chapter 20--Execution's progress

3.9K 128 3
                                    

Araw araw na po ang UD ko kasi Bakasyon na nga po kasi hahahah so yun nga po I hope na matapos ko Agad ito ng Editing na lang at Updating sa Astraea na lang ang gagawin ko.


KEEP READING <3


==================


JAMES VINCENT'S POV


Alam kong di kami Pwedeng pumatay kaya naman ang Execution plan namin ay ginawa namin pero ikukulong lang namin sila sa Dungeon.

Sa ngayon ay nagtipon tipon kaming Supreme student Council Member at ang Royal Linians upang mapag-usapan ang Execution Mission namin.

Nasa Council Headquarter kami ngayon at kasalakuyan akong nakatayo habang pinapakita ang Mapa ng Lightania Academy lahat ng Lugar ay nandito except sa Secret Garden ko.

"Grade level Representatives ay i-aasign ko kayo sa bawat Building niyo Grade 8 representative ay sa Building ng grade 8 and so as the other Grade level Representative while sa Grade 7 ay si Aldrin ang naka assign."Sabi ko habang tinuturo ang mga bawat building.

"Sa mga teacher ng different level ay sina Secretary,Auditor,Treasurer,at Peace officers"sabi ko habang tinuturo ang mga Faculty room ng bawat level

"At sa mga restricted area ay sina Arriane,Crystal,Raven,Cristine,Sheena at Vice President."sabi ko habang tinuturo ang mga Restricted area whic is mga Little but dangerous Forest at Gardens.

"While Me,and the others ay magbabantay sa mga Dark Spot ng Academy or sa mga possible Path kung saan pwede sila magkita for some transaction."sabi ko sa kanila.

"Call me if you found something,Mission Start!"sabi ko at bigla kaming nagteleport sa mga Assigned place.

Nagkahiwa-hiwalay kami para mapadali ang paghahanap ng Clue or anything na magdadala dun sa Traitor.

Nasa Likod ako ng Dorm ngayon at napansin kong may isang lalaki ang nakatayo at parang may kinakausap,kaya naman dahan dahan ako na pumunta sa gawi nung lalaki.

And nga pala,Lahat ng kasali sa SSC ay may kakayahang Magteleport kaya kapag wala ka na sa SSC ay automatic wala na ang ability to teleport na mayroon sya.

"Master..."sabi nung Lalaki at pagtingin ko sa harap nya ay wala namang tao.

"Opo Gagawin ko po ang inuutos nyo,papatayin ko po sya"sabi uli nito kaya naman nagpantig ang tainga ko sa narinig kong PAPATAYIN kaya naman nakinig ako ng mabuti.

"Opo...Nasa Class A-IV na kasi po siya ngayon dahil nilipat po sya nung Headmistress...Opo...Gagawa po ako ng paraan...hmmm...opo sigurado po ako"sabi uli nito

Wala na akong choice kundi gamitan sya ng Linia ko.

Pinawalan ko sya ng Hangin sa Katawan kaya namimilipit sya ngayon dahil hindi sya makahinga kaya naman lumabas ako sa aking pinagtataguan kaya nakita nya ako.

"Sorry bro pero...Kailangan ko itong gawin"sabi ko at gumawa ng Sleeping ball of Wind sphere at pinasok ko sya doon at nalanghap nya ang hangin sa loob kaya naman nakatulog sya.

Habang nasa Sleeping Ball of Wind Sphere itong lalaki ay nagteleport ako sa Dungeon at binuksan ko ang isang selda doon at ipinasok sya roon.

Hindi ordinaryong selda ang mayroon dito sa Dungeon.Isa itong kwarto na puti lang ang kulay at walang kalaman laman.

Pagnakulong ang isang taong may Linia dito sa selda ay automatic mawawalan ng Linia ang tao at isa pa walang bintana dito pero makakapasok ka dito dahil may Pinto at pag nakapasok na ay automatic na mawawala ang pinto nito sa loob.

Lightania Academy 2:The Lady WarriorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt