Prologue

227 5 1
                                        

Quinn's Pov.

"Anak, nakahanda na ang papeles mo para makalipat kana sa Fornierre University." sabi ni Mama habang naghuhugas ng Pinggan.

Galing kami sa Pampanga at nandito kami ngayon sa Laguna dahil sa business matters. Dito napadestino si Papa kaya naman dito ko na rin ipagpapatuloy ang pag aaral ko. 4th year highschool na ako at last week pa nag umpisa ang klase. Sana lang maging maayos ang lahat.

Ang balita ko ay sikat ang Fornierre University sa lungsod na ito. At sabi nila, puro Elites lang daw ang nakakapasok dun. Buti na nga lang at kakilala ni Papa ang may ari nun kaya nakapasok ako dun. Binigyan kasi nya ng Discount si Papa sa Tuition fee. Kuripot ang tatay ko eh. Imagine? May sariling Fashion Line ang mama ko, tapos CEO si Papa sa Kompanya namin, pero pinipili pa rin nya yung mga may Discounts? Psh.

"Ma. Bakit hindi pa sa Celestial? Dun nag aral si kuya dati diba?" Tanong ko.

"Sinabi ko na rin yan sa Papa at kuya mo. Pero tumanggi ang kuya mo. Hindi ko alam kung bakit" nagkibit balikat nalang ako.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang number ng Bestfriend kong si Aero Soledad. Nagkakilala kami nung pinagtanggol nya ako sa mga namBubully sa akin nung Elementary kami. That time nasa Korea kami at hindi siya marunong magHangul. Mabuti nalang at nalaman kong Pilipino siya kaya nagkakausap kami using the Filipino language

Simula nung insidenteng yun, palagi na syang sumasama sakin dahil baka daw mabully na naman ako. Pero nung first year highschool kami, muntik na akong maaksidente dahil sa mga kaklase ko, buti nalang at dumating sya nun. Sana lang di na maulit yun. Malaki talaga ang utang na loob ko sa lalaking to kahit nakakainis at nakakairitang kasama. Sobrang madaldal kasi. Dinaig pa ang babae. Tsk.

"Bes! Kamusta ka jan?! Sa Fornierre ka daw mag aaral?! Diba sikat daw yun?! Sigurado akong madaming Bullies jan!! Okay ka lang ba dun?! Kaya mo ba?! Ano?! Bakit di ka naimik?!" Sunod sunod na sabi nya kaya medyo nailayo ko sa tenga ko ang speaker ng phone ko.

"Tss. Paano ako makakasagot eh sunod sunod yang tanong mo!" Sabi ko sa kanya.

"Ayt. Haha sorry na." Sabi nya.

I sighed. "Sa totoo lang kinakabahan ako dahil ayoko nang maulit yung nangyari sa akin nung First year tayo. Pero kailangan ko talagang pumasok eh. Okay naman siguro sila" sabi ko.

"Hm. Basta kapag may problema, tawagan mo agad ako okay?" sabi naman nya.

"Psh. Para naman akong bata nito" sabi ko sa kanya.

"Yea yea. Mabuti na yung sigurado" sabi nya.

"Iiwasan ko nalang din na masangkot sa kahit na anong gulo" sagot ko

"Basta kapag may nangyari ha? Tawagan mo agad ako"

"Opo" natatawang sagot ko.

"Oh sige na. I have to go. Take care of yourself okay? Pakikamusta ako kay Tanda"

"Wait! Hanggang kailan ka jan sa States?" Tanong ko pa.

"Di ko pa alam e, kapag pinayagan na ako ni mommy na umalis dito, babye na. May gagawin pa din ako e" Sambit nya bago ibaba ang tawag

Humiga ako sa kama at nagmuni muni. Ang boring. Ano kaya pwedeng gawin?

Agad akong tumayo at nag ayos. Maggagala nalang ako sa mall. And balita ko, may bagong bukas na Pastry shop dun. At balita ko. Masarap daw dun. Pumunta ako sa garage para kunin ang kotse ko. Nagmaneho nako papunta sa mall.

Nasa tapat ako ng pastry shop na bagong bukas dito sa mall. Ang daming tao. Nakakatamad pumila tsk. Sa di kalayuan ay nakakita ako ng Bookstore. Pumasok ako dun at tumingin tingin sa mga libro. Bakit wala pa sila nung new published na libro? Psh.

Kinuha ko ang headset ko sa shoulder bag ko at nilagay sa tenga ko. Finull volume ko din ito. Hanggang sa di inaasahan ay may lalaking nakabangga sakin. Dahilan para matanggal ang kanang headset ko sa tenga ko. Tumingin naman ako sa nakabangga. Aba! Kapal ng mukha! Di man lang ako pinansin at sa halip at tuloy tuloy lang sya sa paglalakad! Kapal talaga ng mukha! Bwiset!

"Sorry ha?!" Sigaw ko at humarap sa kanya. Huminto naman sya at humarap sa akin.

"Wala yun miss." Sabi nya at inirapan ako.

Tangina? Ang gwapo nya, tapos umirap? Bakla? Owemji. Tsk. As if namang pakialam ako?

Sinuot ko na muli ang headset ko at nag ikot ikot. Nakita ko ang foodcourt. Kaya naman naisipan kong kumain na muna. Pizza at ices coffee lang ang inorder ko. Tapos kinuha ko ang phone ko sa Bag. May nakita akong text ni Aero dun kaya naman binuksan ko at binasa yun.

"Hi best! How's life? Hahahaha"

Wala na naman sigurong magawa, ibinalik ko na ng phone ko at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako ay dumeretso na ako sa bahay. Wala na naman kasi akong gagawin dito. Nakakatamad na din.

"Hi nak! Umupo kana at malapit na maluto to" salubong sakin ni Mama nang mapansin nya ang pagdating ko.

"Mama, kakakain ko lang sa labas e." Sambit ko.

"Ah ganun ba? Osige na. Magpahinga kana sa kwarto mo at hihintayin ko pa ang kuya at papa mo" sabi naman nya.

"Sige ma." Umakyat na ako sa kwarto at nag ayos ng gamit para sa First day ko bukas. Sana maging maayos ang lahat. Sana maging payapa ang buhay ko dun.

Habang inaayos ko ang gamit ko ay nakaramdam ako ng antok kaya naman nagbihis nako ng pantulog bago pabagsak na humiga sa kama. Malapit na sana ako makatulog nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw.

"Quinn!" Nanggaling sa baba ang boses at sigurado akong si kuya yun. Tsk. Tamad akong bumangon at bumaba.

"Bakit ba?" Angil ko.

"Wala lang!" Tatawa tawa niyang sabi kaya inirapan ko siya.

"Mama oh! Argh!" Sigaw ko pa. Nagpapadyak na ako umakyat papunta sa kwarto at pabagsak ulit na humiga sa kama.

Napatingi ako sa aparador na bahagyang nakabukas kaya nakikita ko ang uniform ko. I'm a little bit nervous for tomorrow. I hope everything will be fine.

Hot Meets ColdWhere stories live. Discover now