naming guro.

 

“Hindi kasama sa lesson natin ang alamat ng pilipinas. Kaya balik tayo sa ating lesson for today----" 

*KRIIINNNGGG*  That was our school bell.

“Hi Ma’am. Good day po.” Pagpapaalam ko sa teacher namin.

Talagang sinadya kong ibahin ang lesson namin, boring kasi nun eh. 

“Nice one…Kath! Hahaha. Funny ka talaga!” puri ng kaklasi ko.

“Excuse me, but do I know you?” Mataray na tanong ko sito. Wala lang! Trip ko lang.

CRAZY LOVE STORY (KathNiel) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon