Malakas ang tawa ng lalaki. "Sanayan lang dito, Trish," anito.

Mayamaya, tanong ni Patricia, "Exactly, ano ang magiging papel ko sa festival?" Dahil hanggang ngayon hindi malinaw sa kanya ang imbitasyon.

Umiling ang lalaki. "Hindi ko rin alam. Pero siguro, they want to make sure I have painted a real person, though not sure about that. But surely, you will be briefed."

"Baka magmukhang tanga ako do'n?"

"Would I allow that?"

"Why not, busy ka sa mga colleague mo."

"You're my first concern, Trish." Naging marubdob ang mga titig ng lalaki. "Your welfare, your comfort – sila ang mas mahalaga sa akin. Do not forget that you're my guest here."

Maluwat na napamata ang dalaga. Naalala niya, the last time she was his guest ay pinutakti siya ng sexual assaults ng lalaki. Though inaamin niya, no dull moment with Vaughn Eric, but does his entertainment include seducing her, too? And bringing her to bed?

At ang lahat ng nangyari sa Isla Verde ay mauulit sa Roma?

"Trish?"

"I-I was thinking the first time I was your guest," pairap niyang sagot.

"Really?" Nakakaloko ang ngiti ni Vaughn. "How was it then?"

"W-well, not too bad."

"Ouch! I should have done better, hey?"

"Far better."

"Tell me, Trish – what disappointed you? Ang pakikipag-away ko ba sa Kano o ang lovemaking sa dalampasigan?"

Saglit ang pamumula ng dalaga. There was something from his words na parang hindi niya kayang palampasin. "Define lovemaking."

Tumawa ang lalaki. "Lovemaking is awesome—"

"I said define, not describe."

"Fine," masiglang napahinuhod si Vaughn. "Lovemaking is a term commonly used when a man and a woman satisfy their carnal needs."

Parang may lumabi kay Patricia. So, Vaughn Eric has defined lovemaking quite differently from what she has hoped for. Nagtutumibay ang hinala ng dalaga na para kay Vaughn Eric, ang pakikipagtalik ay isang uri din lamang ng aliw at kabilang sa basikong pangangailangan ng isang lalaki. Sa mas madaling salita – pampalipas oras, panighaw ng init ng katawan, at libangan.

Pasensiya siya dahil sa mga oras na bagot na bagot si Vaughn Eric, siya ang naroon upang maghatid dito ng kasiyahan. Sa mga oras na uhaw na uhaw ang lalaki, siya ang naroon.

Disappointment flooded her face, at hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaki. "Why, Trish? What lovemaking means to you?"

At any rate, naisip ni Patricia, hindi niya ipapahamak ang sarili sa harap ng lalaki. Humugot siya ng ibayong lakas ng loob saka sinabing, "Parang paracetamol lang din 'yan. Pampakalma. Pampawala ng lagnat."

Tabingi ang ngiti sa mga labi ni Vaughn Eric.

Muli silang sumakay sa eroplano. Mag-uumaga nang ganap nilang marating ang Roma. Mula sa paliparan, sumakay sila sa isang hotel service na naghatid sa kanila sa Palazzo Montemartini, ang official residence ng lahat ng kalahok sa festival.

Tuloy-tuloy sila sa counter. Isang masayang lalaki ang bumati sa kanila. "Benvenuto, Signor y Signora. Welcome to the Eternal City of Rome."

"Grazie." Ibinigay ni Vaughn Eric sa lalaki ang kanyang identification card bilang kasapi ng Supreme Society of Portrait Painters, gayundin ang komunikasyon mula sa secretariat ng nasabing grupo.

Breathless EncounterOnde histórias criam vida. Descubra agora