Napalunok na ako para pigilan ang paghikbi. Sobrang bait talaga ni ate, at nakukunsesya na ako sa ginawa ko.pero-- wala na. Nasaktan ko na s'ya. Lumingon ako kay Franco. Nakikipag-usap na s'ya sa mga tao doon.

"Dad, I'm sorry po. Sobrang mahal na mahal ko si Franco." Diretso kong saad kay Daddy. Nakita ko ang pagbuntong hininga nito. "I---I'm sorry." Ulit ko dito sabay yuko.

"Just be happy anak." Saad ni daddy, sabay haplos sa buhok ko. " All I want is your happiness Cassandra. You are my daughter." Anas pa nito. "Pumunta kana kay Franco. Mamaya Iaannounce natin ang kasal n'yo." Wika nito bago muling tapikin ang balikat ko. Tumango naman ako at humakbang palayo. Hindi nagsalita si Mommy. Napabuntong hininga lamang ito at naunang tumalikod sa akin~ walang iniwang salita.

Nang mahagilap ko si Franco, ay kaagad kong kumapit sa braso n'ya. Naramdaman ko ang palihim n'yang pagpiksi ngunit isinawalang bahala ko iyon.

"Hi." Bati ko sa kausap n'yang babae na sa tantya ko ay nasa late twenty's. Napako ang tingin ng babae sa akin at kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mata.Tiningnan ko pa ang suot nito kulay itim nitong tube gown. Mahaba ang buhok nito na kulay gray. Simple-- mukhang anghel.

"Adela, This is Cassandra my Fiance." Pakilala naman ni Franco. Lumawak ang ngisi ko, ngunit nabura lahat iyon nang tingnan ako pababa noong Adela. Napalunok ako nang muling tumingin ang kanyang mata sa'kin. Dissapointment ang naroon. Gusto ko syang ispatan, ngunit nagsalita itong muli.

"You should teach her how to dress properly, lalo sa mga ganitong okasyon." Anas nito. "By the way, it's nice to meet you Cassandra." Madiin nitong saad sabay talikod.

"Franco." Mariin kong tawag dito. Hinihintay ko kung may sasabihin sya ngunit mataman lang itong nakatingin sa papalayong si Adela habang nakapaskil ang naglalarong ngisi sa kanyang labi.

"Franco.." tawag ko rito nang mas may diin, ngunit bago pa ito lumingon sa akin ay napukaw na ang bulwagan sa pagtikhim ng aking ama. Tiningnan nito ang lahat kasabay nang pag ngiti. Hawak nito sa kaliwang kamay ang wine glass at marahang itinaas.

"Tonight~" He paused and chuckled. "I know everyone here is wondering what this celebration is all about." He looked at my mom and smiled. " My wife and I, also wondered about the turns of events that happened in a small period of time, but I know, unexpected events happened because it is bound to happen." He continues and gently twirls his wine glass. Sa bawat bitaw ng salita ni Daddy sa gitna na iyon ay wala akong naintindihan, ang alam ko lang ay ang tawagin n'yang kaming dalawa ni Franco. Naging mahigpit ang kapit ko sa kanya.

"Relax. You want it right?" Ngisi ni Franco sa'kin bago ako mahinang hatakin pahakbang. Nanginginig sa kaba at takot ang katawan ko nang magsimula na kaming humakbang. Bawat lingon ko ay nakikita ko ang pag-iling ng bawat bisita habang nakapaskil ang kanilang mga dissapointed looks na kanina ko pa napapansin.

Nang makarating kami sa gitna ay mas lalo kong nakita at naipamukha sa akiin na nakakahiya ang ginawa ko. Nagbulungan ang mga tao. Matalim ang kanilang mga tingin.

Tiningnan ko si Franco nang pumalit ito sa pwesto ni Daddy. Nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam ang gagawin, kung kaya't nanahimik nalang ako. Go with the Flow. Matatapos rin naman ito sa isang sandali. Kaya pa. Kayang-kaya pa.

"This night is a special night for the both of us. Cassandra and I. " Lumingon sa akin si Franco. Kumindat pa ito bago tuluyang nagsalita. "Our wedding will happen 2 weeks from now. It's just a simple wedding, but I do hope each one will come. So cheers." Saad nito bago humakbang paatras at hinila ako palayo doon. Wala akong narinig na palakpakan dahil mas nangibabaw ang malakas na bulungan~ Napansin kong hinabol nila kami ng tingin na may pagtataka at ang ilan ay napataas pa ang kilay.

Hatak n'ya lang ako habang tinatahak ang kwarto sa taas. Ngunit bago pa kami makarating roon ay hindi nakaligtas sa akin ang mga titig ni Adela. Marahan itong sumimsim ng alak sa kanyang baso at pagkakuwan ay umiling.

"You happy now?" Mariing saad ni Franco nang marating namin ang kwarto. Poot ang makikita sa kanyang mga mata. Pabalibag nitong isinarado ang pinto. Nakatayo lang ako sa kanyang likuran.

"Ang bilis naman ng wedding natin." Buong tatag kong saad. Binalewala ko ang kanyang sinabi. I won't lose this battle.

"Hindi naman importante ang kasal natin, bakit ko pa patatagalin diba. Konting pirma at seremonya lang ang kailangan." Balewala nitong saad. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Buong lakas akong yumakap sa kanyang likod. Mahipit kong iniyakap ang braso ko sa kanyang bewang. Hindi ko naradaman ang kanyang pagtutol o pagtugon. Nanatili lang kaming ganoon sa aming posisyon.

"I hope your happy now Cassandra. Dahil kapag ikinasal na tayo, hindi mo na mararamdaman kung paano ang maging masaya."

------

CassandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon