To the one who started the word hai...
Dear Kapatid,
Hai! ^^
Namiss kita! Kahit na kakasimula pa lang ng summer vacay. Totoo yun wag ka! Diba sinabi mo pag namiss kita basahin ko yung sinulat mo sa likod ng diary ko? Binasa ko yun. Grabe yung pinagsusulat mo dun ah.
May hai-ed, musta-ed, jelly fish-ssi, clerk, pugo at kung ano-ano pa. HAHAHA tawa nga ako ng tawa habang binabasa yun eh. Kung ano-ano kasing mga salita ang nagagawa natin.
Hai
Nanness
Clerk
Ano pa ba???
HAHAHA...naaalala mo pa ba yung mga araw na takot na takot tayo sa cr? Sumisigaw at kumakanta pa nga tayo nun ng E X O we are E X O. May nakita kasi tayong vandal nun sa pinto ng cr nakalagay EXO tas may narinig tayong parang mga yabag.
Nagsisiksikan nga tayo nun sa isang side eh kahit na kasya tayong dalawa sa isang cubicle. Sa sobrang takot at ka oeyan natin, hindi natin alam kung sisigaw tayo sa takot o tatawa dahil narerealize natin na mukha tayong mga ewan at t@ng@.
At paglabas natin tawa tayo ng tawa kaya pinagtitinginan tayo ng mga tao sa labas. Hanggang sa pag-akyat natin at makaabot na tayo ng classroom tawa pa rin tayo ng tawa.
Sinisisi mo pa nga ako na ng dahil sa akin, ngayong grade 8 na tayo naexposed na ang mukha mo dahil cr tayo ng cr. Lalo na sa katabi natin na grade 7.
Sabi mo tahimik buhay mo nung grade 7 pero ngayong grade 8 hindi na dahil nakilala mo ko T_T. Ang sakit ah! Pero luv pa rin kita kapatid! As a friend! And as a kapatid!
Yung unang beses tayong nagusap eh dahil nagbebenta ako ng pastry at nung may ginawang group activity. Naging close tayo dahil lagi tayong pinapaalis sa totoo natin na upuan. Mga pabo yung mga yun eh! -_-
Tinanong mo pa nga ako kung san ko binili yung exo at bts na bolar. Sabi ko sa divisoria 50 pesos lang LOL. At mula nun dun na tayo naging magkaibigan.
Alam mo bang tiniis ko lahat ng pinaggagawa mo sa akin?! Maglalabas lang muna ako ng sama ng loob sayo hahaha jooookeee.....
Minsan pag nagsusulat tayo sa A.S., babanggain mo braso ko tas magsusulat ka sa AS ko o kaya sa intermediate pad ng kung ano-ano. Sasabihin mo last na to, last na pero inuulit mo pa rin -_-.
Susulatan mo din ako sa braso at kamay at sasabihin "teka lagyan natin ng smiley. Isa lang naman eh," tapos sasabihin ko paganti lalayo ka sakin at dadagdagan pa sulat sa katawan ko.
Tapos pag seryoso ang lahat at gumagawa ng mga activity guguluhin mo ko tas tatanungin ako ng
"nakakainis ba ako? Hahahaha"
"Sa tingin mo?"
"Oo"
"Oh buti alam mo"
Tas tatawa ka nalang bigla. Minsan naisip ko mas malala ka pala sa akin. Mas malala din kay pugo/madamot/secret hahahaha!
Bigla mo nalang din ako susuntukin at papaluin. Tapos sasabihin mo "patry nga. Suntukin kita sa mukha" tas tatawa nalang tayo parehas.
Yung time na nag-aaral tayo para sa exam ang ending nakatingin tayo at nanstastalk tayo ng mga smnary hahahaha. Nahiya pang ibuo eh no?
Tapos sasabihin natin magseryoso na tayo, iba naman ang ginawa natin. Nagusap tayo tungkol sa pagkain....haaaayyyyy......hingal na hingal tayo nun nung nanstastalk tayo. Pinagpapawisan din tayo.
Pag hindi naman natin sila hinanap o stinalk sila mismo ang magpapakita. Tapos nung time na parang nacorner nila tayo eh ang gusto lang naman natin eh makapagaral sa library....isang himala at buhay pa tayo.
Nung intrams dun lang tayo nanood ng basketball. Dahil lang naman sa kanila yun eh hahaha. Nalungkot nga tayo dahil hindi natin nakita maglaro yung iba kasi iba sports nila katulad ni ganda.
Pinicturan nga natin sila eh hahahaha! Pati si senpai nung nasa library habang mahimbing siyang natutulog at yakap niya yung neck pillow - pillow neck niya na baymax na 174 pesos lang ba yun? Binili niya sa imart! Hahahahaha
Tapos nung first time natin sila nakitang mag PE!!! WAAAAHHHHH nahuli nila tayo nuuuuuuun....tas binilisan pa nga natin yung pagkain natin para lang makanood ulit pero nung paglabas *insert basag effect* wala na tapos na silaaaaa.
Pero nakita natin si senpai!!!!
Tinaas niya yung white t-shirt niyaaaa!!!!
WALANG ABS!!!
BWAHAHAHAHAHAHAHA!!! Ang laki pa nga nung tiyan niya ng konti hahahahaha grabeeeeee!
Tayo nga lang ang natatangi nilang stalker at may KONTING crush sa kanila na binabash din sila LOL. Pero ilang beses na nila tayong nakita at nahuli eh. So kilala na nila tayo pero sa mukha lang.
Favorite nating araw sa week eh Wednesday dahil Library Time na kasabay natin silang maglibrary nun. Isang beses nga ang laswa nga tignan ni senpai nun eh. Parang nangaakit na ewan....eeewww....
Tapos nagtatawanan tayo sa may shelves tinignan niya tayo!!!
Tapos tayo nakipagtitigan sa kanya!!!
WAAAAAHHHHH
Hanggang sa makaalis tayo dun nakatingin pa rin siya sa atin.....yung feeeeeeeelllllllllsssssss kooooooooooooo............
Kumanta nga lang ako ng I got a boy tinignan ako na para akong nasisiraan ng ulo. Palibhasa hindi niya yun alam! Dapat pala nung isang beses nung nakasalubong natin siya nung palabas tayo ng library, binangga ko siya habang nagrurubix cube siya.
Ang bango din niya no? Hahahaha stalker talaga tayo eh. Sabi mo pa nga kaamoy ni senpai si gitara dahil parehas sila ng pabango. Jusko! Baka maggraduate tayo bilang professional stalkers hahaha.
Tapos nakilala natin si BUNNY~!!! Tsaka yung dalawang mark bwahahaha!
Sige ito lang muna ang masasabi ko. Aalahanin ko pa yung iba hahahaha! Byeee muna kapatid!
xoxo,
M
YOU ARE READING
Dear Kapatid
Random- Nakakainis ba ako? Hahaha - Hai! ^^ Dedicated to 'Kapatid' Plagiarism is a crime
