Ang Panimula ng Kwento ni Juan Matheus Ibarra ( KABANATA I )

80 10 2
                                        


Choices make us and I believe that love make our choices right. Iyan ang palaging isinasa-isip ni Juan Matheus Ibarra isang mabait at mapagmahal na anak. Lumaki si JM sa isang simpleng pamilya ngunit masaya, punong-puno ng pagmamahal ang kanilang tahanan. Ang kanyang ina ay pilipina at ang ama ay German kung kayat kahit bata pa ito sa kanyang edad parang matanda naman siya sa kanyang itsura na sapat naman ang kapogihan. Sa kanyang buhay elementarya may ipinamamalas na siyang galing, magaling gumuhit at magaling sa matematika. Kung kayat natapos niya ang elementarya bilang valedictorian, nakakuha siya ng maraming awards kabilang na dito ang full scholarship sa private high school. Noong pumasok siya sa high school maganda parin ang ipinapamalas niya sa eskwelahang kanyang pinasukan. Sa eskwelahang ito nakilala niya sina Billy, Jay at Lemuel, naging matalik na barkada niya ang mga ito. 

Nagbibinata na si JM at siyempre hindi niya maiiwasang mabago ang kanyang mga kinikilos. Noong first year palang siya nakilala niya si Stephanie isang junior high school, may gusto siya sa dalaga kaya sinubukan niyang ligawan ito. Pagkalipas ng ilang pagkakataon tila may namumuo nang maganda relasyon sa kanila.

Isang gabi, patulog na itong si JM ng may nakita siya sa kanyang labas ng bintana na parang tao. Binuksan niya ito subrang nagulat siya sapagkat ang nakita niya ay tila isang halimaw, dahil sa kanyang gulat nahimatay siya. Hindi niya inakala na si Stephanie pala iyon, natawa nalang si Steph ng nahimatay si JM at binuhusan pa niya ito ng malamig na tubig para gumising.

Steph; Gumising kana ang duwag mo pala, ang lakas ng loob mong manligaw sa akin tapos ang duwag-duwag mo pala.

JM; Paano naman kasi nakakatakot kaya ang mascara mo tapos gabi pa, at anong ginagawa mo dito? Umakyat ka pa sa aking bintana trespassing iyan ah!

Steph; Itong gandang to ma tre-trespassing? Tumahimik kana nga jan baka may makarinig sayo. Nagpunta ako dito kasi alam ko matutulungan mo ako sa aking gagawin ngayong gabi.

JM; Ha ? ano ba ang iyong gagawin? Gabing-gabi na ah at hindi ako pwedeng lumabas maaga pa ako sa school bukas. Ikaw wala ba kayong klase bukas? Umuwi ka na bukas nalang kita tutulungan sa kung ano ba yang gagawin mo.

Steph; JM don't worry it's just fun, magbihis kana bilisan mo. Tatanggihan mo bang samahan ang nililigawan mo? Ma di-disappoint ako niyan.

JM; hay, ano bayan? Ano ba kasi gagawin natin? Saan ba tayo pupunta? Mapapagalitan ako ni mama pag nalaman niya ito.

Steph; Mapapagalitan ka kung sasabihin mo, tara na nga ang OA-OA mo.

Lumabas sila ng gabing iyon gamit ang kotse ng dad ni Steph, nagulat nalang itong si JM sa pagkat si Steph alam niya ng mag maneho ng kotse. Pumunta sila sa park ng gabing iyon at sa toktok ng isang hill na kung saan tanaw nila ang buong kapaligiran na parang napakaraming bitwin na kumikislap dahil sa mga ilaw ng bawat tahanan. Namangha si JM sa kanyang nakita, nabanggit ni Steph sa kanya na dito siya palagi pumupunta kapag nalulungkot siya.

Sa gabing iyon doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. At dahil doon lumakas ang kompiyansa ng nagbibinata na manligaw sa dalaga kahit batid niyang may boyfriend na nga ito. Medyo naka-epekto ang panliligaw niya dito sa kanyang pag-aaral ngunit ang kanyang mga marka ay pasado naman at medyo mataas-taas. Binibigyan ng nagbibinata ang dalaga ng mga bulaklak at love letters at marespeto namang tinatanggap nito.

My Eternal CompanionStories to obsess over. Discover now