Linggo ngayon.At ito ang pinaka ayaw nyang araw .Paniguradong sasamain na naman ang kanyang katawan oras na sya ay magkamali sa kanyang mga kilos.Isang pagkakamali lamang paniguradong may lilipad ng gamit para tumama sakanya at kung minsan kapag malapit sakanya ang kanyang ama ay babatukan sya nito.O kaya naman pag inabutan sya ng malas ay papasuin sya ng sigarilyo.Kaawa awa,nakakahabag at hindi mo gugustuhing mapunta sakanyang posisyon.Mabuti syang bata,masunuring anak at maalagaing ate sakanyang mga nakababatang kapatid.Sya si Tala Veluz.Maganda ang hubog ng katawan ,hindi malaman ngunit hindi mo ring masasabing isa sya sa mga babaeng may payat na pangangatawan.Hindi mala porselana ang kulay ng balat ngunit bagay ito sa kanyang hubog.Matangos ang ilong,may chinitang mga mata at diretso ang lagpas balikat na buhok.Nag aaral sya sa isang pampublikong paaralan.Mahirap lang sila.Kaya naroon sya,kung dati ay kaya pa nila sa pampribado.Ngayon ay hindi na,lalo nat nadagdagan pa ang kanilang pamilya.Ayaw nya sa paaralang iyon.Pagkat maraming balitang hindi maganda ang lumalabas galing pa mismo sa ibang paaralan.Di umanoy napakarami ng estudyante don na halos hindi na alam kung paano aayusin ang schedule ng mga bata.Walang malinis na pasilidad para sa cafeteria at hindi angkop ang suot ng mga tagapagluto.At kung minsan,may nagrereklamong mga bata dahil sa sakit ng tiyan o kaya naman ay may hibla ng buhok ang kanilang pagkain.Marami pang balita ngunit kung tatapusin natin iyan ay yan nalang sana ang ginawa nating pangunahing paksa sa istoryang ito.Ngunit hindi,kaya magbalik na tayo sa tunay na usapin dito.Matalino si tala ,isa sa mga nagunguna sa kanilang silid kaya maraming humahanga.Likas din sakanya ang pagiging masayahin kaya marami syang kaibigan.Ngunit ang lahat ng ito ay kabaligtaran pag syay nasa kanilang bahay na.Ang totoo ay ayaw nyang umuwi doon.Paniguradong mag aaway lang sila ng kanyang kapatid.At kung minsan umaabot sa sakitan .Nariyang sinusuntok sya sa mukha o kaya namay sa tyan.At may pagkakataong lumalabas ang paghanga nya kay bunak kaya naman susuntukin nya si tala sa likod�.Ngunit bago pa makapagsalita si tala ng mga katagang katulad ng kay bilog ay darating na ang kanyang ina upang syay sermonan.Tatahimik na lamang sya dahil alam nyang may pagkakamali rin syang nagawa at isa pa mahal nya ang kanyang ina.Kahit na madalas sya nitong kagalitan.Natitiis nya ang kanyang kapatid ngunit ang ang kanyang ama ay ibang usapan.Mahirap espelingin ang isang ito kaya tantiyado ang kanyang kilos tuwing sabado at linggo .Ang dalawang araw kasing iyon ay ang pahinga nito sa trabaho.At ang mga araw namang iyon ay ang impyerno ni tala.May pagkakataong naghuhugas sya ng kanilang plato ng biglang nalaglag ang isang baso.Ngunit para sa kanyang ama ay pinagdadabugan sya ng anak kaya binato nya ito kasama ng malutong na mura.Umiyak nalang ang dalagita ng tahimik pagkat baka isipin pa ng ama na nag iinarte na naman sya.May isang pagkakataon pang kakatapos nya lang mamalantsya ay biglang sumigaw ang ama.Napakaburarang bata daw ng anak pagkat hindi marunong ibalik kung saan nakalagay ang plantsya .Sa sobrang pag kainis ay ibinato nya ito sa kanyang anak ng walang pakundangan.Luha na lamang ang nakikita ni tala .Wala syang madinig .Dahil sa tenga nya tumama ang plantsya .Hindi nya alam ang gagawin.Nangangamba na sya.Hagulgol na ang kanyang ginagawa.Natatakot syang baka sa lakas ng pagkakabato ay naapektuhan ang pandinig nya."Papa,hindi ako makarinig!Papa hindi ako makarinig!Anong gagawin ko?"paulit ulit nyang winiwika sa sobrang pangamba.Ang kanyang ama ay nangangamba na rin at hindi alam ang gagawin.Hindi dahil wala nabibingi ang anak ngunit alam nyang gagastos na naman sya.Ni wala nga syang sinahod kaya walang dadalhin sa ospital.Walang talang oobserbahan ng doktor .At walang kalinawang mangyayari sa kanyang kawalan ng pandinigNapakasakit para sa anak ang desisyon ng ama,ngunit patuloy lang syang naging matapang sa buhay nyang iyon At nirespeto ang ama.Makalipas ang ilang araw ay bumalik na sakanya ang pandinig ngunit hindi na tulad ng dati na klaro at malakas.Ng nalaman ng ina ay wala rin itong ginawa dahil wala silang pera.Samantalang ang kapatid ay tila natuwa pa dahil alam nyang makakapagbigay pa ang ina ng pera para sa kanyang league of legends na kinababaliwan .Ngunit sakabila ng lahat ng ito .Hinaharap nya parin ang buhay.Patuloy na minamahal ang ina at ang kanyang pamilya.Naging matapang syang dinggin lahat ng mga salita.Naging matapang na suungin ang pampublikong paaralan kahit ayaw nya roon.Naging matapang na tao para sa lipunan.Maipagyayabang nyang hindi sya isang latak kundi punchingbag ng ama! At kung minsan boxing trainor ng kapatid o kaya namay babysitter ng kanilang bunso.At hindi magpapahuli ang ina na first lady ng kanyang walang kwentang ama.Sa kabila ng lahat ng ito patuloy lamang ang kanyang buhay .Humihinga kahit parang ayaw na nya.Kumakain na sana may lason ang mga iyon para mamatay na lamang sya.Nag aaral ng mabuti para mabusalsal nya sa ngangala ng ama ang diploma.Ngunit ang lahat ng iyon ay sarilng isip ko lamang.Napakabuti nyang tao kaya hindi nya iisipin ang mga ganon.Oo ngat hindi kasing saya ng pamilya nya ang pamilya ng team kramer .O kayay mapapaclap your hands ka tulad ng patalastas ni onyok at mapapasigaw ngYESSSSSS WHOOOO!YESSSSS WHOOOO!at may patili pa .Gagalingan na lang nya at tatapangan ang buhay mga bes�.Para kahit paano alam nyang di sya nag iisa!Sabi nga ni Maxine Medina"We are one,as one nation,we are all together".Ngunit sana ay wag na syang itulad ng ama sa interpreter ng pilipinas na binalewala lang pagkat katulad ni maxine ang ama ni tala ang nagsudgest upang magkaroon sya ng anak.Wala namang pumilit kaya naway wag nyang balewalain ang bata.Na patuloy syang minamahal sa kabila ng pasa,paso,sugat emosyong pananakit na ibinigay ng nya rito.Patuloy lang ang laban sa kabila ng pagsubok at pasang kalbaryo sa buhay!.Dahil matapang sya at siguradong maraming magulang aang naghahangad sa nag iisang katulad nya.Patuloy lamang hanggang makamtan nya ang pagmamahal na matagal na nyang pinapangarap.
YOU ARE READING
"The Strong Girl You'll Always Be Remember"
Short StoryBasahin nyo nalang po,gawa po yan ng kaibigan ko para saken eheheheh. Short story lang po Salamat :)
